Sulat mula kay Karylle ng Lantad, Naga, Cebu
Problema:
1. Dati akong nagta-trabaho sa night club at pagkatapos ay ibinahay ako ng isang mayamang lalaki ang kaso matapos ang isang buwan nagkahiwalay din kami, kaya bumalik ako sa club. Sa edad ko pong 25 years old na sa susunod na taong 2016 at ang birthday ko po ay April 13, 1992.
2. Sa edad kong ito sawa at ayaw ko ng magtrabaho kaya gusto ko na sanang mag-asawa, pero ang pangarap ko pong mapangasawa ay mayaman. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung matutupad kaya ang pangarap ko na ito na makapag-asawa ng mayaman? At kung may asawa na ako magiging maligaya kaya ang itatayo naming pamilya?
Umaasa,
Karylle ng Naga Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing susuwertehin ka sa pag-aasawa, higit lalo kung isang Leo, Sagittarius, Aquarius at kapwa mo Aries ang iyong mapapangasawa. Ibig sabihin kung dati ka ng nakipag-live in at nabigo dahil iniwan ka, wag kang mawalan ng pag-asawa, dahil muling mauulit ang pangyayari magkakaroon ka uli ng isang mangingibig na mayaman.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing isang mayamang lalaking na may birth date na 1, 10, 19, o kaya’y 28 ang iyong mapapangasawa, at sa sandaling nakasal na kayo siya ang magbibigay sa iyo ng maraming-maraming suwerte na may kaugnayan sa salapi.
Luscher Color Test:
Upang lumakas ang iyong pang-akit habang nagta-trabaho, lagi kang magsuot ng kulay na pula at dilaw. Sa nasabing kulay makaka-attract ka ng isang mayamang negosyante na sa sandaling pinakisamahan ka at pinakasalan, kasabay nito, ikaw ay mabilis ding yayaman.
Huling payo at paalala:
Kung nalalaman lamang ng isang tao ang kanyang kapalaran, mas madali sana siyang makapag-a-adjust at makapagmo-move-on sa bawat kabiguang kanyang tinatamo. Subalit hindi nababasa ng isang tao ang darating niyang kapalaran, kaya nahihirapan siyang harapin ang kasalukuyan. Sa kaso mo Karylle, ito ang sinasabi ng iyong kapalaran, sa taong darating 2016, tiyak ang magaganap sa edad mong 24 pataas isang mayamang lalaki ang darating na na manliligaw sa iyo hanggang sa tuluyan mo ng mapangasawa, ang nasabing lalaki ay nagtataglay ng initial na T.C.
The post Makapag-aasawa ba ng mayaman? (2) appeared first on Bandera.