
MB40
MAY binuo na bagong male group –tinawag itong “MB40.”
‘Yan ang naging discovery ni Andrew de Real, ang Music Box Powered by The Library Comedy Bar, kasama si Jerick Gadeja, na naging manager ng grupo.
Ang MB40 ay binubuo nina Kurt, Rafael, Rdee at Gelo.
Sa mga curious diyan kung bakit may “40”? Ito ay dahil 40 years na ang Music Box.
Baka Bet Mo: BGYO Gelo umaray sa fake news: Nananahimik ako, tigilan n’yo ‘ko
May kanya-kanyang followers ang MB40 nu’ng solo-solo sila at magkakaibang araw napapanood.
Sina Rafael, Kurt at Rdee palang ang miyembro noon na later on ay isinama na si Gelo.
Iprinesenta ang MB40 sa ilang media friends at suking manonood ng Music Box na matatagpuan sa Timog Avenue, Quezon City.
Ayon sa miyembrong si Rafael, “We have been performing as solo artists for some time, itong show na ito ang first performance namin na magkakasama.”
“Kaya kami tinawag na MB40 kasi we were formed by and at Music Box on the iconic venue’s 40th year in business,” anila.
Sabi pa ni Rafael, “Nabuo kami sa Music Box talaga, ‘yung tatay (manager) namin, meron siyang eye for talent. Binuo kami. Actually, hindi kami magkakakilala personally.”
Sey naman ni Rdee, “Hindi na yata bagay sa amin tawaging boyband.”
“Mas gusto namin na makilala ang vocal group, pag boyband kasi, sing and dance. We can dance, pero not the boyband style. Yung choices of songs namin pang vocal group talaga,” opinyon ni Kurt.
Kwento ng manager ng grupo na si Jerick, “Lima talaga ang gusto ko, pero ang hirap maghanap ng ka-range nila (boses) kaya apat sila, okay na sila.”
Kaya nasama naman si Gelo na galing ng StarStruck ay dahil kilala na rin sa ilang programang nilabasan nito at bagay siya sa grupo dahil lahat sila guwapo sa paningin ng bawa’t isa.
“I can sing also, pero hindi kasing range nila. But I am willing to learn from these guys,” saad ni Gelo.
Nabanggit din nina Rdee, Rafael, Kurt at Gelo na higit pa sa auditions at pagsasanay ang ginagawa nila sabi nga nila, “Breaking the individual.”
Natanong kung may selosang nangyayari sa kanila, lalo’t lahat sila ay ma-appeal sa masa at ano ang pagkakaiba sa apat na miyembro sa tatlo o lima.
Wika nila, “There’s less room for selos at mas madali ang communication. Mas madali din magpatawag ng rehearsal at hindi kasinggulo kung maraming members. May kanya-kanya kaming lugar vocally so hindi kailangang may malimitahin ang kahit sino sa amin.”
Pinaghahandaan nila ngayon ang unang single na isinulat ni Vehnee Saturno.
Confident ang MB40 na makikilala sila sa takdang panahon.
“Andami ng napasikat ng Music Box at The Library. Hindi man namin alam ano exactly ang nakita nila sa amin para buuin as a group we’re beyond confident they know what they’re doing,” ani ng apat.
The post MB40 ang pinakabagong singing male group, paano ba sila nadiscover? appeared first on Bandera.