Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43828

Horoscope, March 17, 2015

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Katulad ng hindi maipintang panahon, iinit-uulan, ganon din ang iyong isipan magulo. Pero may isang dapat kang gawin at pagka-abalahan, ang mga bagay na may kaugnayan sa pagpapayaman. Mapalad ang 6, 19, 28, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Wag kang makisawsaw sa problema ng iba, upang hindi ka madamay. Atupagin mo na lang mabuti ang mga bagay na pagkakaperhan. Sa pag-ibig, ang sarili mong kasuyo ang iyong paki-alaman. Mapalad ang 3, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Sa pinansyal, wag kang umasa sa puhunan na hindi naman sayo. Dumiskarte ng sariling pagkakakitaan. Sa pag-ibig, wag iasa sa iba ang kaligayahan ng iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 3, 22, 28, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Lilac at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa gawaing pagkakaperahan malapit ka ng umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, impluwensiyahan narin ang kasuyo na maging mukha salapi. Mapalad ang 5, 17, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Pad-Me-Om.” Gry at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Ngayon palang umpisahan mo ng ipractice ang diwa ng Holy Week. Magtago muna sa isang tahimik at malapit sa nature na lugar. Sa ganyang paraan, kusa ng mawawala ang lahat ng iyong problema at magkakaroon ka ng peace of mind. Mapalad ang 2, 7, 16, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Om-Durga!” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Upang hindi ka mahirapan sa kasalukuyang sitwasyon pabayaan mo lang na mangyari ang lahat ng iyan – mabuti man o masama, hayaan mo lang na dumaloy sa iyong harapan. Sa attitude na “Come what may” higit kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 10, 28, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Upang magtagumpay mas mahalaga na sabihin mo ang iyong nararamdaman kaysa sa kung ano ang iyong iniisip. Sa pag-ibig, ipagtapat na sa minamahal ang laman ng iyong damdamin. Sa pinansyal wag hayaan makaalis ang isang kaibigang hindi mo na iaalok ang iyong produkto. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Lagyan ng lambing ang ginagawa. Higit na kikita ng malaking halaga kung uutuin ang kliyente sa pamamagitan ng matatamis na salita. Sa pag-ibig, mamayang hapon, uwian ang kasuyo ng isang bagay na bilog, kapag hinati ay nagiging triangle. Mapalad ang 6, 9, 27, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kada-Bra!” Purple at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa tulong ng isang kaibigang Sagittarius, may magandang kapalarang makakamit. Sa pinansiyal, isang Sagittarius din ang lulutas ng iyong prolema. Sa pag-ibig, aalialigid ang isang Aries na nuon pa may pagnanasa sayo. Mapalad ang 6, 14, 25, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Hindi fairy tale ang buhay, kaya wag umasa sa biglang suwerte at sa mga napapanood sa telebisyon. Mga bagay na hindi totoo! Sa pinansiyal, kailangang magtrabaho upang magkapera at sa pag-ibig, kailangang mag mahal upang mahalin ka rin. Mapalad ang 3, 9, 29, 34, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Walang forever!” Magenta at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Disiplina ang magpapaunlad at magpapaligaya sa relasyon. Wag abusuhin ang katawan sa mga gawaing wala namang kabuluhan. Hahaba ang buhay kung iingatan ang kalusagan habang patuloy na nagmagmamahal. Mapalad ang 7, 17, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Isa-isang babalik sa ala-ala ang mga nakaraang pagkakamali. Hindi ka dapat ma-alarma, ito ay nagsisilbing paala-ala lamang ng unconscious self na ang naraang pagkakamali ay hindi mo na dapat pang ulitin pa. Mapalad ang 4, 19, 20, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pinansyal, wag pang hinayangan ang nakaraang mga pagkalugi. Sa iyong mga pagkamamali, matututo ka na hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, matapos ang tampuhan, bati na naman kayo ng kasuyong sumpungin. Mapalad ang 2, 7, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43828

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>