Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44512

Horoscope, December 12, 2015

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Konting tiis na lang, sa pagpasok ng buwan ng Enero sa susunod na taong kusa ng papabor sa iyo ang kapalaran. Sa pag-ibig magiging masaya na ang pakikipag-relasyon sa kasuyong isinilang sa buwan ng Mayo. Mapalad ang 9, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna-Om.” Red at Green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Magandang pang-regalo ngayong kapaskuhan sa minamahal ang bagong unit ng cell phone o kaya’y Ipad. Magugulat siya at sasabihing “wagas” ang iyong pagmamahal. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng mara-ming pera. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha.” Purple at gray ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Upang maging lubos ang ligaya wag masyadong gumastos ngayong pasko. Magtira ng pera para sa Bagong Taon at sa Araw ng mga Puso. Sa pag-ibig, paglaanan ng ibang araw ang espesyal na date ninyo ng iyong kasuyong mahilig. Mapalad ang 7, 10, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel”. Yellow at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Iwasan ang bisyo! Ngayon pa lang simulan na ang New Year’s resolution. Sa ganyang paraan, dahil naunahan mo na sila – magtatagumpay ka! Mapalad ang 5, 14, 18, 23, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ako ngayon ay bagong buhay!” Blue at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Magbabago na ang kapalaran sa susunod na taong 2016. Sa pinansyal at pag-ibig habang nalalapit ang kapaskuhan mabilis namang lalago ang kinikita habang lalo pang iinit ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Capricorn. Mapalad ang 7, 16, 20, 36, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Aum-Kebalam.” Yellow at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Uso ang sakit ngayon! Upang maiwasan ang karamdaman, tuwing unang oras sa umaga magbilad sa init ng araw. Sa sandaling ikaw ay na-arawan mas magiging malakas ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 1, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Panahon na upang isakatuparan ang lahat ng iyong inisip. Sa pagpasok ng taong 2015 kusang mangyayari ang lahat ng binabak. Sa pag-ibig hindi inaasahang masarap na romansa ang biglang mararanasan. Mapalad ang 5, 14, 19, 23, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om-Govinda.” Beige at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Lalong magiging makulay ang relasyon kung hahaluan ng biruan. Wag laging seryoso. Mamayang gabi, halikan sa leeg ang kasuyo hanggang sa siya ay makiliti at pagkatapos sa tenga at sa pisngi naman! Kung lagi kayong naglalambingan patuloy na darating ang maraming grasya. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om!” Gold at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pagpapatwad, mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Mas mainam kung kakalimutan na ang mga maling nagawa ng kasuyo, tutal magpapasko na naman. Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Jana-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Kailangan paring hingin ang opinyo ng mga kaibigang nagtagumpay sa pangangalakal bago simulan ang iniisip na negosyo, sa ganyang paraan hindi ka malulugi. Sa pag-ibig, wag mahirati sa dati ng ginagawa, bagong istilo ng romansa ang dapat. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Karan.” Silver at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Walang perpektong nilalang! Hindi dapat manisi sa pagkakamali ng iba. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang mga kapintasan ng kasuyo, may kapintasan karin naman. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Dheva-Om.” Gold at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, kahit na mahilig komontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera, sa kanya ka humuhugot ng lakas. Ngayon pasko mag-combine force kayo sa negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 7, 25, 32, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Green at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa araw na ito mawawala ang lahat ng takot. Maiisip mong dapat pala noon ka pa kumilos upang makamit ang tagumpay. Sa pag-ibig, salubungin ng romansa ang pagiging agresibo ng kasuyo. Mapalad ang 3, 27, 36, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Om.” Violet at red ang buenas.

The post Horoscope, December 12, 2015 appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44512

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>