Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44603 articles
Browse latest View live

JK nag-alay ng kanta sa fan na namatay sa sunog, bumisita rin sa burol

$
0
0
JK nag-alay ng kanta sa fan na namatay sa sunog, bumisita rin sa burol

JK Labajo bumisita sa lamay ng yumaong fan

ISANG madamdaming pagkilala ang ibinandera ng singer-songwriter na si JK Labajo para sa isang tagahanga.

Ito ay si Trisha Macalacay, isang graduating student ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) na pumanaw sa isang trahedya noong March 13.

Sa isang Facebook post ng pamilya, makikita ang pasasalamat nila kay JK matapos itong personal na dumalaw sa burol ng dalaga.

“Thank you for making Trisha’s dream come true, Juan Karlos. Such a humble gentleman! Nakakahanga ka tunay, JK!” caption sa nasabing post.

Kapansin-pansin din ang shinare na video clip kung saan makikita si JK sa kanyang concert sa Laguna Sports Complex na naghandog ng kanta para sa yumaong fan.

Baka Bet Mo: JK Labajo hihingan ng public apology sa ‘pagmumura’ sa Dinagyang Festival

Ang mga inawit ng binata ay ang mga paborito ni Trisha na “Through the Years” at “Buwan.”

Pero bago kumanta si JK ay nagbigay muna siya ng mensahe:

“Sh*t, man! A tragedy happened a few days ago. I think in a school somewhere and, unfortunately, someone named Trisha passed away.

“Sabi nung family niya, Trisha was a fan of some of the songs that I made, ‘tapos there’s this particular song na sobrang gustung-gusto niya. Yun yung cover ko ng ‘Through The Years’ na ipinakita sa ‘Lolo and The Kid’ sa Netflix.

“Trisha wanted to go here tonight, kaso lang, you know…so Trisha, kung nasaan ka man ngayon, para sa iyo ito.”

Sa kabila ng matinding lungkot, nagbigay ng kaunting kapanatagan ang pamilya ni Trisha dahil sa ginawang pagbibigay-pugay ni JK.

“Watching her dream become a reality gave us a sense of hope and peace. Thank you for bringing so much comfort to our family and mostly to Trisha!” saad ng nag-post na si Elaine de Ramos.

Nagpasalamat din sila sa mga sumuporta at tumulong upang makarating kay JK ang hiling nilang mapansin ang kwento ni Trisha.

“Alam namin suntok sa buwan ‘to, pero naging posible dahil sa inyo. Sobra saya ni Trisha for sure. Sobra saya natin,” wika pa sa FB.

Ayon sa mga ulat na aming nabasa, si Trisha ay isang B.S. Biology graduating student na tumatakbo pa bilang cum laude. 

Siya ay natagpuang patay sa comfort room ng ikalawang palapag ng isang gusali sa LSPU Sta. Cruz campus matapos ang sunog.

The post JK nag-alay ng kanta sa fan na namatay sa sunog, bumisita rin sa burol appeared first on Bandera.


Carla Abellana kay Delia Razon: The strongest, bravest & most beautiful

$
0
0
Carla Abellana kay Delia Razon: The strongest, bravest & most beautiful

Delia Razon at Carla Abellana

BINALIKAN ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang mga alaala ng namayapa niyang lola – ang veteran actress na si Delia Razon.

Pumanaw ang beteranang aktres nitong nagdaang March 15, sa edad na 94. Wala oang ibinibigay na anumang detalye ang pamilya ni Delia Razon kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa Instagram, nagbahagi si Carla ng ilang litrato ng kanyang pinakamamahal na lola kabilang na ang kanilang mga family photos.

Sa kanyang caption, inilarawan niya si Delia Razon bilang, “the strongest, bravest, fiercest, and most beautiful.”

Isa sa mga litratong ipinost ng Kapuso star ay ang liham na isinulat niya noong bata pa siya para sa kanyang lola. Mababasa rito ang paghiram niya ng children’s Bible kasabay ng pangakong ibabalik din niya ito pagkatapos niyang mabasa.

Nagpasalamat si Carla kay Lola Delia sa pagpapahiram sa kanya ng Bible. Sa huling bahagi ng letter ng aktres ay mababasa ang mensaheng, “I love you verry verry verry much.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Isa si Delia Razon sa mga pinakasikat na aktres ng film company na LVN Pictures noong dekada 50. Ang una niyang ginawang pelikula ay ang “Krus na Bituin.”

