
Sarah Discaya
WALANG naging paglabag si Pasig City mayoralty bet Sarah Discaya hinggil sa kanyang citizenship.
Ito ang iginiit ng kanyang abogadong si Edward Galoso kaya walang pagbabasehan ang anumang disqualification case na isasampa laban sa kanya.
Paliwanag ni Galoso, “dual citizen by birth” dahil ipinanganak ito sa London noong kapwa overseas Filipino workers (OFWs) ang kanyang mga magulang kayat siya ay itinuturing din na British citizen.
“Sa ilalim po ng ating mga umiiral na batas, wala po siyang kailangang gawin pang ibang hakbang upang legal na makalahok sa May 12, 2025 elections bilang kandidato bago o matapos niyang mag-file ng certificate of candidacy,” sabi pa ni Galoso.
Diin pa niya may naging desisyon na ang Korte Suprema na nagsabing maaring lumahok sa eleksyon bilang kandidato ang sinumang “dial citizen by birth,”
Kasabay nito, hinamon niya si Pasig City Mayor Vico Sotto na maglabas ng anumang katibayan sa sinasabi niyang paglabag ni Discaya na maaari nitong ikadiskuwalipika bilang kandidato.
Magkalaban sa isang posisyon sina Discaya at Sotto.
The post Disqualification case vs Sarah Discaya walang basehan – lawyer appeared first on Bandera.