Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44614

Ate Gay may basbas ang panggagaya kay Nora Aunor: Hindi siya maramot

$
0
0
Ate Gay may basbas sa panggagaya kay Nora Aunor: Hindi siya maramot

Nora Aunor at Ate Gay

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng komedyanteng si Ate Gay sa nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Ibinandera ni Ate Gay o Gil Morales sa tunay na buhay, ang kanyang  pagmamahal at pagrespeto kay Ate Guy sa pagdalaw niya sa lamay sa kanyang idolo sa Heritage Park sa Taguig City.

Hindi napigilan ng komedyante ang maiyak nang magpaunlak ng panayam sa media sa labas ng chapel kung saan nakaburol ang labi ng Superstar.

Sabi ni Ate Gay, utang niya kay Nora Aunor kung nasaan man siya ngayon sa mundo ng showbiz. Halos tatlong dekada na rin siya sa entertainment industry at isa raw si Ate Guy sa mga unang sumuporta sa kanya.

“Lahat ng malaking nangyari sa buhay ko, like sa MOA concert ko, guest ko siya. Kumbaga sinusuportahan niya mga gumagaya sa kanya,” lahad ng beteranong komedyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa niya, “Kay Nora Aunor, mula nag-work ako, bet ko na siya. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya. Naikot ko buong mundo dahil sa kanya. Hindi siya maramot. Hindi niya kami pinagbabawalan.”

Isa rin si Ate Gay sa mga nagpatunay kung gaano kabuti ang puso ng Superstar sa harap at likod ng mga camera. Napakarami rin daw niyang magagandang alaala kasama ang namayapang iconic actress.

“Natutunan ko sa kanya maging mabuti sa tao, maging mabait sa fans. Natuto akong mang-aliw ng mga manonood at sa pag-arte,” sabi ni Ate Gay sa panayam ng press.

Nauna rito, naloka ang stand-up comedian sa mga nagpadala sa kanya ng “Rest in peace” message sa social media.

Ito’y matapos ngang mabalita ang biglaang pagpanaw ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor dahil sa acute respiratory failure.

Ni-repost ni Ate Gay sa kanyang Facebook account ang isa sa mga natanggap niyang mensahe mula sa mga netizens.

“Ate Gay Rest In peace po. Salamat po sa malaking contribution mo sa showbiz industry. Mananatili ka sa pusu’t isipan namin,” mensahe ng netizen.

Ang caption ni Ate Gay sa kanyang FB post, “Maliiiiiii juskoooo Po.”

“Nagluluksa Ako dahil 3 dekada Kong bitbit Ang pangalang Nora Aunor sa pagiging Ate Gay ko…pero napatawa mo Ako, di ko alam kung pano mapapasaya tita mo,” ang sabi pa ng komedyante.

Si Ate Gay ang ay isa sa mga pinakasikat na impersonator ng nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na binawian ng buhay noong Miyerkules Santo, April 16.

Ayon sa anak ni Ate Guy na si Ian De Leon, acute respiratory failure ang ikinamatay ng kanyang ina matapos sumailalim sa isang medical procedure. Kahapon, April 19, personal na dumalaw si Ate Gay sa burol ni Nora Aunor.

The post Ate Gay may basbas ang panggagaya kay Nora Aunor: Hindi siya maramot appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44614

Latest Images

Trending Articles



Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>