Ilan sa mga naging leading man niya noon ay sina Rogelio de la Rosa, Manuel Conde, Nestor de Villa, Carlos Salazar, Armando Goyena, at Jaime de la Rosa.

Bumida rin siya sa mga pelikulang “Gitano” (1949), “Mutya ng Pasig” (1950), “Rodrigo de Villa at Digmaan ng Damdamin” (1952), “Señorito” (1953), “Dambanang Putik” (1954), “Lapu-Lapu” (1955), at “Luksang Tagumpay” (1956).

Nakagawa rin siya ng mga teleserye tulad ng “Agila” (1987), “Bigong Sibol” at “Bayang Impasibol” (2001). Napanood din siya sa mga serye ng ABS-CBN tulad ng “Tayong Dalawa” (2009) na pinagbidahan nina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca.

Napangasawa ng veteran actress ang negosyanteng si Aurelio Reyes at biniyayaan ng tatlong anak – sina Carl Glenn Reyes, Maria Aurelia Reyes at Rea Reyes.

Si Rea Reyes ang napangasawa ng aktor na si Rey “PJ” Abellana, ang mga magulang ni Carla Abellana.

Sa isang panayam, sinabi ni Delia na hindi niya in-expect na papasukin ni Carla ang showbiz na nagtapos ng Bachelor of Science in Psychology sa De La Salle University.

“She studied well, she graduated (Summa) Cum Laude. I never realized she would enter the movies. Somebody just said, ‘O, yung apo mo (nasa showbiz na).’

“I said, ‘Who?’ ‘Carla!’ (I was like) ‘What?’ I was surprised, but she’s doing well. She’s a very good child, she’s a very good apo. No complaints. I’m happy for her.

“I told her only one thing, secret… ‘Use your eyes.’ Iba ang feelings, iba ang eyes,” sabi pa ni Delia Razon.

The post Carla Abellana kay Delia Razon: The strongest, bravest & most beautiful appeared first on Bandera.

TOL pinuri ang katatagan ng mga taga-Leyte at Samar sa pagbangon mula kay Yolanda

$
0
0

TOL pinuri ang katatagan ng mga taga-Leyte at Samar sa pagbangon mula kay Yolanda

KINILALA ni Reelectionist Senator Francis ‘TOL’ Tolentino ang katatagan na ipinamalas ng mga taga-Silangang Kabisayaan sa kanilang pagbangon mula sa pananalasa ng super typhoon Yolanda 12 taon na ang nakalilipas.

“Ang inyong tapang at pananampalataya ay inspirasyon sa lahat ng Pilipino,” sey ni Tolentino sa libo-libong dumalo sa campaign rally ng Alyansa sa Plaza Libertad.

Magugunita na si Tolentino na noo’y chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nanguna sa rescue and relief mission na ipinadala ng pambansang pamahalaan sa Leyte at Samar matapos itong salantain ni Yolanda noong November 2013.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Tolentino sa mga manonood si Dionisio “Joning” Delingon, 57 taong gulang, isang mangingisda at Yolanda survivor mula Anibong, Tacloban City.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: ‘Butter Mama’ at ang kwento ng paghilom, pagbangon sa trahedya

“Nasawi ang asawa at bunsong anak ni Manong Joning dahil kay Yolanda. Dalawa n’yang anak ang na-rescue,” pagbabahagi ng senador.

Patuloy niya, “Matagal akong tumira dito, dalawang buwan, sa isang tent sa RTR Plaza. Sa panahong iyon, marami akong nakilalang tulad ni Manong Joning.”

“Tuwing ako’y bibisita sa Tacloban; sa Guian, Sulat, at General MacArthur (Eastern Samar); at sa Palo at Tolosa (Leyte), naaalala ko ang inyong katatagan bilang isang komunidad,” wika pa niya.

TOL pinuri ang katatagan ng mga taga-Leyte at Samar sa pagbangon mula kay Yolanda

Bukod kay Delingon, ipinakilala rin ni Tolentino mula sa audience sina John Wendel Manaba, 21, naghahanap-buhay bilang motorcycle rider, at ang college student na si Roxanne Salentes Maquilan, 20 – kapwa residente ng Tacloban.

