Matapos makuha ang korona at titulo sa 2015 Miss Universe na ginanap sa Las Vegas, Nevada, nag-post na si Pia Wurtzbach ng kanyang kauna-unahang mensahe sa social media para sa sambayanang Pilipino.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang dalaga ng kanyang selfie picture suot ang kanyang Miss Universe crown, habang ang kanyang sash ay nakapatong sa lamesang nasa harapan niya.
Sey ni Pia, “42 years of drought and now it finally reigns Mabuhay! Maraming salamat po sa inyong lahat.” Bukod dito, isa pang picture ang ipinost ni Miss Philippines sa kanyang IG account habang inaaplayan siya sa make-up na may caption na: “My 1st day as #MissUni verse has officially begun! Starting it off fresh-faced and #ConfidentlyBeautiful.” – EAS
The post Pia nagsimula nang ‘magtrabaho’ bilang Miss Universe appeared first on Bandera.