Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44500

PAGASA: Mainit ang Huwebes Santo, 10 lugar nasa ‘dangerous’ heat index

$
0
0

PAGASA: Mainit ang Huwebes Santo, 10 lugar nasa ‘dangerous’ heat index

MAINIT at maalinsangan ang Huwebes Santo, April 17.

Ito ang inilarawan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa inilabas nilang weather bulletin.

Kaya naman kung balak ninyong lumabas ng bahay, lalo na sa mga magbi-Visita Iglesia, huwag niyong kalimutang magdala ng payong o mga panangga sa init.

Ayon kay Weather Specialist Benison Estareja ang malaking bahagi ng Luzon ay makakaranas ng fair weather conditions mula umaga hanggang tanghali.

Baka Bet Mo: Tag-init nagsimula na, asahan mas maalinsangang panahon –PAGASA

“Pagsapit ng tanghali, nandiyan pa rin ang maalinsangang panahon dahil sa easterlies at sasamahan lamang ng mga pulo-pulong mga pag-ulan sa ilang areas ng Southern Luzon at may mga lugar pa na magkakaroon lamang ng mababang tsantsa ng pag-ulan,” sey niya sa isang press briefing.

Sa katunayan nga ay sampung lugar ang inaasahang makakaranas ng “dangerous” heat index level ngayong araw, April 17, ayon sa PAGASA.

Ibig sabihin, ang mararamdang init ay nasa pagitan ng 42 degrees celsius at 51 degrees celsius na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Heto ang listahan ng mga lugar na magiging mapanganib ayon sa PAGASA:

43°C

Dagupan City, Pangasinan

Central Bicol State University of Agriculture-Pili, Camarines Sur

42°C

Tuguegarao City, Cagayan

Isabela State University Echague, Isabela

Tarlac Agricultural University Camiling, Tarlac

Sangley Point, Cavite

Iloilo City, Iloilo

Dumangas, Iloilo

Catarman, Northern Samar

Butuan City, Agusan del Norte

Samantala, nabanggit din ng weather bureau na posible ang isolated rain showers pagdating ng hapon hanggang gabi sa ilang parte ng Eastern Visayas, Caraga Region at Davao Region, pati na rin sa mga probinsya ng Cebu, Bohol, Camiguin, Misamis Oriental, at Bukidnon.

Aasahan naman sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ang maulap na kalangitan.

“Sasamahan ng mga saglitang mga ulan at mga thunderstorms, lalo na sa dakong hapon hanggang sa gabi,” esplika ni Estareja.

Tiniyak din ng weather specialist na wala silang binabantayan ng kahit anong sama ng panahon sa ating Philippine area of responsibility.

The post PAGASA: Mainit ang Huwebes Santo, 10 lugar nasa ‘dangerous’ heat index appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44500

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>