Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44083

Jake, Singson muntik nang magrambulan sa bar?

$
0
0

jake cuenca
NASA New York na ngayon si Jake Cuenca para sa kanyang acting course na tatagal ng ilang buwan.

Pero bago pala umalis ang aktor ay nagkaroon diumano ito ng engkwentro kay Ronald Singson, ang dating kongresista na nakarelasyon ng ex-girlfriend niyang si Lovi Poe.

Ayon sa nakarating sa ating balita, muntik na raw mauwi sa gulo ang paglapit ni Jake sa grupo ni Ronald na nag-eenjoy lang daw sa isang sulok during an event.

Napakabilis daw ng mga pangyayari na nakita na lang si Jake na nasa area nina Ronald, and the next thing na nakita ng marami ay yung aktong nakatayo si Ronald habang inaawat ng mga kasama niya.

“Kahit maingay at medyo madilim sa lugar nila, makikita mong mainit ang palitan nila ng salita dahil sa mga galaw ng ulo, buka ng bibig at ekpresyon ng mga kamay at katawan nila.

Alam mong hindi friendly gestures ang nangyayari,” paliwanag ng nakasaksi. Mabuti na lamang daw na walang mabilis na nakakuha sa kanila ng video o photo, dahil marahil napagtanto daw ni Ronald na medyo nakainom na ang hunk actor kaya ito na ang nagpaawat sa mga kaibigan.

Iisa ang konklusyon ng marami, mukhang sariwa pa rin sa isip nila ang nangyari noon sa kanila nang dahil nga kay Lovi Poe.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44083

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>