Ibinahagi ng senador ang kanyang mga nagawa para sa kanilang mga sektor.

Para sa riders, kabilang ang pagpasa ng amyenda sa Doble Plaka Law; pagpapahinto sa pagbabawal ng LTO sa temporary license plates; at ang pagtutulak sa panukala na maggagawad ng mga benepisyo sa mga rider sa ilalim ng Labor Code.

Para naman sa mga estudyante, binanggit ng senador ang kanyang amyenda sa Senate Bill 2699 na nagkakaloob ng substansyal na diskwento sa mga mag-aaral sa kanilang pagbili ng internet load.

Lusot na ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado.

The post TOL pinuri ang katatagan ng mga taga-Leyte at Samar sa pagbangon mula kay Yolanda appeared first on Bandera.

Pamungkas, Scrubb sanib-pwersa sa PH-only concert sa Abril

$
0
0
Pamungkas, Scrubb sanib-pwersa sa PH-only concert sa Abril

PHOTO: Courtesy of GNN

ISANG espesyal na one-day music event ang sorpresa ng GNN para sa ika-sampung anibersaryo nito.

Bibida sa iisang entablado ang dalawang bigating Southeast Asian artists: Pamungkas ng Indonesia at Scrubb ng Thailand!

Ang #GNN10 Presents: Pamungkas and Scrubb Live in Manila ay gaganapin sa April 26 sa 123 Block, Mandala Park sa Mandaluyong City. 

Ito ay isang eksklusibong co-headline show na tanging sa Pilipinas lang mangyayari bilang bahagi ng kanilang year-long music campaign.

Hindi biro ang sampung taon sa industriya, kaya naman todo ang GNN sa pagpapakilala ng lokal at Asian artists sa kanilang mga proyekto. 

Baka Bet Mo: Eraserheads 3 araw ibabandera ang docu film na ‘Combo on the Run’

Nagsimula ang kanilang selebrasyon ngayong taon sa mga sold-out concert tulad ng Regina Song: Live in Manila at Tanaw: The Repeat sa Newport Performing Arts Theater. 

At ngayong Abril, mas titindi pa ang saya sa isang epic na pagsasanib-pwersa nina Pamungkas at Scrubb!

Parehong may matibay na fanbase sa Pilipinas ang dalawang headliners na ito. 

Si Pamungkas ay kinilala sa buong rehiyon dahil sa kanyang hit song na “To The Bone” na umabot sa No. 5 sa Spotify PH charts. 

Samantalang ang Scrubb, na pinasikat ng “2gether The Series,” ay walang kupas sa kanilang nakaka-hook na alt-pop sound na minahal ng marami.

Hindi ito ang unang beses na dinala ng GNN ang dalawa sa bansa.

Noong 2022 bumisita na sa Pilipinas si Pamungkas, habang 2024 naman para sa Scrubb. 

Sa isang opisyal na pahayag, ibinahagi ng GNN Creative Director na si Marie Lara Pauline Bobier kung gaano kahalaga ang event na ito sa kanilang team.

“We are incredibly excited to bring Pamungkas and Scrubb back to the Philippine stage,” sey niya sa isang official press statement. 

Patuloy niya, “This anniversary celebration marks an important milestone for me, Ian, and Milley, and reflects how far we’ve come from our humble beginnings. It is a testament to our younger selves that passion, dedication, and perseverance pay off.”

Kwento pa ng GNN creative director, “We started with nothing—personally cutting tickets, selling them through meet-ups with strangers, carrying our extension cords and electric kettles to gigs and concerts—all while holding onto our day jobs.”

“GNN has never been just about numbers; it has grown through shared experiences and memories. Our artists, gig and concertgoers, and dedicated production team have created moments that will last a lifetime,” patuloy niya.

Aniya pa, “GNN has always been, and will always be, for those who live and breathe entertainment. We are truly grateful that, through our company, we have the privilege of bringing together the artists we admire with the fans who love them just as much.”

Ang tickets para sa para sa #GNN10 Presents: Pamungkas and Scrubb Live in Manila ay mabibila na sa https://scrubbpamungkas.helixpay.ph. 

The post Pamungkas, Scrubb sanib-pwersa sa PH-only concert sa Abril appeared first on Bandera.

