Sulat mula kay Lara ng San Antonio, Lubao, Pampanga
Problema:
1. Mayroon po sa aking laging nagte-text na hindi ko malaman kung siya ay lalaki o babae at kung sino po kaya ang taong ito. Lagi niya akong pinapadalan ng sweet messages at kapag tinatanong ko kung sino siya, lagi nyang sinasabi sa aking “secret” daw po pero matagal na daw kaming magkakilala. Puwede bang malaman sa pamamagitan ng karnungan nyong tinataglay kung sino ang ka-text mate kong ito, na ayaw magpakilala?
2. Siya kaya ang dati kong manliligaw, siya kaya iyong sinasabing lalaking matagal ng may crush sa akin o baka naman siya iyong lalaking dati ko ng crush pero hindi naman kami magkakilala ng personal? August 5, 1993 ang birthday ko.
Umasa,
Lara ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 1.) ay nagsasabing ang misteryoso mong ka-text mate na ayaw magpakilala ay siguradong under sa zodiac sign na Sagittarius o kaya’y Aries.
Numerology:
Ang birth date mong 5 ay nagsasabing ang mahiwalaga mong ka-text mate ay isinilang sa petsang 1, 10, 7, 14, o kaya’y 23.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na hindi masyadong bilugan at hindi rin masyadong pahaba, sa halip ay katamtaman lang ay nagsasabing ang iyong mahiwagang katext mate ay maaaring payat na maputi, laging naka-ayos o naka-gel palagi at makislap ang buhok.
Luscher Color Test:
Kung saan, ang lalaking ito ay mahilig sa kulay na asul at puti, na tulad ng nasabi na sa Cartomancy, bukod sa disenteng kumilos may kaya o mayaman ang pinangalingan nyang pamilya. At ang isa pang magandang balita, binata at walang girlfriend ang lalaking ito.
Huling payo at paalala:
Lara, ayon sa iyong kapalaran huwag kang mainip, sa halip patuloy ka lang na makipag-text mate sa nasabing lalaki, sapagkat kaunting panahon na lang ang iyong hinhintay, at mabibisto mo na rin kung sino siya. Tama ang sinasabi ng lalaking ito na matagal mo na siyang kakilala at paminsan-minsang nakakasalubong sa daan, na nakatakda kayong magka-daupang palad hanggang sa tuluyan mo na rin siyang mabisto sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Hulyo, at sa panahong iyon, sa inyong pagtatagpo tuluyan na ring mabubuo ang isang matimyas at mainit na pagiibigan hahantong sa isang masaya at png habang buhay ng pagpapamilya na magiging dahilan ng iyong pag-unlad o tuluyan na ring pagyaman, dahil tulad ng nasabi na, ang mahiwaga mong ka-text mate ay galing sa isang mayaman o nakaririwasang pamilya.