Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44336

Piolo umaming hindi kaya ang eksena ni Lloydie sa imburnal

$
0
0

john lloyd cruz

TULAD ng ibang nanood ng “Honor Thy Father” sa ginanap na advanced screening sa Dolphy Theater noong Linggo ay talagang napapailing na lang kami sa galing ni John Lloyd Cruz.

Gumaganap si Lloydie bilang si Egay na nakapag-asawa ng taga-Baguio (Meryll Soriano), hindi sila pareho ng relihiyon dahilan para hindi siya magustuhan ng pamilya nito.

Tubong Bontoc, Mountain Province si John Lloyd na may mga kapatid na minero sa katauhan nina Khalil Ramos, Boom Labrusca Dan Fernandez, nanay naman niya si Perla Bautista.

May isang anak sina Lloydie at Meryll, si Krystal Brimner bilang si Angel. Palipat-lipat ng trabaho si Lloydie hanggang sa nagsara ang kumpanyang huling pinagtrabahuan niya.

Ang raket naman ni Meryll ay networking na pinamamahalaan naman ng tatay niya hanggang sa nagkaroon ng problema ang kumpanya kaya’t silang mag-asawa ang napagbuntunan ng galit ng mga nakuhanan nila ng pera kasama na ang mag-asawang handang pumatay para lang mabawi ang pera nila na ginagampanan nina Yayo Aguila at Lander Vera-Perez.

Simpleng buhay lang ang gusto ni Lloydie pero dahil gustong mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya kaya pinasok nila ang networking ngunit naloko nga sila at nalagay sa peligro ang buhay.

At dahil gipit na gipit na, humingi na siya ng tulong sa mga kapatid na minero para pagnakawin ang koleksiyon sa simbahan ng relihiyong kanilang kinabibilangan.

Si Tirso Cruz III ang gumaganap na pinuno ng simbahan at nangangalaga ng pera ng kanilang simbahan habang si William Martinez ang kanyang katiwala bilang si Pastor Obet na mabait sa pamilya nina Lloydie at Meryll.

Ang bigat ng istorya ng “Honor Thy Father”, parang hindi ito nababagay sa Metro Manila Film Festival na dapat ay masaya lang dahil nga Pasko. Pero sa ganda nito ay nagdesisyon ang MMFF organizers na isinama na ito sa eight official entries.

Naniniwala rin kami na maraming iuuwing tropeo ang “Honor Thy Father” sa pa-ngunguna ni John Lloyd bilang Best Actor at Meryll bilang Best Actress at Erik Matti sa pagka-Best Director.

Tama ang sinabi ni Lloydie na hindi niya comfort zone ang papel niya sa pelikula dahil ibang-iba ito sa mga ginagawa niyang romantic comedy movies kaya tiyak na ikagugulat ito ng kanyang fans.

Magaling din dito si Meryll, nasanay kaming kikay ang mga papel niya o kaya kasambahay o yaya kaya nakagugulat na ang husay-husay pala niya sa drama lalo na sa bandang ending ng pelikula.

Napansin namin, may pagkakapareho ang acting nila ng tita niyang si Maricel Soriano.
Mapapanood na ang “Honor Thy Father” sa Dec. 25, handog ng Reality Entertainment nina direk Erik Matti at Dondon Monteverde plus John Lloyd dahil sumososyo rin siya sa proyektong ito, bossing Ervin.

Isa si Piolo Pascual sa nanood ng advanced screening ng “Honor Thy Father” at aminadong speechless siya after mapanood ang pelikula. Kuwento ng aktor, “Pumasok kasi ako sa sinehan nang walang iniisip. I read the script, pero hindi ko ini-expect ang turn of events, ang sakit.

“I’m a movie fan, so when you ask me about the story, parang dinadala talaga ako. In times like these, talagang nangyayari ang mga ganitong bagay. But it’s really worth watching, hindi sayang ‘yung money mo.

“I can say…about direk Erik, he is a ruthless director, sa mounting niya, sa execution, he really place you there (masikip na tunnel), ako kasi may pagka-claustrophobic pa naman ako, so sabi ko hindi ko yata kaya ‘yung nasa ilalim sila (ng tulay), pero it was so real, you can smell it (amoy imburnal), so parang nandoon ka rin, involved ka na rin.

Ang ganda ng pagkakagawa, it’s another masterpiece of direk Erik,” papuri pa ni Piolo sa pelikula.
Nakatrabaho na ni Piolo si direk Erik sa “OTJ” (On The Job) kasama sina Gerald Anderson, Rayver Cruz at Joel Torre na kumabig din ng kaliwa’t kanang awards.

Para kay Piolo ay natutuwa siya at nakatrabaho na rin ni Lloydie si direk Erik. “Oo naman, because we’re supposed to do ‘On The Job’, I really wanted to see the film because I want to see kung ano ‘yung ginawa ni direk Erik at saka si Lloydie, wala kang tulak-kabigin, he really does his own, mix his own so ibang klase talaga, pinipigilan ko lang ‘yung sarili ko (kanina).

“Sa mata palang ni Lloydie, panalo ka na, magaling siyang magdala ng eksena, magaling siyang magdala ng istorya together with Meryll Soriano, sa kanila umiikot ang istorya, di ba? Talagang dadalhin ka nila sa kuwento hanggang sa katapusan,” sabi ng aktor.

At dahil panahon ng Kapaskuhan ay sugal ang pagpapalabas ng “Honor Thy Father” ngayong MMFF, “Actually, nakakatakot, sabi ko (nga), Pasko? Pero well-made, well-crafted, it’s a treat to the moviegoers kasi para Pasko naman, so we have the time to think, bakasyon naman tayo so gusto nating mag-enjoy, gusto nating ma-experience ‘yung galing ni John Lloyd, yung galing ni Meryll at tito Pip (Tirso) was so good, all of them,” sabi pa ni PJ.

The post Piolo umaming hindi kaya ang eksena ni Lloydie sa imburnal appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44336

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>