Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44512

Gabby nagsusuka dahil sa matinding sakit ng tiyan

$
0
0

gabby concepcion

IBANG klase talaga ang dedikasyon at propesyonalismo sa trabaho ng Kapusong si Gabby Concepcion.
Imagine, kahit may sakit ang aktor dahil sa matinding pagsusuka at pananakit ng tiyan ay hindi ito nagdalawang-isip na ituloy ang taping para sa GMA Telebabad series nilang Because Of You.

Hindi ininda ni Gabby ang kanyang karamdaman at tinapos ang kanyang taping. Kaya naman hangang-hanga sa kanya ang kanyang mga co-stars sa serye pati na rin ang production dahil hindi ito nagreklamo.

Hindi maikakailang inspirado talaga si Gabby na magtrabaho dahil sa tagumpay ng kanyang kauna-unahang serye sa GMA 7 na Because Of You. Masayang-masaya siya dahil sa nag-uumapaw na suporta at papuri ng manonood sa programa lalo na sa tambalan nila ni Carla Abellana na kinahuhumalingan ngayon ng viewers pati na rin ng netizens.

Kaya naman tutok siya na lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho para lalo niyang mapasaya at mapakilig ang manonood gabi-gabi sa Because Of You.

Ayon kay Gabby nahihiya siyang ma-pack up ang taping nila dahil alam niya kung gaano rin kahirap ang trabaho ng production. Masasayang nga naman ang effort ng mga katrabaho niya kung hindi siya sisipot sa taping.

Alam din daw niya kung gaano kalaking pera ang nawawala sa production pag umabsent siya sa taping.

The post Gabby nagsusuka dahil sa matinding sakit ng tiyan appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44512

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>