Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2015, kung laging magsusuot ng green ay may kakaibang suwerteng darating. Sa kulay na berde, mas maraming salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, muling makikipag-ugnay ang matagal na nawala. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) —Mapapasaiyo ang tagumpay sa taong ito, basta’t ikilos lang ang anumang balakin sa isipan. Sa negosyo, aksyon agad ang dapat. Sa pag-ibig, hindi ka magiging maligaya kung laging may takot sa iyong puso! Mapalad ang 4, 19, 29, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harim-Om-Haram.” Pink at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) —Sa taong ito ng 2015 ay huwag hayaang manaig ang damdamin! Upang kumita ng malaking halaga, utak ang gamitin. Sa pag-ibig, sa sandaling naging emosyonal ay muli na namang papatak ang luha. Mapalad ang 1, 10, 27, 33, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal, sa biglaang desisyon at aksyon ay malaking suwerte ang makakamit. Sa pag-ibig, huwag babagal-bagal, sa sandaling nagpakita ng motibo ang kasuyo – tuklaw agad! Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Lilac at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito ng 2015, siguraduhing may feasibility study ang papasuking negosyo bago maglabas ng pera. Sa pag-ibig, ngayon pa lang ipadama na ang mga bagay na nagpapaligaya sa kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Blue at gray ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag magmayabang. Sa patuloy na pagpapakumbaba, sa taong ito ng 2015 ay higit kang kikita ng maraming salapi at sa pag-ibig, tuloy-tuloy pa rin na liligaya. Mapalad ang 1, 13, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Savitra-Om.” Green at golden yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Sa taong ito ng 2015, mahalin ang kasuyo ganoon din ang sarili! Panatiliing malusog ang katawan upang hindi na gumastos ng malaking halaga sa pagpapaospital at pambili ng mamahaling gamot. Mapalad ang 5, 18, 23, 37, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Negosyong may kaugnayan sa pagkain ang iaalok ng isang kaibigan upang kumita ng malaking halaga —sunggab agad! Sa pag-ibig, magte-text ang dating kasuyo – nami-miss ka na naman niya! Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) —Simulan ang 2015 ng may malinis na puso. Batiin na ang mga kagalit. Kapag lagi kang masaya ay mas mabilis na madodoble ang kita. Sa pag-ibig, kalimutan na ang pagkakamali ng kasuyo upang maging happy kayong muli. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa negosyo, laging sabihin sa sariling: “Kikita ako ng malaking halaga!” Makikita mo, iyon nga ang kusang mangyayari! Sa pag-ibig, wag mag-isip ng masama sa kasuyo, ang totoo mahal na mahal ka niya! Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Violet at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa taong ito ng 2015 ay may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa pag-ibig, isang tigang na Cancer ang magpapasin – sunggaban mo agad! Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhuvah-Bhanah-Om.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hangga’t hindi nalilimot ang nakaraan, magiging alipin ka ng kasawian. Ang Bagong Taon na ito ang pinakamabuting simula upang limutin na ang kahapon. Sa pinansiyal, tapos na ang pagkalugi. Sa pag-ibig, magbagong buhay na ngayon! Mapalad ang 4, 13, 22, 28, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Om.” Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) —Sa taong ito ng 2015 magbagong simula ka. Bagong negosyo at bagong kalakal ang dapat. Sa pag-ibig, maghanap din ng bagong mamahalin na may stable job o kaya’y may mina-manage na negosyo upang mas mabili na umunlad ang inyong pamilya. Mapalad ang 2, 10, 19, 28, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.