Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44614

Video ni Kim Chiu sa Comelec kalat na; binatikos ng netizens

$
0
0
KIM CHIU

KIM CHIU

NAGING malaking isyu sa social media ang kumalat na video ni Kim Chiu nang magpa-register at magpa-biometrics sa Comelec bilang botante sa isang mall sa Marikina City noong Oct. 27.

Pinalabas kasi sa nasabing video na ipinost sa Facebook ng isang nagpakilalang “Kupal Lord” na sumingit sa pila ang Kapamilya actress at inunahan pa ang mga maagang dumating at matagal na naghintay sa pila.

At dahil dito marami ang nam-bash kay Kim at kung anu-anong masasakit na salita ang pinagsasabi laban sa Teleserye Princess ng ABS-CBN. Kesyo hindi raw pala siya magandang ehemplo sa mga kabataan at hindi raw pala ito patas lumaban sa buhay.

Pero siyempre todo-tanggol naman ang KimXi supporters sa kanilang idolo. Kinontra ng mga ito ang pamba-bash ng ilang netizens kay Chinita Princess.

Narito ang ilang bahagi ng ipinost ng nasabing FB user na may title na, “GALING SA INBOX: KAPAG ARTISTA, PWEDE NA LAHAT!”

“Nangyari ang insidenteng ito noong Oktubre 27, 2015. Matagal naghintay ang mga tao sa isang lugar sa Marikina para makapag parehistro sa darating na botohan. Noong nagsisimula na ang processing, may biglaang dumating na artista itago na lang natin sa pangalang ‘Kim Chiu’ (hahaha) So ayun dahil artista nga hindi nya na kailangan pumila.

“Nakakaawa yung mga taong naghintay makapag parehistro ng maaga lalong lalo na yung mga matatanda parang tinaboy lang para paunahin si Tsinita Princess.#OnlyinthePhilippines! Pag artista ka di ka na kailangan pumila!!! dito lang yan sa comelec marikina.

“Pati senior citizens kawawa sa kanila. Comelec chairman ayusin mo naman mga bata mo.”

Ayon sa comments ng ilang netizens na kumampi kay Kim, saksi sila sa pagdating nang maaga ng aktres sa nasabing mall para magpa-register. Nandoon lang daw ito sa kanyang sasakyan habang nakapila ang kanyang road manager at naghihintay sa pagbubukas ng mall.

Nang makarating kay Kim Chiu ang nasabing isyu ay agad din itong nagpaliwanag sa kanyang followers kahapon.

May follower si Kim sa Twitter na nagtanong tungkol dito, ang tugon ng dalaga, “I was there 7:30am po kasi i had a flight after, my RM lined up for me po,close pa mall. nung turn ko na po tsaka ako bumaba.”
Narito naman ang mensahe ng Kapamilya actress sa mga bumibira sa kanya dahil sa kumalat na video:
“Dont judge if you dont know the real story. Dont base sa kung anong nakikita ng mata. Know everything first, bago magkwento.”

The post Video ni Kim Chiu sa Comelec kalat na; binatikos ng netizens appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44614

Latest Images

Trending Articles



Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>