Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43849

Hindi pa rin nakakahanap ng boyfriend

$
0
0
Sulat mula kay Monique ng Balangasan District, Pagadian City Dear Sir Greenfield, Napasulat po ako sa inyo sa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend, gayong matagal na po akong naghahanap ng lalaking magmamahal sa akin. Gusto ko na pong magka-boyfriend ang kaso wala naman po lalaking dumarating. Bakit kaya hindi ako ligawin at kung may manligaw man sa akin napapansin kong hindi sila seryoso. Magkaka-boyfriend din kaya sa taong ito, kung magkaka-boyfriend ako sino po siya at saan ko makikilala? July 7, 1988 ang birthday ko. Umaasa, Monique ng Pagadian City Solusyon/Analysis: Palmistry: May namataan o nakita namang malinaw na Guhit ng Pag-aasawa (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda, na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkaka-boyfriend ka at pagkatapos ng mga ilang taon pang pakikipag-relasyon may isang masaya at pang habang buhay na pag-aasawang itatala sa iyong karanasan. Cartomancy: Eight of Diamonds, King of Clubs at Five of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking halos five years ang tanda sa iyo ang magiging boyfriend mo sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Agosto. Itutuloy…

Viewing all articles
Browse latest Browse all 43849

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>