PATAY ang 40 taong gulang na single mom matapos siyang masagasaan ng isang itim na sport utility vehicle o SUV habang naglalakad pauwi sa Makati City.
Ayon sa inilabas na ulat ng GMA News nitong Martes, April 14, may iba pang mga taong nabundol ang nagmamaneho sa SUV.
Ito ay base sa nakuhang CCTV sa lugar ng insidente noong April 15.
Base sa lumabas na imbestigasyon ng Makati City Police ay isa umanong security guard ang driver ng naturang sasakyan.
Baka Bet Mo: Single mom balak hiwalayan ang dyowang afam, tamad makipag-chat
View this post on Instagram
Hindi rin daw aware ang may-ati ng naturang sasakyan na minaneho ito ng security guard
“Nag-ask siya [security guard] sa mother ko kung iuurong niya yung sasakyan. Sabi ng mother ko, ‘huwag, antayin mo yung anak ko or tawagin mo yung anak ko.’ Kaso nag-insist yung security na marunong naman daw siya. Matagal na daw siyang driver,” saad ng may-ari ng may-ari ng sasakyan sa panayam.
Ngunit sa naging imbestigasyon ay hindi umano marunong gumamit ng automatic na sasakyan ang naturang security driver kaya naman napaharurot ito at nakabangga ng mga tao sa daan.
“Sa tingin natin ay hindi niya alam imaneho [ang SUV na automatic] dahil sabi nung security guard na nagmaneho, pag-release pa lang ng lever ng handbrake, ito’y umandar na, padiret-diretso,” lahad naman ng pulisya.
Samantala, hustisya ang hiling ng pamilua ng namatay na single mom lalo na’t anim na anak nito ang naulila dahil sa insidente.
Nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to properties ang suspek.
Nasa kustodiya na rin ng mga otoridad ang suspek.
The post Single mom patay matapos maararo ng sasakyan, 6 na anak naulila appeared first on Bandera.