Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44232

Dingdong suportado ng CBCP, bidang-bida sa mga pari

$
0
0

dingdong danters

PUNO ng rebelasyon at kaabang-abang na mga eksena ang mga drama series ng GMA Telebabad sa episodes this week.
Mula sa paghahatid ng inspirasyon ng Pari ‘Koy, sa mga nakakakilig na eksena ng Let The Love Begin, hanggang sa matapang na pagharap sa katotohanan ng mga karakter sa The Rich Man’s Daughter, talaga namang kuhang-kuha ng mga serye ng Kapuso Network ang kiliti ng mga manonood at netizens.

Matapos makakuha ng mga positibong komento mula sa ilang mga pari ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), tuluy-tuloy pa rin ang suportang natatanggap ng Kapuso faith-serye na Pari ‘Koy na bidang-bida rin tuwing Linggo sa mga simbahan kapag naikukuwento ng mga pari sa kanilang pagmimisa.

Bukod sa programa, ang higit na umaagaw ng atensyon sa viewers at netizens ay kung paano isinasabuhay ni Father Kokoy, na ginagampanan ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang buhay at mga karanasan ng mga pari.

Samantala, tumitindi na ang mga eksena sa Pari ‘Koy lalo na ngayon na nalaman na ni Michelle (Carla Abellana) na si Pinggoy (David Remo) ang nawawala niyang anak.

Sa sobrang saya ay agad na ipagpapaalam nina Michelle at Jude (Gabby Eigenmann) kay Father Kokoy na susunduin na nila si Pinggoy.

Ngayong lumabas na ang katotohanan, hindi dapat palampasin ang mga magiging hakbang na gagawin ni Kokoy lalo na kapag dumating na sa punto na malaman ng mga taga-Pinagpala ang tungkol sa kanyang pagiging isang ama.

Isa pang dapat abangan ay ang magiging desisyon ni Noemi (Sunshine Dizon) ngayong magtatapat na si Matthew (Victor Neri) na mahal pa rin niya ito.

Bilang isang ina, gagawin na ni Noemi ang lahat upang mabawi lamang ang anak na si Sarah (Jillian Ward) mula kay Simon (Carlo Gonzalez).

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44232

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>