Igan kinontra si Bong Go, may resibo na hindi nakapaa si Duterte sa eroplano

$
0
0
Igan kinontra si Bong Go, may resibo na hindi nakapaa si Duterte sa eroplano

Bong Go, Rodrigo Duterte at Arnold Clavio

TILA walang epek sa broadcast journalist at news anchor na si Arnold Clavio ang pambabarag sa kanya ng mga tagasuporta ni former President Rodrigo Duterte.

Sa kabila ng pamba-bash at pangnenega sa kanya ng mga netizens na kumakampi kay Duterte at patuloy pa rin si Igan sa pambebengga sa aniya’y mga fake news na naglalabasan ngayon sa social media.

Tulad na lang ng pagre-repost niya ng isang video clip ni Sen. Bong Go kung saan naglabas ito ng saloobin tungkol sa ginawang pag-aresto kay Digong kaugnay ng mga nagawa niya umanong “crimes against humanity”.

Awang-awa si Go kay sa dating presidente nang arestuhin ito at dalhin sa The Hague, Netherlands para doon harapin ang paglilitis sa mga kasong isinampa sa kanya ng ICC.

Kuwento ng senador, nakapaa lang daw si Duterte nang lumipad patungong The Netherlands.

“Alam n’yo ba wala siyang tsinelas? Pati tsinelas, pati tsinelas niya wala. Nakapaa. Huli naming pag-uusap nasa eroplano pa siya. Sabi ni Atty. (Salvador) Medialdea, nakapaa siya,” pahayag ni Go.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan🤓 (@akosiigan)


Si Medialdea ay dating Executive Secretary at tumayong legal counsel ni Duterte sa Pre-Trial Chamber I noong Biyernes, March 14.

Humarap naman si Sen. Go sa publiko sa isinagawang prayer rally na “Bring Him Home: A Prayer for Tatay Digong” ng PDP-Laban sa Liwasang Bonifacio nitong Sabado, March 15.

Kuwento pa ng senador, hindi umano binibigyan ng gamot si Duterte habang nasa kustodiya ng ICC.

“Ikuwento ko lang sa inyo ‘yung huli kong balita kay Tatay Digong. Alam n’yo nakausap ko kaninang madaling araw si Atty. Medialdea pagkatapos ng hearing nila saka si Ma’am Honeylet.

“Kaya siya (Duterte) ganu’n magsalita (sa ICC Pre-Trial hearing), dalawang dahilan – maaaring nag-a-adjust siya sa oras at ang pinakamasakit sa lahat ‘yong sinabi sa akin ni Atty. Medialdea na hindi binibigay sa kanya ‘yung gamot niya.”

“Alam n’yo ba, ni hindi nga niya alam kung ano ‘yong gamot na iniinom niya, binibigay sa kanya ng nurse niya.”

“Anong gustong gawin nila kay Tatay Digong? Kung kaya nilang ipadala si Tatay Digong doon, gawan n’yo ng paraan kung paano siya ibalik dito,” aniya pa.

Kasunod nga nito, ipinost ni Igan ang short video ni Sen. Go tungkol sa sinabi nitong nakapaa lamang si Duterte nang ilipad siya patungong The Hague.

“EHEM : Makabagbag damdamin ang kuwento ni Sen. Bong Go sa lagay ng kanyang amo na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa prayer rally sa Liwasang Bonifacio,” ang simulang caption ni Arnold sa kanyang IG post.

Patuloy pa niya, “Mangiyak-ngiyak na ibinahagi ni Go na ayon kay Atty. Salvador Medialdea sa eroplano pa lang ay ‘WALANG SUOT NA TSINELAS’ si Duterte. ‘NAKAPAA SIYA,’ ayon sa Senador.

“Pero sa isang larawan, na sila rin ang nag-post, makikita na komportable sa kanyang pagkakaupo ang dating Pangulo at suot suot ang kanyang rubber shoes . Parehas sila ng suot na sapatos ni Medialdea.

“NAKA-RUBBER SHOES SIYA! Mr. Senator,” ang sey pa ni Igan gamit ang mga hashtag #labananangfakenews at #fakenews.

Samantala, nakatakda sa September 23, 2025 ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo na humaharap sa mga nagawang “crimes against humanity” na nag-ugat sa ipinatupad niyang war on drugs.

