Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44393

Baluktot na katwiran ni PNoy

$
0
0

NOONG Biyernes nagmatigas si Pangulong Aquino sa desisyon ng gobyerno na taasan ang pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Sa isang panayam sa Romblon, iginiit ni PNoy na hindi ikokonsidera ng administrasyon ang MRT/LRT fare hike sa kabila ng kaliwa’t kanang inihaing petisyon sa Korte Suprema na naglalayong ipahinto ang taas pasahe.

Ayon pa kay PNoy, hindi naman daw patas kung ang subsidiya na ilalaan para sa pagmamantine ng MRT at LRT ay papasanin ng 86 milyong Pinoy na hindi taga Metro Manila.

Sino kaya ang nagpapayo sa pangulo para ibigay ang ganitong katwiran?

Hindi bat kasama rin ang taga Metro Manila at iba pang mga karatig na probinsiya na sumasakay sa MRT at LRT na nagbabayad ng buwis para tustusan naman ang mga proyekto sa labas ng National Capital Region (NCR) kayat baluktot ang pangangatwirang ibinibigay ng pamahalaan.

Bakit ba atat na atat ang administrasyon sa pagpapatupad ng pagtataas ng pasahe sa MRT at LRT gayong higit isang taon na lamang kung tutuusin ang ilalagi ni PNoy sa Malacañang?

Hindi ba’t ang usap-usapan ay para naman mapagbigyan ang nais ng mga kumpanyang may interes sa pagpapatakbo ng MRT at LRT.

Napaka-urgent ba ng pagtataas at hindi na kailangan pang ipaubaya na lamang sa susunod na administrasyon ang desisyon sa dagdag pasahe?

Sa pagmamatigas ng administrasyon, ang tanging pag-asa na lamang ng taumbayan ay ang pagpapalabas ng TRO ng Korte Suprema.

Lahat ay nananalangin na maglabas na ng TRO ang Korte Suprema para makabawas sa pasanin ng mga commuter.

Bukod kasi sa MRT at LRT fare hike tumaas din ang singil sa tubig.

Nagbabadya pa na lalo pa itong tumaas dahil sa plano ng Maynilad na magdagdag ng P3 kada cubic meter sa mga susunod na araw.

Samantala, saludo naman ang pamilya na naiwan ni Robert Baldago sa mga security ng LRT 2 sa Pureza station sa pamumuno ng supervisor dito na si Mr. Corpuz.

Sila kasi ang nagsugod kay Robert sa ospital matapos itong mag-collapse habang papasakay ng tren Lunes ng gabi.

Sa lahat ng mga security ng LRT2 Pureza station, pinapaabot ng pamilya ni Robert ang taos pusong pasasalamat.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44393

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>