Inaasahang aabot sa P200 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 bukas.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa lumabas na numerong 32-28-38-22-40-43 kung saan umabot sa P192.8 milyon ang jackpot prize.
Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 28 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P1,510 naman ang 1,129 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 24,491 mananaya.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
The post P200M jackpot sa Super Lotto 6/49 appeared first on Bandera.