
PHOTO: Facebook/Nora Aunor National Artist
ACUTE respiratory failure.
‘Yan ang naging dahilan na tuluyang binawian ng buhay ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, ayon sa kanyang anak na si Ian De Leon.
Sa panayam niya sa programang “24 Oras” nitong Biyernes, April 19, kinumpirma ni Ian: “Technically and clinically speaking the cause of death was acute respiratory failure.”
Base sa na-search namin sa internet, nangyayari ang acute respiratory failure kapag hindi na makapaglabas ng sapat na oxygen ang baga patungo sa dugo.
Baka Bet Mo: Nora Aunor namigay ng pera sa mga preso; magsasaka inabutan ng P15K
Dahil diyan ay naaapketuhan na rin ang mga organs ng katawan at ito ay unti-unti nang bumibigay.
Ibinahagi rin ni Ian na bukod sa state funeral, wala pa silang ibang detalye tungkol sa mga planong tribute ng gobyerno para sa yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts.
“Aside from [the] state funeral that will be conducted on Tuesday, we’ve spoken kaming magkakapatid. We’re asking [for] any updates from the local government and so far, wala pa pong official kaming natatanggap,” pahayag niya.
Ikinuwento rin ng aktor ang huling sandali kasama si Ate Guy bago ito pumanaw kamakailan lang sa edad na 71.
“Ang huling message niya po sakin, sabi niya, ‘Anak pakihalik mo ako sa mga apo ko. Hug mo ako sa kanila. Sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila,’” ani Ian.
Idinagdag pa niyang kasama ng iconic actress ang mga mahal niya sa buhay sa kanyang huling sandali.
Sa naunang press conference, nilinaw ni Ian na hindi namatay si Nora habang isinasailalim sa operasyon.
Kasalukuyang nakaburol ang mga labi ng legendary actress sa Heritage Park sa Taguig City.
Ang public viewing ay nakatakda ngayong April 19 at 20 mula 10 a.m. hanggang 4 p.m.
Sa Martes (April 22) naman, pararangalan si Nora sa pamamagitan ng isang state funeral bago siya ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
The post Ian De Leon: ‘Acute respiratory failure’ ang cause of death ni Nora Aunor appeared first on Bandera.