Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44404

Pulis, tanod pinatay sa video bar

$
0
0

monkayo
Nasawi ang isang pulis at barangay tanod matapos pagbabarilin habang rumeresponde sa isang kaguluhan sa isang videoke house sa Monkayo, Compostela Valley, kahapon (Miyerkules) ng umaga.

Dead on the spot sina PO1 Abdulkhan Sawadjaan Sailama, nakatalaga sa Mt. Diwata Special Sub-Police Station, at Allan Alegarbes, residente at tanod ng Brgy. Mt. Diwata, sabi ni Supt. Antonio Rivera, tagapagsalita ng Southern Mindanao regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-4 sa Balite Videoke house sa Purok 1-A, Brgy. Mt. Diwata.

Bago ito, nakatanggap ang mga lokal na awtoridad na may nagaganap na “komosyon” sa videoke bar, kaya rumesponde sina Sailama at Alegarbes, ani Rivera.

Nang dumating ang dalawa, bumunot ng baril ang isang “John” at pinagbabaril ang pulis at tanod.

Matapos iyo’y kinuha pa ng salarin ang service firearm ni Sailama, bago tumakas, ani Rivera.

Pinaghahanap pa ng lokal na pulisya ang salarin habang isinusulat ang istoryang ito.

The post Pulis, tanod pinatay sa video bar appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44404

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>