MULING winasak ng tambalang AlDub ang sariling record sa Twitter matapos umabot sa 6.35 million ang tweets noong Sabado ang #ALDUBTheAbduction para sa kalyeserye ng Eat Bulaga.
Ibig sabihin hindi talaga bumibitiw ang milyun-mil-yong tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub. Talagang araw-araw ay laging top trending topic sa Twitter at iba pang social media ang kalyeserye ng Eat Bulaga hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Nalampasan nila ang sa-riling record na 5.8 million (5,807,200) tweets na naitala ng #ALDUBBATTLEForACause noong Sept. 5, Sabado kung saan unang nagkita sina Alden at Yaya Dub.
Ang #ALDUBTheAbduction na nga-yon ang may hawak ng pinakamaraming tweets sa loob lang ng 24 hours sa history ng Pilipinas.
Muling pinakilig ng AlDub ang mga manonood nang muli silang magkita sa episode ng kalyeserye noong Sabado. Pero kung plywood ang humarang sa kanila noong nakaraang Sabado, sa huling episode naman ay naka-blindfold sila.
Ilang segundo lang ang itinagal ng kanilang paghaharap pero kitang-kita pa rin ang matinding kilig ng dalawa para sa isa’t isa.
Bukod dito, kinilig din ang mga dabarkads ng maganap ang “first kiss” ng AlDub ma-tapos silang painumin ng Durriz (Wally Bayola) sa iisang straw.
Samantala, ibinuking naman ni Joey de Leon ang i-binulong sa kanya ni Alden nang magkasalubong sila sa studio ng Eat Bulaga matapos ang kalyeserye noong Sabado.
Sa last episode ng Startalk noong Sabado, ibinalita ni Joey na mukhang nahuhulog na rin si Alden kay Yaya Dub. Pagkatapos daw kasi ng Eat Bulaga at papunta na siya sa Startalk, nakasalubong niya si Alden, yumakap daw ito sa kanya at may ibinulong.
Sabi raw ni Alden, “Parang iba na yung nararamdaman ko.” Ibig sabihin, mukhang hindi lang pang-kalyeserye ang feelings niya kay Maine – nade-deve-lop na ang binata sa kanyang leading lady.
Mahigit dalawang buwan pa lang ang tandem nina Alden at Maine Dub na nagsimula nga sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Pero sa maikling panahon na iyon ay talagang napakilig nila ang milyun-milyong dabarkads sa buong mundo.
Phenomenal itong maitutu-ring dahil nga sa nagawa nitong record sa history ng telebisyon.
At dahil nga sa kasikatan nila ngayon, magkakaroon na rin sila ng pelikula at mga endorsements.
Nagsimula nang umere kamakailan ang kanilang first TV commercial para sa isang fastfood chain. This week may isa pang endorsement ang AlDub na ilalabas sa TV at may dalawa pang naka-line up.