Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44146

Ivana Alawi sa pag-eendorso ng politiko: Choosy ako, hindi ito pera-pera!

$
0
0

Ivana Alawi sa pag-eendorso ng politiko: Choosy ako, hindi ito pera-pera!

MARAMING pumipilit sa Kapamilya actress at isa sa mga top content creator sa Pilipinas na si Ivana Alawi na pasukin na rin ang mundo ng politika.

Ayon sa mga supporters ng dalaga, kung nagdesisyon ang dalaga na tumakbo sa darating na May, 2025 elections siguradong mananalo raw siya.

Kilala kasi si Ivana sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan, lalo na sa mga ginagawa niyang content sa kanyang YouTube channel.

Sakaling magkaroon daw siya ng posisyon sa gobyerno ay siguradong mas marami pa siyang mabibigyan ng tulong dahil nga mas lalawak at kas darami ang kanyang resources.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi happy sa bagong dyowa: Feeling ko pwede nang mag-asawa! Char!

Pero tigas pa rin ang pagtanggi ng vlogger na pasukin ang politika dahil naniniwala siya na kahit wala siyang posisyon sa gobyerno ay pwede pa rin siyang tumulong at makapagbigay ng inspirasyon sa sambayanang Filipino.

“Bakit ako tatakbo? Wala akong alam sa politics, wala ako alam sa paggawa ng batas. And siguro kung papasok man ako sa ganyan, dapat mag-aral man lang ako ng three to four years, because I don’t want to put our country at risk,” ang magandang paliwanag ng dalaga sa isa niyang panayam.

At hanggang ngayon ay ganyan pa rin ang stand niya when it comes to politics nang matanong kahapon sa pa-thanksgiving niya para sa media.

“Ano naman, alam ko kapag Pilipinas ang ilalaban, hindi naman content creation lang.

“Actually, ang daming nagsasabi na, ‘Tumakbo ka, tumakbo ka, ang dami mong ipinamimigay.’ Hindi naman ako namimigay para tumakbo at hindi mo rin kailangan tumakbo para makapagbigay.

“Ang pagtakbo talaga is for the country. ‘Yung may mga magaganda kang gagawing batas para mapaganda ang bansa natin.

“Kailangan natin lumaban at lumevel up, ‘no? So ‘yun, hindi talaga ako tatakbo kasi wala naman akong alam diyan,” tuluy-tuloy pang paliwanag ng sexy vlogger.

Samantala, ibinuking din ni Ivana na maraming politiko ang lumalapit sa kanya para magpaendorso pero tinatanggihan niya ang mga ito kapag hindi niya pinaniniwalaan.

“Napakaarte ko at napaka-choosy ko pagdating sa politiko. Hindi naman ‘yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko. Ito ay para sa Pilipinas, para sa mga kababayan natin. Ano’ yung makakapagpaganda sa bansa natin.

“Kasi, kung pera, e ‘di sana lahat kinuha ko, e, ‘di ang yaman-yaman ko na. Hindi, e, hindi siya sa pera. It’s what do you believe in and who do you think will make the country a better place,” paliwanag ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Sa mga senator, congressman, napaka-choosy ko kasi baka gusto lang niya umupo para sa sarili niya hindi naman para sa ating mga kababayan.

“Ako, wala naman akong alam sa politika, pero alam ko kung paano mamili ng tamang eader. Siyempre, pinag-aaralan ko rin kung anong mga batas ang natutupad, very important yun sa akin,” pahayag pa ni Ivana.

Partikular namang binanggit ni Ivana na isa sa mga susuportahan niya sa darating na eleksyon ay ang Agap partylist dahil sa pakikipaglaban nito sa mga karapatan at kapakanan ng mga mangingisda at magsasakang Pinoy at iba pang kasama sa agricultural sector.

The post Ivana Alawi sa pag-eendorso ng politiko: Choosy ako, hindi ito pera-pera! appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44146

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>