Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43828

Ate Guy binigyan ng birthday party ng mga loyal Noranians

$
0
0

nora aunor

Love na love talaga si Mama Guy ng fans niya. Imagine, hindi talaga sila pumayag na dumaan ang birthday ng Superstar this year nang ganoon-ganoon lang. They are actually throwing a big party for her today.

Hindi ko lang sasabibin kung saan ito gaganapin para maiwasan ang mga gatecrashers. Siyempre, darating ang birthday celebrator nating si Mama Guy who actually turned a year older the other day – May 21.

“Nakakatuwa ang mga fans, sabi ko nga sa kanila huwag na silang mag-abala at gastos lang iyan on their part. Pero hindi talaga sila pumayag kaya na-flatter talaga ako. Napakababait nila talaga – napaka-sweet nila ever since.

“Kaya paano ka nga naman hihinto sa pag-aartista kung ganito sila ka-concerned sa iyo? Nakaka-inspire magtrabaho pag ganito ka-supportive ang mga tagahanga mo,” ani Ms. Nora Aunor.

Iba ka talaga kasi Mama Guy – nag-iisa ka lang kasi sa hanay mo kaya ganoon ka nila kamahal. Kahit kami rin – sobrang mahal ka namin. Mwah!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43828

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>