Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43818

Kris natameme sa ginawang pag-atake kay Juday

$
0
0
JUDY ANN SANTOS AT KRIS AQUINO

JUDY ANN SANTOS AT KRIS AQUINO

Selyado ang mga labi ni Kris Aquino sa isyu nang pag-unfollow niya sa Instagram account ng ilang celebrity friends niya especially kay Judy Ann Santos.

Mas pinili niya ang manahimik pero nakasulat naman sa t-shirt na suot niya sa evening talk show niya ang mga mensaheng nais niyang iparating especially sa kanyang bashers.

Noong Lunes naka-design sa suot ni Kris ang ganitong pahayag, ‘How beautiful it is to stay silent especially when someone wants you to be enraged.”

Kung in-unfollow ni Kris si Juday sa Instagram, we found out na parehong hilig pala ng dalawang Kapamilya stars ang Crate & Barrel home fixtures and appliances store sa SM Megamall. Madalas daw magpunta sa naturang tindahan si Juday.

Minsan napadaan kami roon at naitsika sa amin ng mga nag-a-assist doon na katatapos lang mag-taping ni Kris para sa kanyang morning show doon last Tuesday. And after taping, namili na raw si Kris ng mga gamit niya sa kusina na umabot sa mahigit-kumulang P100,000.

Napansin din namin ang isang mahabang bench na gawa sa imported wood na naka-reserve na as a gift para sa ikakasal na si Sen. Chiz Escudero ng isa niyang friend. Worth more than P50,000 ‘yung bench, huh!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43818

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>