Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43807

Horoscope, June 03, 2015

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi ka ipinanganak upang utusan. Ikaw ay natural na leader. Gamitin ang pagiging leader upang umunlad. Sa pag-ibig, lagi mong pasunurin ang iyong kasuyo upang ang buhay n’yo ay mas madaling umasenso. Mapalad ang 3, 12, 21, 35, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Moti-Dosya-Om.” Red at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Tandaan na ang kalusugan ay kayamanan. Palakasin ang katawan sa pagkain ng maraming prutas at gulay. Sa pag-ibig, ang pakikipagromansahan ay nagpapalakas din ng immune system. Mapalad ang 8, 17, 23, 25, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Pag-ibig ang susi upang lumigaya at magtagumpay. Laging bigyan ng sapat na pagmamahal ang kasuyong Virgo. Sa pinansyal, ipadama sa mga kliyente na mahal mo sila at makikita mo, kusang darami ang iyong kinikita. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Om”. Maroon at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Habang nakatanglaw ang signos ni Gemini sa kalangitan ay tuloy ang dating ng magandang kapalaran. Matutong mag-ipon upang sa susunod na mga araw hindi ka na magipit. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay bigyan ng masarap na halik ang kasuyo. Mapalad ang 8, 23, 28, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kesar-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Pasukan na! Husayan pang lalo ang pagba-budget. Maglakad na lang patungo sa eskuwela imbes na sumakay ng dyip. Nakapag-exercise ka na, nakatipid ka pa. Sa pag-ibig, sawayin ang kasuyo sa kape-Facebook upang makatipid sa kuryente. Mapalad ang 7, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Green at gold ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Sa pagpapakumbaba, mas maraming kita ang aanihin. Sa pag-ibig, iwasang makipagtalo sa minamahal upang hindi masira ang araw mo. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Amed-Tapha-Harath-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kapag mabilis mong natatapos ang isang proyekto, mas mabilis ding darami ang iyong kita. Sa pag-ibig, hindi ka naman dapat magmadali, hinay-hinay lang sa pakikipagromansa. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Lagi namang pagkain ang weakness mo, pero hindi ka dapat na maging matakaw. Upang mapanatili mo ang iyong kagandahan at kaseksihan ay huwag mong tutularan ang baboy masiba. Sa pinansyal, habang nagpapaka-sexy ka ay lalong darami ang pera. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pinansyal, sugod lang nang sugod hanggang sa umasenso. Sa pag-ibig, hindi ka liligaya kung mananatili kang duwag. Tularan mo ang alakdang dagat, matapang. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Jupiter ang ruling planet mo, tanda ng isang matagumpay na buhay. Ganoon pa man, kailangang magkaroon ka ng definite chief aim upang ang iisang layuning ito ang dapat na pagtuunan ng pansin – pagpapayaman! Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Red at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Mag-display ng mga bagay na hugis bilog upang mas madaling maaakit ang limpak-limpak na salapi. Sa pag-ibig, laging gumamit ng kulay na magenta, upang mas lalong pang sumarap ang romansa. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Black at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Ayusin ang sarili at kusang maayos ang iyong kapalaran. Sa pag-ibig, kapag lagi kang bagong paligo at mabango, masayang relasyon ang babalik sayo. Sa pinansyal, ang pera ay inaakit ng kapwa niya pera kaya matututong mag-impok. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Tubig ang iyong elemento kaya nga ngayong papalapit na ang tag-ulan, walang kahirap-hirap lalo kang susuwertehin at aasenso. Sa pag-ibig, habang pumapatak ang ulan sa paligid, masarap na pakikipagromansahan ang mararanasan. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43807

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>