Nagulat kami nang ikuwento ni R&B Queen Kyla na 10 years ago na pala noong huli siyang mag-concert. Kaya naman espesyal talaga sa kanya ang “Kyla: Flying High (The 15th Anniversary Concert)” na gaganapin sa Nov. 20, 8 p.m. sa Kia Theatre, Araneta Center.
Ayon kay Kyla, talagang hands on siya sa kanyang anniversary concert dahil gusto niyang sulitin ang ibabayad ng mga manonood, “Ibang-iba ’yung mga kakantahin ko sa concert.
Actually, napakarami talagang songs na gusto naming gawin pero dahil ang concert ay mga two hours lang, mga ganu’n lang, hindi talaga namin pwedeng makanta lahat.
“Definitely, ’yung songs na nakasama ko sa journey ko in 15 years and naging hits ko then, pero in a different vibe, and ’yung new songs din na hindi pa nila naririnig sa akin, we will be doing them sa concert.
Sobrang excited talaga ako,” sabi ni Kyla sa ginanap na presscon para sa “Flying High”. Nang tanungin kung bakit umabot ng 10 years bago siya nag-concert uli, “Kasi ang dami pong naging events in my life.
Nagpakasal ako, nag-baby ako, naging iba ‘yung priorities sa buhay, ganyan. Alam n’yo po ’yun, ang daming mga naging changes sa life ko.” Inamin din ni Kyla na kinailangan pa niyang mag-voice lessons uli bilang paghahanda sa concert dahil matagal na nga siyang hindi nakapag-perform sa isang concert venue.
“Kasi, you can never be too confident. Siguro po, dala na rin ng ang tagal ko ring hindi napakanta. Kasi, like kapag kumakanta ako sa mga event, 2-3, 4 songs at the most.
“Ngayon lang uli ako magkU-concert na 20 songs ang kakantahin ko so feeling ko kailangan ko talagang mag-aral ulit, mag-aral ng techniques para hindi mahirapan, ’yung tamang breathing,” chika pa ni Kyla.
Sobrang pressure raw ang nararamdaman ni Kyla habang papalapit na ang kanyang “Flying High” anniversary concert, pero aniya ayaw na lang niyang magpaapekto, at mas magko-concentrate na lang daw siya sa paghahanda para naman masiyahan ang mga taong talagang gumastos para maki-celebrate sa kanya.
Ilan sa magiging special guests nf R&B Queen ay sina Jay R, KZ, at Erik Santos kasama ang G-Force. Ito’y sa direksyon ni Marvin Caldito at sa musical direction naman ni Marc Lopez.
The post Kyla muling sasabak sa concert scene matapos ang 10 taon; 15 years na sa Showbiz appeared first on Bandera.