Hindi raw totoong walang ginagawa si Vic Sotto sa ginagawang preparasyon para sa kasal nila ni Pauleen Luna. May mga tsismis kasi na si Poleng lang daw ang atat na atat sa wedding nila kaya ito lang ang nag-aasikaso sa lahat ng detalye ng kasal.
Sa presscon ng 2015 MMFF entry nilang “My Bebe Love: Kilig Pa More” natanong si Vic tungkol sa wedding, “Si Pauleen ang nakatutok doon, kanya-kanya kaming trabaho. Dito ako sa pelikula at sana naman ay sa… may sarili kaming pelikula, e.”
Hindi raw totoong wala siya paki sa preparasyon, “Of course, lahat naman for approval, dumadaan naman sa akin.” Siyempre, gusto rin ni Bossing na magka-baby sila ni Pauleen after ng kasal pero aniya, “We’ll just wait for that blessing, in God’s time.”
Sa ngayon ay wala na talagang mahihiling pa si Bossing sa kanyang professional at personal life, halos perfect na lahat, “God is good, things have been doing good for everyone.
Hindi lang naman ako, for the family, for my friends, sa ating lahat. Sabi ko nga, basta gumagawa ka nang mabuti, maraming mabuting mangyayari sa iyo.”
The post Vic sa pagbubuntis ni Pauleen: Hintayin na lang natin ang Blessing na ‘yan! appeared first on Bandera.