Sulat mula kay Jane ng Alta Tierra Village, Jaro, Iloilo City
Problema:
1. Mula ng magsama kami ng asawa ko ay hindi na kami nakaahon sa kahirapan buti pa noong dalaga pa ako, maganda ang buhay ko, pero ngayon naghihirap na talaga kami. Madalas nga lugaw na lang at noodles ang kinakain ng mga anak ko para lang mapagkasya ang perang iniintrega sa akin ng mister ko. Maliit lang kasi ang kinikita n’ya sa bukid.
2. May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Kung may pag-asa pa ano ang maia-advice mong sure na paraan para makaahon kami sa kahirapan, para man lang mabigyan namin ng magandang kinabukasan ang aming mga anak? June 14, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Jane ng Iloilo City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 1.) ang nagsasabing ikaw ang gumawa ng sarili mong paraan upang makaahon kayo sa kahirapan, at magagawa mo kung tulad ng nasabi sa Palmistry at Cartomancy, mag-aplay ka sa abroad.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ang nagsasabing lakas ng loob ang paraan upang makaahon kayo sa kahirapan, kaya nga sa taong ito ng 2015 kung mag-aplay ka na sa abroad, sa taon ding kasalukuyan sa edad mong 35 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.
Luscher Color Test:
At upang matiyak ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa, sa pag-aaplay sa abroad at gayon din kapag nasa abroad ka na, lagi kang magsuot ng kulay na gray, silver at asul. Sa pamamagitan ng nasabing kulay, gagaan ang pasok ng pera, uunlad ka at yayaman.
Huling payo at paalala:
Jane kapag nagawa mo ang simpleng rekomendasyon sa itaas, ang pag-aaplay sa abroad at pagsusuot ng suwerte mong kulay, magugulat ka sa magiging resulta, ayon sa iyong kapalaran sa taon ding kasalukuyan sa buwan ng Hunyo o kaya’y Oktubre makapag-aabroad ka at sa sandaling nasa ibang bansa ka na, magiging mabilis ang inyong pag-asenso, hanggang sa tuloy-tuloy ng makaahon sa kahirapan ang inyong pamilya at sa bandang huli ay tuluyan na din kayong yumaman.