MASAYANG ibinalita ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na inaasahang tataasan pa ng Korean government ang quota para sa mga manggagawang Pilipino na makakapasok ng kanilang bansa sa ilalim ng Employment Permit System o EPS at mas kilala bilang government-to-government hiring.
Sa pamamagitan ng EPS, direktang ang pamahalaan ng Pilipinas at Korea ang nag-uusap sa kung ilan ang kukunin na manggagawang OFW na magtatrabaho sa Korea. Ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA, ang tanging ahensiya ng gobyerno na binigyan ng kapangyarihan para magproseso ng mga papeles ng mga OFW.
Kung dati-rati ay namumroblema ang Pili-pinas at Korea sa mga manggagawang hindi umuuwi ng bansa kahit tapos na ang kanilang mga kontrata at pinipili pang manatili ng ilegal doon, ngayon ay hindina pwedeng mangyari iyon.
Sa pakikipagpulong ni Sec. Baldoz kay Korean Ambassador to the Philippine Hyuk Lee at ilan pang mga opisyal ng embahada kamakailan, ikinatuwa nito ang ma-gandang balitang kuntento ang Korean counterpart sa magandang performance ng Pili-pinas na ipinatutupad sa ilalim ng EPS, kung kaya’t inaasahang madaragdagan pa ang pangangailangan nila para sa ating mga OFW.
May mga OFW tayong nakabalik na at pi-nababalik pa ng kanilang mga Korean employer, at tinagurian pa nga silang “committed” o “sincere workers”.
Instant noodles at tinapay lamang, at dalawang beses sa isang araw kung pakainin ng kaniyang Singaporean employer si Thelma Gawindan.
Ayon sa report, mahigit isang taon ding ginutom ng mag-asawang Lim Choon Hong at Choing Sui Foon si Thelma. Sa ilang buwang paninilbihan, nakatakas ito at tinulu-ngan ng isang grupo ng migrant workers doon.
Sumbong pa ng OFW, isa o dalawang beses lamang sa isang linggo siyang nakakapaligo, gamit pa ang public restroom ng condo na tinitirhan ng kaniyang mga amo.
Hindi umano siya pinapayagang maligo sa loob ng bahay ng mga employer. Bumagsak ang timbang ng OFW sa labis na gutom na dinanas sa malulupit na amo.
Nahaharap sa isang taong pagkakakulong at multang 10,000 Singaporian dollars ang mag-asawa dahil sa paglabag sa Employment of Fo-reign Manpower Act, kung saan nakasaad doon ang tamang pagtatrato sa mga manggagawa, kasama na ang pagkain, tirahan at kundisyon ng kanilang pinagtatrabahuhan.
Inaasahan nating matitikman ng ating kabayan ang katarungan sa pamamagitan ng pagpapataw ng kaparusahan sa mga nagkasala.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM mula Lunes hanggang Biyernes alas-10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Helpline: 0998.991.BOCW at maaaring bisitahin ang website: bantayocwfoundation.org o pwedeng sumula sa: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com
The post Korean government solved sa mga OFWs appeared first on Bandera.