The post Igan kinontra si Bong Go, may resibo na hindi nakapaa si Duterte sa eroplano appeared first on Bandera.

Fil-Chinese group proud sa ‘Ne Zha 2’, nagbigay-karangalan sa Asia

$
0
0
Fil-Chinese group proud sa 'Ne Zha 2', nagbigay ng karangalan sa Asia

IBINANDERA ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc.ang napakaganda at makabuluhang tema ng Chinese animated film na “Ne Zha 2.”

Napanood na namin ang pelikula sa ginanap na special screening nito last Saturday, na ginanap sa VIP Premiere Theater ng Fisher Mall sa na in-organize ng FFCCCII bilang pagpapakita ng suporta sa lahat ng taong involved sa production.

Ang exclusive screening ng pelikula ay pinangynahan ni FFCCCII President Dr. Cecilio Pedro kasama ang iba pa nilang opisyales tulad nina VP Jeffrey Ng, VP Frank Co, Secretary General Dr. Fernando Gan, Board Member Wilson Lee Flores,Director Eddy Cobankiat, Director Patrick Cua at iba pang mga kaibigan.

Sabi ni Dr. Pedro naintriga siya sa pelikulang “Na Zha 2” dahil bukod sa pagiging number one animated box-office hit ay hinirang din ito bilang 5th highest-grossing film sa cinematic history na ipinalabas sa 37 European countries.

“Isang mainit na pagtanggap at taos-pusong pasasalamat sa inyong pagdalo sa makasaysayang okasyong ito. Sa ngalan ng FFCCCII, ako po si Dr. Cecilio K. Pedro, ay lubos na nagagalak na kayo’y naririto para sa eksklusibong premiere ng ‘Ne Zha 2’, isang pelikulang nagdudulot ng pag-asa, tapang, at pagpapahalaga sa pamilya.

“Ne Zha 2, the world’s number one box office animation and the 6th highest-grossing film of all time, is a triumph not just for China, but for all of Asia. Its universal themes of courage, family, and overcoming adversity resonate deeply with Filipino values.

“The success of this film should inspire us in the Philippines and across our region to embrace our own stories, amplify our creativity, and prove that Asian narratives can captivate the world.

“As we enjoy this cinematic masterpiece, let us reflect on how Ne Zha’s journey mirrors our own aspirations. Just as he rose above challenges through unity and resilience, so too can our nations achieve greatness by working together,” pahayag pa ni Dr. Pedro.

In fairness, maganda ang pagkakagawa sa pelikula dahil bukod sa magandang kuwento nito, bongga rin ang special effects na mala-Hollywood na ang datingan.

Tulad ng nasabi ni Dr. Pedro, maraming aral ang makukuha ng mga kabataan sa pelikula na nagpapakita ng pag-asa, tapang, at pagpapahalaga sa pamilya.

Ipinakita rin dito ang wagas na pagmamahal ng isang ina sa anak. Na ibibigay ang lahat kahit maging kapalit pa ang buhay.

Samantala, sa mga susunod na buwan, maglulunsad pa ang FFCCCII ng cultural at civic projects bilang bahagi ng Golden Anniversary celebration ng Philippines-China Diplomatic Relations na mula sa iba’t ibang philanthropic, economic, at civic initiatives.

The post Fil-Chinese group proud sa ‘Ne Zha 2’, nagbigay-karangalan sa Asia appeared first on Bandera.

Claudine Barretto may matapang na banta…para sa nambasag kay Julia?

$
0
0
Claudine Barretto may matapang na banta, para sa nambasag kay Julia?

Claudine Barretto at Julia Barretto

MUKHANG may pagbabanta na naman ang aktres na si Claudine Barretto sa isa niyang post sa Instagram – pero para kanino nga kaya ito?

Ang feeling ng kanyang IG followers, ang matapang na cryptic post ni Clau ay pagpaparamdam niya ng suporta sa pamangking si Julia Barretto.

Ito’y may kaugnayan sa isyung kinasasangkutan ni Julia tungkol sa naging reklamo ng isang netizen na ipinasara umano ng aktres ang isang bahagi ng isla ng Camiguin para mag-shoot ng kanyang vlog.

Ni-repost ni Claudine sa kanyang Instagram page ang TikTok video kung saan mapapanood ang ginagawang pagprotekta ng isang tigre sa kanyang mga anak laban sa isang lion na bigla na lamang umatake sa kanila.

