Walang bola ng lotto sa araw ng Pasko at Bagong Taon, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sa inilabas na schedule ng PCSO, mas papaagahin din ang bola ng lotto sa bespiras ng Pasko at Bagong Taon.
Sa halip na 9 ng gabi, ang bola ng Lotto 6/42 at Super Lotto 6/49 ay gagawin ng 2:30 ng hapon. Maaaring tumaya mula 7 ng umaga hanggang 2 ng hapon.
Ang Lotto Keno ay malalaro naman mula 7 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon lamang.
The post Walang bola ng lotto sa Pasko at Bagong Taon appeared first on Bandera.