Para sa may kaarawan ngayon: I-blow-out muna ang sarili bago ang iba! Bumili ng bagong latest model na cell phone. Wag ng magdalawang isip, baka maubos na naman ang pera. Sa pag-ibig, wag turuan ang kasuyo ng kapusukan! Mapalad ang 3, 9, 14, 27, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod He Vau He.” White at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) - Uuho ang suwerte kung laging nagpapasalamat kay Lord. Kasabay ng Pasko ng Pagkabuhay, bigkasin ang pasasalamat sa Panginoon. Sa pag-ibig, iplano na ang gagawing pagda-date ninyo ng kasuyong Sagittarius sa isang beach. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “God is good all the time!” Gray at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) - Wag pagdamutan ng lambing at romansa ang kasuyong nananabik – yayain siyang mag-swimming! Sa pinansyal, mentras maraming trabaho kasabay naman nitong aangat ang kita. Mapalad ang 6, 12, 21, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Om.” Red at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) - Isaalang-alang ang kalusugan. Ngayong tag-araw, kailangang maligo araw-araw upang wag magkasakit. Sa pag-ibig, muling iinit ang dating nanlalamig na relasyon. apalad ang 5, 14, 19, 24, 34 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om-Krato.” Gold at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) - Sumama sa mga social activities sa inyong barangay upang magkapera. Sa pag-ibig, sa pagsali-sali sa politika, isang Capricorn ang makikilala na lihim na magkakagusto sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vanjur-Veda-Om.” Green at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) - Sa isang paglalakbay, may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa produktong agrikultura at pagkain mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, mag-ingat, may isang illicit love affair na na katakdang mabuo. Mapalad ang 1, 16, 28, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om-Savitra.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) - Sa pag-ibig, isang kaibigan ang lihim na may pagtingin sa iyo. Sa sandaling nagparamdam na siya, sunggab agad. Sa romansa at pinansyal, ngayong tag-araw, tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 5, 11, 22, 37, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanm-Kebalam.” Gray at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) - Usok at hangin ang mapalad mong elemento. Kung magnenegosyo bagay sa iyo ang bakery o kaya’y ihaw-ihaw. Sa pag-ibig, susuwertehin sa pananalapi kung isang Aquarius ang makakatuluyan. Mapalad ang 6, 12, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Gayatri-Om.” Pink at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) - Sa pag-ibig, wag mo silang intindihin, naiingit lang sila sa beauty mo kaya ka nila sinisiraan. Sa pinansyal, tuloy mo lang ang kasalukuyang hanapbuhay, malapit na malapit ka ng yumaman. Mapalad ang 3, 12, 18, 28, 34 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Purna-Om.” Purple at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) - Wag mang hinayang, hindi na maibabalik ang nakaraan. Sa pinansyal, mag-concentrate na lang sa mga bagay na pagkakaperahan. Kapag marami ka ng salapi kaya mo ng bumili ng pag-ibig at kaligayahan. Mapalad ang 6, 18, 27, 29 34 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Veda-Om.” Red at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) - Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa pag-ibig, magiging maligaya ang relasyon sa kasuyong Taurus, kung hindi mo na siya pipintasan. Mapalad ang 8, 11, 20, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Atram-Om.” Gold at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) - Hindi ka dapat makikipagtalo sa mga makikitid ang utak. Sa pinansyal, lalong pag-igihan ang pagkukuripot upang mas mapabilis ang pagyaman. Sa pag-ibig, tuloy ang relasyon sa isang payat. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) - Sabihin sa sariling “Makakaraos din!” – iyan ang mahiwagang pormula, upang maibsan ang mga problema. Sa pag-ibig, “makakaraos din” at higit pa ngang mas magiging masarap ang resulta sa muling pakikipagkita sa kasuyong pamusok. Mapalad ang 2, 16, 25, 29, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Rama-Krisna-Om.” Green at yellow ang buenas.
↧
Horoscope, April 05, 2015
↧