Sulat mula kay Raquel ng Saguin, Makilala, North Catabato
Dear Sir Greenfield,
Nagka-break kami ng boyfriend ko bago mag-December kaya sa ngayon magtwo-two months na, na wala kaming kumunikasyon. Sa ngayon labis akong nanghihinayang sa relasyon namin, kasi bigla na lang siyang nagalit at nagtampo, dahil sa isang maliit na bagay lang na hindi namin pinagkasunduan. Ang problema panay ang text ko sa kanya at tawag pero di naman niya sinasagot. Ako na nga ang nagpakumbaba at humihingi sa kanya ng sorry, pero balewala pa rin. Deadma lang siya sa mga ginagawa kong effort. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming magkabalikan? Kung magkakabalikan kami, sana kami na at sana ngayon ng buwan na ito para maging masaya naman ang Valentine day ko. Di nyo naitatanong until now mahal na mahal ko pa rin ang boyfriend kong ito. Isinilang siya noong July 16, 1989 at November 11, 1990 naman ang birthday ko, compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan sa bandang huli?
Umaasa,
Raquel North
Cotabato,
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang problema Raquel kung saan, sa malapit na hinaharap, malamang na magkabalikan pa kayo ng boyfriend mo, dahil iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, darating ang saktong panahong muli kayong magkakabalikan ng boyfriend mo. Basta sa ngayon, wag ka lang manghinawa sa pagte-text at pangungumusta sa kanya, darating din ang araw, mahahabang siya sa iyo, sa hindi mo inaasahang pagkakataon bila siyang magre-reply.
Cartomancy:
Ang Ten of Hearts, Two of Clubs at King of Hearts (Illustration 1.) ang nagsasabing matutupad ang hiling or wish mo ngayong 2015, nagmamadali pa, dahil mahal na mahal ka pa rin pala ng boyfriend mo, tulad ng nasabi na sa Palmistry, sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng enero pinaka-matagal na sa buwan ng Pebrero, walang duda, umasa ka – magkakabalikan na kayo ng boyfriend mo.
Itutuloy….
↧
Magkakabalikan na ba ngayong 2015?
↧