Para sa may kaarawan ngayon: Oo nga masaya ang pasko, kaya lang masakit sa bulsa. Hinay hinay lang sa pag-gasta. Kapag hindi ka tumigil ng kapapamili, wala ng matira para sa Bagong Taon. Tandaang kailangan ding pag laanan ang bukas upang higit na lumigaya ang pamilya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Paghandaan ang pagpasok ng 2016, sobrang dami ng mga biyayang darating. Sa pag-ibig, sa taon ding 2016, iinit na muli ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om-Agara.” Silver at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Simulan na ang paglilinis ng bahay at bakuran, ngayon pa lang pag handaan na ang 2016. Isupot at ibenta sa bakal bote ang mga abubot. Sa aliwalas at malinis na kapaligiran, sa 2016 maraming magagandang kapalaran ang kusang darating. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Green at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Sa 2016 lagi kang maglagay ng old o antique na silver coin sa bulsa. Ang talismang iyan, ang hahatak ng mas maraming salapi. Sa 2016 kung reregaluhan ka ng kasuyo ng silver na alahas, mas lalo kang susuwertehin. Mapalad ang 5, 8, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Tama na ang pag-aaksaya ng oras! Kumilos ng kumilos hanggang sa lumago ng lumago ang kita. Sa pag-ibig, wag manghinayang sa kasuyong nawala, may darating na isang Virgo. Mapalad ang 5, 15, 24, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) -Wag mawalan ng pag-asa! Sa sandaling nalusutan ang mga problema tuluy-tuloy na ang liligaya. Sa pinansyal, sa susunod na buwan, dadami uli ang pera. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Habang lumalapit ang kapaskuhan, higit sa inaasahan ang makakamit! Sa pinansyal, biglang madodoble ang laman ng bulsa. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadadama ng kasuyo. Mapalad ang 1, 10, 22, 34, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhama-Aum-Yoti.” Yellow at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Sa taong 2016 tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa at kapag sinusuwerte sa ibang bansa maisasama pa ang buong pamilya. Mapalad ang 9, 14, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Magenta at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Kung maraming biyayang natatanggap, magpasalamat. Maya-maya lang may darating na namang suwerte! Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon patuloy sa pagsarap at mag-iinit pang lalo ang relasyon. Mapalad ang 1, 10, 25, 29, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Wag mag madali! May babala na sa sobrang pagmamadali mara-racket ka na naman. Sa pag-ibig, anuman ang gawin pasya kumunsulta muna sa kasuyong Aries. Mapalad 3, 6, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Karan” Blue at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Magtiwala sa iyong sarili! Sa pinansyal, tandaang “Ang taong buo ang loob, ang yaman ay lubos!” Sa pag-ibig, paligayahin ng husto ang kasuyo, pag di mo nagawa ‘yan, sigge ka baka maghanap siya ng iba. Mapalad ang 2, 17, 28, 34, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Aum-Govinda.” Green at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Isa lang ang pinakatamang pormula ng pagyaman: Pagtitipid, pagkukuripot at pagsisinop ng kabuhayan. Sa ganyang pormula tuluy-tuloy kang yayaman. Sa taong 2016, yayaman din silang may birth date na 5, 23 at 14. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Pink at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Ngayon palang i-practice na ang New Year resolution, para sa 2016 upang mas madali ka ng magtatagumpay. Yayain din ang kasuyo na magkaroon kayo ng New Year resolution para sa lalo pang ikagaganda ng inyong relasyon. Mapalad ang 5, 14, 18, 23, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ako ngayon ay bagong buhay!” Blue at purple ang buenas.
The post Horoscope, December 20, 2015 appeared first on Bandera.