Mababasa sa video ang text caption na, “I may not be the mom. But I am the auntie. And I will always protect my nieces & nephews bc they are also my babies.

“If you hurt them. I will hurt you even worse.”

Ang inilagay namang caption ni Claudine sa kanyang post, “Come to manila dear.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


Sa comments section, nagtanong ang isang netizen ng, “Sorry, what happened?”

Hindi siya sinagot ni Claudine pero may isang follower ang aktres na nagsabing, “Maybe about what happened in Camiguin.”

Nireplayan uli siya ng nagtanong na netizen, “Oh, ok. Blood will always be thicker than water (heart emoji). Thanks, though.”

Isa namang IG user ang nagkomento ng,
“Ate Claudine, you’re the best! Thanks for being such an amazing aunt to your nieces and nephews! I love you, Ate @claubarretto.”

“You’re the best aunt and the best mother of all time! I love you so much!!! (heart emojis),” sey naman ng isa pang netizen.

Matatandaang inakusahan ng isang nagngangalang Nikka Kho si Julia na ipinasara raw ang isla ng Mantigue sa Camiguin dahil sa kanyang photo at video shoot. Nasira raw ang plano nilang bakasyon dahil kay Julia.

“Last weekend, we traveled to Camiguin for a short but well-planned trip, excited to explore its beautiful tourist spots. Our itinerary included White Island, Mantigue Island, and Katibawasan Falls. However, our plans were disrupted when we were suddenly informed that Mantigue Island was closed for a celebrity shoot—without any prior public announcement.

“We were told the island would reopen at 12 PM, so we rushed to make it in time. Upon arrival, we found frustrated tourists waiting, including those who had flights to catch. Despite assurances, the shoot extended past 1 PM, forcing many to cancel or reschedule their plans.

“To the LGU of Camiguin, prioritizing a single celebrity over numerous paying tourists is unacceptable. If closures are necessary, proper advance notice should be given—at least a week prior—to prevent unnecessary inconvenience.

“To Julia Barretto and your team, while we respect your work, shutting down an entire public island for hours with no regard for others is selfish and entitled. If efficiency mattered, you could have started earlier instead of occupying Mantigue Island at peak hours. Instead of gaining admiration, you turned potential fans into critics.

“Tourists visit Camiguin to appreciate its beauty, not to be sidelined for a celebrity’s convenience. We hope this serves as a wake-up call for better policies and consideration in the future,” ang buong open letter ni Nikka Kho sa Facebook.

Sinagot naman siya ni Julia sa pamamagitan din ng FB post, “Last weekend, I had the incredible opportunity to visit Camiguin upon the invitation of its local leaders.

“From March 1-3, we partnered with them on a tourism project aimed at showcasing the island’s rich history, culture, and natural beauty. It was an honor to contribute to their vision and support the local community.

“However, I have recently been made aware of false accusations regarding my involvement in temporary area closures during our shoot.

“A particular NIKKA KHO has publicly claimed that I ordered these closures, labeling me as entitled and selfish.

“To clarify: I was not involved in any decisions regarding closures. The coordination and management of the locations were entirely under the jurisdiction of the local government.

“I was only informed that certain areas would be momentarily closed during the shoot, which I understood as part of their commitment to ensuring the success of their tourism initiatives.

“To assume that I had the authority to dictate such decisions is both unfair and misleading.

“While I usually do not engage with baseless accusations, I will not tolerate misinformation that misrepresents my character, my work, or the purpose of Juju On The Go.

“This project has always been about celebrating destinations, supporting communities, and sharing meaningful experiences.

“Furthermore, I take this matter seriously and am currently seeking legal advice regarding the spread of false and misleading information, including a manipulated TikTok video with fake audio that aims to misrepresent me.

“To Nikka Kho: I hope neither you nor anyone in your life would have to experience the kind of unfounded attack and cruel words you have directed at me without having knowledge of what has transpired.

“Words have weight, and spreading misinformation can cause real harm,” pahayag ni Julia.

The post Claudine Barretto may matapang na banta…para sa nambasag kay Julia? appeared first on Bandera.

