PINARANGGAN kahapon ng Palasyo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa harap ng kanyang nakatakdang proklamasyon ngayong araw sa kanyag pagtakbo sa pagkapangulo sa 2016.
Sa isang text message, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na responsibilidad ng bawat kandidato kagaya ni Duterte na iprisenta ang kanyang plataporma de gobyerno.
“And the citizens should expect more than soundbites from the candidates, a hardnosed appraisal of what any of them can offer to all of us,” sabi ni Lacierda.
Naghain si Duterte ng kanyang certificate of candidacy (COC) noong Biyernes, bagamat meron na ring nagkuwestiyon sa Commission on Elections (Comelec) ng kanyang kamdidatura.
Sa kanyang naunang panayam, inamin ni Duterte na tatlo ang kanyang asawa.
The post Lacierda kay Duterte: Wag lang puro papogi sa camera appeared first on Bandera.