LOVELIFE ang New Year’s wish ng Kapuso Primetime Prince na si Alden Richards.
Ayon sa binata, umaasa siya na ngayong taon ay matatagpuan na niya ang “the one” para sa kanya. In fairness, ilang taon na ring walang girlfriend si Alden kaya siguro gusto na niyang magkadyowa this year para naman mas ma-inspire siya.
Nakachika namin ang Kapuso leading man sa reception ng kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes at inamin niyang na-inspire talaga siya sa engrandeng wedding ng GMA Primetime King and Queen.
At feeling namin, after ng tinaguriang royal wedding, na-feel niya na it’s about time para magkadyowa na rin siya. Itinuturing ni Alden na ate at kuya sa showbiz sina Marian at Dingdong kaya super happy siya na mag-asawa na ngayon ang dalawa.
“Sobra!” ang mabilis na sagot ng binata nang tanungin namin kung na-inspire siya sa pag-iibigan ng dalawa. Kasi, they’ve been together for seven years at kapag naghanap ka naman ng partner, dapat hindi ka hahanap ng magiging asawa mo lang.
“Dapat puwede mo rin siyang maging best friend, puwede mo rin siyang ate, kapatid. Kumbaga, all in one, at suwerte sila sa isa’t isa na meron silang ganun na makakasama nila habambuhay,” sey pa ni Alden.
In fairness, masasabing swerte ang taong 2014 para kay Alden lalo na sa kanyang showbiz career. Dahil sa sunud-sunod at successful na teleserye niya sa GMA noong nakaraang taon, tinagurian siyang Kapuso Primetime Prince.
Ano naman ang expectations niya ngayong 2015? “‘Yun nga po, sana more projects, endorsements to come po sa career and, so far, may mga niluluto na po. Nagkakaroon na po ng ilang meetings with different production houses.
“Parang magmu-movie muna po ako sa first quarter of the year, second quarter pa po ang soap,” chika pa ng binata. Mainstream movie ang gagawin ni Alden, pero ayaw pa muna niyang magdetalye tungkol dito.
Pero excited daw siya kung matutuloy ang pelikulang gagawin niya. At nang tanungin nga siya kung ano ang New Year’s resolution niya? “Ang New Year’s resolution ko po, sana mas maging hardworking at persistent sa pag-achieve ng mga pangarap sa buhay. “Sa family, happier and stronger family bond.
Sa lovelife, sana meron na ngayong 2015. Good health and long life.”