Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44557

Mga labi ni Nora Aunor nasa Heritage Park na sa Taguig

$
0
0
Mga labi ni Nora Aunor naihatid na sa Heritage Park sa Taguig

Nora Aunor (Photos from Nadia Montenegro Instagram)

NASA The Heritage Memorial Park na sa Taguig City ang labi ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Nagbahagi ng tatlong litrato sa kanyang Instagram account ang aktres na si Nadia Montenegro na kuha sa loob ng isa sa mga Chapels sa Heritage ngayong araw.

Makikita sa post ni Nadia, na kilala bilang isa sa malalapit na kaibigan ng anak ni Ate Guy na si Lotlot de Leon, ang kabaong ng Superstar.

Napapaligiran ito ng maraming bulaklak kung saan nakapatong din ang malaking larawan ni Ate Guy, bukod pa rito ang isang painting ng iconic actress at TV host.

“The one and only… Superstar,” ang caption na isinulat ni Nadia sa kanyang IG post.

Ngayong araw, Huwebes Santo, April 17, magsisimula ang funeral rites para sa namayapang National Artist. Ang viewing na naka-schedule ngayong gabi ay para sa pamilya na susundan ng misa.

Bukas, April 18, ang lamay para sa mga kapamilya at mga kaibigan ni Ate Guy na inaasahang magdadagsaan para makiramay sa mga naulila ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa April 19 at 20, Sabado at Linggo, 10 a.m. to 4 p.m. nakatakda ang public viewing habang sa April 21, Lunes, mga kapamilya at mga kaibigan lamang ang pwedeng bumisita at makiramay.

Pagsapit ng April 22, Martes, itinakda naman ang interment sa labi ni Ate Guy kasunod ang paghahatid sa kanya sa Libingan Ng Mga Bayani.

Wala pang ibinibigay na detalye ang pamilya ni Nora Aunor para sa kanyang state funeral.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin isinasapubliko ng mga anak ni Ate Guy na sina Ian de Leon at Lotlot de Leon ang naging sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina.

Pero ayon sa ilang napagtanungan natin na malapit kay Ate Guy, nitong nagdaang Martes ay sumailalim daw ang Superstar sa angioplasty. Nahirapan daw huminga ang award-winning actress.

Matatandaang sa panayam kay Ate Guy ng “Fast Talk with Boy Abunda” naikuwento niya na namatay daw siya sa loob ng tatlong minuto matapos dalhin sa intensive care unit.

Ito’y dahil daw sa pagbaba ng oxygen ng kanyang pangangatawan, “Hindi ko alam kung puwede kong sabihin kasi namatay na ako ng three minutes. Itong mga nakaraan lang, ngayon ko lang sasabihin ito.

“Kasi ‘yung nangyari noon, hindi ba nagkakasakit ako? Lalabas ako ng gabi, madaling araw dadalhin na naman ako sa ospital,” pahayag ni Nora.

“So may insidente na sabi ko, ‘Halika na kasi bumababa ‘yung oxygen sa katawan.’ So punta ako sa ospital, sabi ko, ‘Oxygen lang po ang kailangan ko.’

“Ang nangyari, hindi ko alam, walang tumulong, hindi minadali na lagyan ako ng oxygen, ang nangyari humiga ako, hindi ko na alam ano ang nangyari. Paggising ko, nandoon na ako sa ICU,” aniya pa.

May isa pang insidente kung saan himala rin siyang nakaligtas nang maaksidente sa kotse habang ginagawa ang isa niyang pelikula.

“Ang sabi nila, nagdasal na sila. Kasi sabi nila patay na ako. Ang nangyari pala, ‘yung salamin sa harapan, natanggal sa sasakyan pero buo, hindi nabasag,” dagdag pa niya.

“‘Yung manibela naman, imbes na tamaan ako sa dibdib, lumihis ‘yon sa akin. So wala talaga, wala akong naramdamang sakit. Ang naramdaman ko lang ‘yung nauntog ‘yung ulo ko sa may bintana,” pag-alala ni Ate Guy.

The post Mga labi ni Nora Aunor nasa Heritage Park na sa Taguig appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44557

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>