Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44512

Makapag-aasawa ba ng mayaman?

$
0
0

Sulat mula kay Karylle ng Lantad, Naga, Cebu
Dear Sir Greenfield,

Dati akong nagta-trabaho sa night club at pagkatapos ay ibinahay ako ng isang mayamang lalaki ang kaso matapos ang isang buwan nagkahiway din kami, kaya bumalik ako sa club. Sa edad ko pong 25 years old na sa susunod na taong 2016 at ang birthday ko po ay April 13, 1992. Sa edad kong ito sawa at ayaw ko ng magtrabaho kaya gusto ko na sanang mag-asawa, pero ang pangarap ko pong mapangasawa ay mayaman. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung matutupad kaya ang pangarap ko na ito na makapag-asawa ng mayaman? At kung may asawa na ako magiging maligaya kaya ang itatayo naming pamilya?
Umaasa,
Karylle ng Naga Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May makapal at malinaw na Guhit ng Lalaki (Illustration 1-1 arrow 1.) na sumama at pumatong sa Career Line o Fate Line sa iyong palad, hanggang sa ang dalawang guhit ay naging isa na lang (arrow 2.). Ibig sabihin, habang ikaw ay nagwo-work, isang mayamang businessman ang darating – liligawan ka nya at sa bandang huli siya na ang iyong mapapangasawa.

Cartomancy:
King of Clubs, Six of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2016, isang lalaking mayaman na mas matanda sa iyo ng 6 or 9 na taon ang dara-ting, liligawan ka nya hanggang sa tuluyan mo na rin siyang mapangasawa.

Itutuloy….

The post Makapag-aasawa ba ng mayaman? appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44512

Trending Articles