
Maria Isabel Lopez
PINAGSISISIHAN ng veteran actress na si Maria Isabel Lopez na mas naging priority niya noon ang talent fee kesa sa quality ng pelikula at kung sino ang makakatrabaho niyang direktor.
Isa sa mga naitanong sa kanya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay kung may pinagsisisihan siya sa mga naging desisyon niya sa pagiging artista.
Diretsahang question ni Tito Boy kung nagsisisi siya sa paggawa noon ng mga sexy movie kung saan kinailangan niyang magpakita ng hubad na katawan.
“Wala akong regrets,” ang sagot ni Isabel na isa ring dating beauty queen. Siya ang itinanghal na Miss Universe Philippines noong 1982.
Ngunit inamin niya na may nararamdaman siyang panghihinayang n mas nag-focus siya noon sa pera at presyo ng talent fee at binalewala niya ang mga proyekto at direktor na maliit lang ang budget.
“Ang only regret ko lang siguro is I focused more on the money I make, on the talent fee, and not on like who’s the director.
View this post on Instagram
“So there was a time na I turned down a Lino Brocka film dahil lang ang budget is so little, so ‘yun siguro isa sa mga regrets ko,” esplika ng premyadong aktres.
Si Lino Brocka ay hinirang na National Artist for Film and Broadcast Arts noong 1997. Pumanaw ang batikang filmmaker noong 1991.
Ilan sa kanyang mga obra na umani ng mga parangal ay ang “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” (1974), “Maynila: Sa Kuko ng Liwanag” (1975), “Insiang” (1976), “Jaguar” (1979), “Bona” (1980), “Macho Dancer” (1989), “Orapronobis” (1989), at marami pang iba.
Kabilang naman sa mga pelikulang nagawa ni Isabel ay ang “Isla” (1985), “Daughters of Eve, o Silip”(1985), at “Kinatay” (2009), kung saan nagwagi siyang Best Supporting Actress sa Gawad Tanglaw at Golden Screen Awards.
Samantala, kinumpirma rin ni Isabel na naayos na ang isyu sa hindi pag-imbita sa kanya sa 50th anniversary ng Binibining Pilipinas noong 2013.
Baka raw um-attend siya sa naturang national pageant sa susunod next year.
The post Maria Isabel Lopez nagsisi, mas pinili ang TF kesa makatrabaho si Lino Brocka appeared first on Bandera.