Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44243

DepEd posibleng i-adjust ang haba ng klase dahil sa init

$
0
0

DepEd posibleng i-adjust ang haba ng klase dahil sa init

NAGHANDA na ng solusyon ang DepEd o Department of Education para maiwasan ang sunud-sunod na pagsuspende ng klase dahil sa init ng panahon.

Nitong Marso kasi ay nagsimula na ang pagtaas ng heat index na dulot ng pagpasok ng dry season.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News ay nagpadala ng mensahe ang kalihim ng DepEd na si Sen. Sonny Angara tungkol sa solusyon upang patuloy na makapag-aral ang mga bata at maka-iwas ito sa labis na init ng panahon.

Inutusan na ng kalihim ang field offices at mga paaralan na gumawa ng preventive action gaya ng pag-adjust ng class schedule at ang pagsasagawa ng alternative delivery modes kung kinakailangan pati na rin ang pag-ayos ng bentilasyon sa bawat classroom at paglalagay ng hydration stations.

Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi nakipagkita kay DepEd Sec. Sonny Angara dahil sa pambubully sa anak

“We are deeply concerned about our learners’ and teachers’ safety. We are closely coordinating with our field offices to assess the situation in schools and determine the best course of action given the extreme heat,” saad ni DepEd Sec. Angara.

Dagdag pa niya, ilang eskwelahan na rin ang nagsimulang gawing 6:00 hanggang 10:00 ng umaga ang mga klase sa morning shift habang 2:00 hanggang 6:00 naman ng gabi ang mga afternoon shift.

Magiging asynchronous learning naman ang 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Pwede rin namang magpatupad ng asynchronous learning ang mga paaralan kapag umabot sa 42°C ang heat index. Ito ay batay na rin sa mga anunsyo ng local government unit.

The post DepEd posibleng i-adjust ang haba ng klase dahil sa init appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44243

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>