Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43818

Aldub Nation handang makipagpatayan para protektahan sina Alden at Maine

$
0
0
ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

SA pagdiriwang ng ikalimang buwang anibersaryo ng AlDub ay kinilig na naman nang sobra ang ating mga kababayan lalo na ang mga tunay na tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Binalikan ng dalawa ang unang araw ng pagkikita nila nang malayuan sa kalyeserye. Nasa labas si Maine at nasa studio naman si Alden, ipinakilala sila sa isa’t isa ng mga napapanahong lola, at du’n na nagsimula ang tambalang AlDub.

Limang buwan pa lang ang nakararaan pero lumikha na ng milagro ang loveteam nina Alden at Maine, sila ang itinuturing na number one loveteam ngayon, kaliwa’t kanan ang kanilang trabaho at may mga dating namamayagpag na personalidad na pinatabi-tabi muna ng sikat na tambalan.

Habang tumatagal ay lalong tumataas ang kasikatan ng AlDub, maraming salamat sa kanilang mga tapat na tagahanga na nakikipagpatayan para sa kanila, kahit pa may mga tinatawag silang ligaw na damo na sumisingit at sumisira sa kanilang imahe.

Hinihintay na ngayon ng AlDub Nation at ng ating mga kababayan ang “My Bebe Love” sa MMFF. Ito ang una nilang pelikula na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.

Kuwento ng isang kaibigan namin, “Sa trailer pa lang ng ‘My Bebe Love’ sa mga sinehan, e, alam mo nang sila ang magna-number one sa MMFF. Nagtitilian ang mga nanonood at aliw na aliw sila!”

The post Aldub Nation handang makipagpatayan para protektahan sina Alden at Maine appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43818

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>