WALANG epekto kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang patuloy na pamba-bash sa kanila ng ilang netizens na kontra sa pag-endorso nila kay presidentiable Mar Roxas.
Sa isang panayam sa Teen Queen, sinabi nitong excited sila ni Daniel sa pagsama sa kampanya ni Mar sa darating na 2016 elections, “Nakaka-excite and masaya siya and nae-enjoy ko siya,” ani Kathryn.
“Kasi nga, I’m 19 now and first ever chance ko ‘to para makapagboto and kung sino ang susuportahan natin,” sey ng Pangako Sa ‘Yo lead star.
Kung matatandaan, may mga bumatikos sa tambalang KathNiel nang lumabas ang balitang susuportahan nila ang mister ni Korina Sanchez sa presidential elections next year. Ngunit marami rin ang kumampi kina Daniel at Kathryn at sumaludo sa kanilang paninindigan pagdating sa usaping politika.
Kasama rin sina Kathryn at Daniel sa campaign video ni Mar na “Fast Forward”.
Nang tanungin kung ano ang maipapayo niya sa mga tulad nilang kabataan na boboto rin sa 2016, ani Kathryn, “Yung iboboto mo hindi dahil yung ang kilala mo or yun yung nakikita mo sa mga advertisements.
“Importante yung makikita mo yung plataporma niya, kung ano yung tingin mo na maniniwala ka. And yung makakapagbigay ng mas magandang plano and yung makakapagpa-improve ng country natin.
“Siguro kailangan na responsibility natin lahat na kilalanin natin lahat ng candidate. Tapos tignan nila kung sino yung sa tingin nila na makakapag-fulfill ng mga promises nila,” chika pa ng dalaga sa isang TV interview.
Samantala, nagpasalamat naman si Kathryn sa fans nila ni Daniel dahil mula noon hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang mga ito para suportahan sila sa kanilang mga proyekto.
The post Kathryn, Daniel nanindigan kay Mar; sasama sa kampanya appeared first on Bandera.