Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44682

Lee Min-ho magpapakilig sa Pinoy fans, may bonggang fan meet sa April 26

$
0
0
Lee Min-ho magpapakilig sa Pinoy fans, may bonggang fan meet sa April 26

PHOTO: Instagram/@actorleeminho

HANDA na bang kiligin ang Pinoy fans ng K-Drama heartthrob na si Lee Min-ho?

Nako, malapit na malapit na siyang bumisita sa Pilipinas!

Muli siyang babalik sa bansa para sa mas bongga at mas engrande na fan meet event na siguradong mapapa-“Oppa” tayong lahat.

Sa darating na April 26, magaganap ang “MINHOVERSE,” isang out-of-this-world fan meet event na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena. 

Baka Bet Mo: LIST: Taeyeon, j-hope, Lee Min Ho, iba pang major acts raratsada sa PH concert

Bilang bahagi ng kanyang Asia fan meeting tour, asahan ang napakasayang bonding moment –isang gabi na puno ng kwentuhan, kilig, at surprises mula sa isa sa pinaka-gwapong aktor sa Korea!

At para mas sulit ang experience, lahat ng attendees ay makakatanggap ng photocard, souvenir show card, at official poster.

Bukod diyan, May ilang ticket tiers din na may special raffle perks.

Ang fan meet ay may reserved seating at ang ticket prices ay nagsisimula sa P2,760 hanggang P11,660.

Mabibili ang tickets sa SMTickets.com o sa mga physical outlets nationwide. 

Para sa mga hindi aware, si Min-ho ay isang award-winning actor at singer na kinikilala sa buong mundo bilang isang global Hallyu star.

Kilala rin siya bilang isa sa mga hari ng K-dramas na hindi na bago sa mga Pinoy fans. 

Ilan sa mga pinagbibidahan niyang hit K-Dramas ay ang “City Hunter” (2011), “The Heirs” (2013), “The Legend of the Blue Sea” (2016), at “The King: Eternal Monarch” (2020). 

At ngayon, mas pinapainit pa niya ang eksena sa kanyang bagong sci-fi K-drama na “When the Stars Gossip” kasama si Kong Hyo Jin.

Matatandaang bumisita na si Min-ho sa ating bansa noong October 2023 bilang brand ambassador ng isang real estate developer company.

The post Lee Min-ho magpapakilig sa Pinoy fans, may bonggang fan meet sa April 26 appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44682

Latest Images

Trending Articles



Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>