Mavy sa nang-ookray sa kanya sa PBB: Know your facts before judging

$
0
0
Mavy sa nang-ookray sa kanya sa PBB: Know your facts before judging

Mavy Legaspi, Gabbi Garcia, Alexa Ilacad, Bianca Gonzalez at Melai Cantiveros

MISS na miss na agad ni Mavy Legaspi ang mga celebrity housemates na nakasama niya nang ilang araw sa loob ng “Pinoy Big Brother” house.

Bukod sa pagiging host ng “PBB Celebrity Collab Edition” na napapanood sa GMA 7, naging boarder din ni Kuya si Mavy at nabigyan ng chance na maranasan ang mamuhay sa loon ng iconic house.

Sa kanyang Instagram page, sunod-sunod ang pagpo-post ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ng naging experience niya sa Bahay ni Kuya lalo na ang makilala at makasama ang mga housemates.

“It was fun getting to know the housemates and bonding with them.

“It was also fun washing the dishes, while they were doing the tasks, cleaning the house. You name it so that I could lessen the burden. If you watch the daily livestream, you would know.

“So know your facts before judging. I wasn’t slacking off that’s for sure,” ang mensahe pa ng aktor sa lahat ng mga bashers na walang ginawa kundi ang mang-okray at manghusga.

Patuloy na pahayag ni Mavy, “I can’t wait for you guys to get to know the housemates even more. They all have such beautiful souls. All of them have good hearts.

“That’s why I got emotional leaving them. If only you knew the feeling of just having each other 24/7.

“It hasn’t been a week yet. I can’t wait for their growth,” pagbabahagi pa ng binata.

And of course, sa lahat ng housemates, ang pinakamami-imiss ni Mavy ay ang girlfriend niyang si Ashley Ortega.  Mensahe niya sa aktres, “Hola mami. It was nice being with you for a short while. See you in a few months.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)


Nauna rito, binigyan muna ni Kuya si Mavy ng chance na makapagpaalam kay Ashley na hindi napigilan ang maging emosyonal nu’ng mga sandaling iyon.

“I’m actually so lucky na you get to stay here, hon, I didn’t expect naman na you’re gonna be here for a while. I’m happy you enjoyed here honey,” pahayag ni Ashley.

Mensahe naman ni Mavy kay Big Brother, “Siyempre Kuya mami-miss ko sila pero nararamdaman ko Kuya na it’s a start of another beautiful beginning po. Thank you for the opportunity po. Nag-enjoy po ako. Maraming salamat po, Kuya.”

Nang makaalis na si Mavy sa Bahay ni Kuya, at tuluyan nang naiyak si Ashley, “I’m so happy and so grateful and so lucky na nakasama ko siya here sa loob ng house. First few days ko dito siyempre may mga adjustments na kailangan gawin.

“I felt more comfortable because I know he’s here. I know he’s around. Masakit na umalis talaga siya dito,” pagbabahagi pa ng Kapuso star.

Isa si Mavy sa mga host ng iconic reality show at naging house guest nga pansamantala bilang parusa nang matalo sila ng kanyang mga co-host sa ginawa nilang task kasama sina Gabbi Garcia, Melai Cantiveros, at Alexa Ilacad.

The post Mavy sa nang-ookray sa kanya sa PBB: Know your facts before judging appeared first on Bandera.


Ara Mina muling susubok sa politika, gustong maging peg si Vilma Santos

$
0
0
Ara Mina muling susubok sa politika, gustong maging peg si Vilma Santos

Ara Mina at Sarah Discaya

SUSUBUKAN muli ng aktres at singer na si Ara Mina na pasukin ang mundo ng politika ngayong 2025 bilang konsehal sa District 2 ng Pasig City.

Matagal na itong nabalita pero kahapon, Marso 17, Lunes ay pormal na itong inihayag ni Ara at inaming nasa tiket siya ng tumatakbong mayor ng lungsod na si Sarah Discaya o Ate Sarah na katunggali ng incumbent mayor na si Vico Sotto.

Nagkakilala sina Ara at Sarah sa medical mission ng St. Gerrard Construction Charity Foundation na pinamumunuan ng huli hanggang sa tinanong na ang aktres kung type nitong pasukin ang politika lalo’t nalamang tubong-Pasig ang aktres.

