Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44310

Makita lang si Pope, lalaki naglakad ng 36 araw mula Bukidnon hanggang Tacloban

$
0
0

TATLUMPU’T anim na araw na naglakad si Antolin Adlawan,  66, mula sa Kitaotao, Bukidnon patungong Tacloban para lang makita, makapakinig ng misa at mabasabasan ni Pope Francis sa Sabado.

Kwento ni Adlawan sa daan na siya nag-Pasko at Bagong Taon, at nadaanan din siya ng bagyong Seniang pero wala raw ito sa kanya.  Ang nais lang niya ay makita ang Santo Papa at makuha ang kanyang basbas para sa anak na may sakit na Leukemia.

Marami anya ang nag-alok sa kanya ng pamasahe pero kanya itong tinanggihan. Habang naglalakad may mga nambabato pa raw sa kanya ng balat ng saging, pero hindi rin niya ito pinansin.

Sa mga simbahan o kaya sa silong ng tulay siya nagpapahinga sa sandaling abutan na ng takip-silim.  Habang nagpapahinga nagbabasa raw siya ng Bibliya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44310

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>