IDINEKLARA ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na half-day lamang ang pasok sa lahat ng korte sa bansa sa Biyernes, Oktubre 30 bilang paggunita sa All Souls’ Day.
Inihayag ni Information Chief Theodore Te na mula alas-8 hanggang alas-12 lamang ang operasyon ng lahat ng korte sa buong bansa.
Magbabalik naman ang normal na operasyon ng mga korte sa Nobyembre 2.
The post Pasok sa mga korte sa Oktubre 30, half day na lang appeared first on Bandera.