Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44190

Satisfaction rating ni Binay sumadsad

$
0
0

Jejomar C. Binay
Naitala ang pinakamababang satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay sa huling survey ng Social Weather Station ngayong taon.
Nakapagtala si Binay ng 24 satisfaction rating (52 satisfied, 28 dissatisfied, 20 undecided) mas mababa sa 33 porsyento na naitala niya noong Setyembre.
Pinakamalaki naman ang ibinaba ng rating ni Senate President Franklin Drilon na nakapagtala ng 7 porsyento (38 satisfied, 31 dissatisfied at 26 undecided) mula sa 42 porsyento.
Pareho namang nakapagtala ng -1 rating sina Speaker Feliciano Belmonte Jr., (31 satisfied, 32 dissatisfied at 27 undecided) at Supreme Court chief justice Ma. Lourdes Sereno (29 satisfied, 31 dissatisfied at 27 undecided).
Bumaba rin ang rating ng Senado na nasa 30 porsyento mula sa 44 gayundin ang Kamara de Representantes na nasa 16 mula sa 26 porsyento.
Nakapagtala ang Korte Suprema ng 22 porsyento mula sa 27 at ang Gabinete ay 11 porsyento mula sa 16.
Nauna rito ay bumaba rin ang rating ni Pangulong Aquino. Naitala ito sa 32 porsyento mula sa 41 porsyento. Sa limang lider ng bansa, si Aquino ang may pinakamataas na rating.
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 5-8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

The post Satisfaction rating ni Binay sumadsad appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44190

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>