Usap-usapan sa social media ang tungkol sa suot na singsing ni Nikki Gil. Ayon sa kumakalat na chika, ito’y engagement ring daw na bigay ng kanyang non-showbiz boyfriend.
True nga kaya na nag-propose na ang kanyang dyowa na si BJ Albert? Ayon kasi sa ilang netizens, kapansin-pansin na laging suot ni Nikki ang tila engagement ring sa mga espesyal na okasyon na dinadaluhan nila ni BJ.
Wala pang pino-post na comment si Nikki sa kanyang IG kung totoo ngang engaged na sila ng kanyang boyfriend. Kung totoo ito, aba, naunahan pa niya ang ex-dyowang si Billy Crawford na BF naman ngayon ni Coleen Garcia.