
PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas
ILANG araw na lang, masisilayan na sa big screen ang pelikulang “Bonhoeffer: Pastor. Spy. Assassin.” mula sa direksyon ng American playwright and novelist na si Todd Komarnicki.
Ang kaabang-abang na movie ay mapapanood exclusively sa Ayala Malls Cinemas sa darating na March 12.
Ang pelikula ay base sa tunay na buhay ni Dietrich Bonhoeffer na pinagbibidahan ng German actor na si Jonas Dassler.
Umiikot ang kuwento kay Dietrich na isang kilalang German theologian at anti-Nazi na sumalungat at nagtangkang labanan ang pamumuno ni Hitler sa pamamagitan ng kaniyang paniniwala at pananampalataya.
Baka Bet Mo: LIST: 5 Hollywood films na pak na pak pang-movie marathon sa Marso
Naimbitahan ang BANDERA sa advance screening kamakailan lang at labis kaming namangha sa husay at galing ni Jonas sa pag-arte.
Kuhang-kuha niya ang madamdaming emosyon at taglay na katapangan ni Bonhoeffer na talaga namang naramdaman ng mga audience.
Bukod sa kakaiba ang istorya, tiyak na mala-roller coaster ride ang mararamdama niyong emosyon sa bawat eksena na ibabandera sa upcoming movie, lalo na’t mapapaisip ka talaga sa simula hanggang dulo ng pelikula.
‘Di rin matatawaran ang pagganap ng ibang mga aktor na sina Flula Borg, August Diehl, Moritz Bleibtreu, at David Jonsson na mas nakadagdag pa sa lalim ng hugot ng pelikulang ito.
Siguradong tatangkilikin at papalakpakan ito ng mga manonood dahil sa mahusay at makabuluhang tema ng pelikula na talaga namang kapupulutan n’yo ng mahalagang aral.
The post ‘Bonhoeffer: Pastor. Spy. Assassin.’ tunay na makabuluhan, hango sa tunay na buhay appeared first on Bandera.