“Hindi naman ako um-oo agad, alam ni ate Sarah ‘yun kasi sabi ko magdadasal pa ako, asking for a sign, kausapin ko pa ang pamilya ko, so, mga three months pa bago ako nakabalik sa kanya (sabay tingin kay Sarah) para mag-decide to run,” kuwento ni Ara.

Hindi rin kagulat-gulat kung papasukin ni Ara ang politika dahil kilala siya sa buong showbiz na matulungin sa mga nangangalaingang taga-media at mga kapwa nito artista at higit sa lahat ay dati na siyang kumandidato noong dalaga pa siya sa lungsod ng Quezon City pero hindi pinalad kaya ngayong may nag-alok ay hindi na niya ito pinakawalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ara Mina Almarinez (@therealaramina)


Natanong ang aktres kung mananalo siya ay hihinto na siya sa showbiz para bigyan ng panahon ang pagiging public servant.

“Hindi naman, kung baga ang showbiz nandiyan ‘yan, eh, hindi mawawala ‘yan. Siyempre magpo-focus tayo dito (serbisyo publiko) pero tulad nga ng sinabi ko meron pa kasi akong movie na hindi natapos at tatapusin after eleksyon.

“Madali na namang gawin ang isang movie ngayon hindi tulad noon na eight months (inaabot) pero ngayon ilang days na lang natatapos na ang isang movie,” sagot ni Ara.

At dito niya nabanggit ang pangalan ng ninang Vilma Santos-Recto niya na nagagawa nitong mag-showbiz kahit nagsisilbi noon sa Batangas.

“If there is a good offer (tatanggapin) parang si Ninang Vilma, di ba?  Nakakagawa rin siya ng movie once in while kahit nakaupo siya pero naka-focus siya sa public service.

“So, siguro ganu’n, we never know bahala na si Lord pwero magpo-focus ako sa public service kapag tayo’y nanalo,” seryosong kuwento ni Ara.

Say naman ni Sarah, “Ang common sa amin ay ‘yung sister ni Ara na may special needs and all of our kids has clinically diagnosed with ADHD (attention-deficit/hyperactivity disorder), so, very close to our hearts ang mga PWD (person with disability) na makabigay tayo at makabigay ng programa.”

Sabi naman ni Ara, “Kaya number one sa amin ni Ate Sarah ang PWD dahil nga sa mga kids niya at ako nga dahil kay Nina, kay Batsing. Di ba kaya ako nagkaroon ng foundation at advocacy na kaya ako nag-start tumulong because of my sister.”

The post Ara Mina muling susubok sa politika, gustong maging peg si Vilma Santos appeared first on Bandera.

Bida sa pelikulang ka-join sa filmfest aminado sa sablay ng direktor

$
0
0
Bida sa pelikulang ka-join sa filmfest aminado sa sablay ng direktor

Mahulaan n’yo kaya kung sinetch itetch?!

TINANONG kami ng isa sa bidang kasama sa pelikulang entry sa CinePanalo Film Festival 2025 na ginaganap ngayon sa Gateway 2 Cinemas kung bakit marami siyang narinig na nagsabing hindi kagandahan ang kanilang pelikula.

“Siyempre magiging bias ako, kasama ako sa movie, eh, kaya nagandahan ako.  Pero bago ko panoorin may mga narinig na akong comments, hindi nga raw maganda, magulo, ikaw ba ano masasabi mo?” tanong sa amin ng kasama sa pelikula.

Naging honest naman kami sa sagot namin, ‘Magulo ang kuwento, ang daming gustong ipakita ng direktor” na inakala namin ay magagalit siya o magtatampo.

“Oo nga, eh. Alam ko naman ‘yung gusto mong sabihin totoo naman din, pero siyempre kasama ako, so, kailangan kong i-promote rin ito sa friends ko,” kaswal na sabi ng kausap naming isa sa cast ng nasabing pelikula.

Dagdag pa, “Abangan na lang natin ang review ni Goldwyn.”

Ganu’n ba, kay Goldwyn ibabase lahat kung anong pelikula ang maganda at hindi?

“E, di ba, binabasa ang reviews niya doon nagbabase kung anong magandang panooring sine?” katwiran naman sa amin.

Iba-iba naman ang taste ng manonood at ‘yung reviews ni Goldwyn ay base rin sa kung nagustuhan niya o hindi ang pelikula, kaya unfair kung aasa sa magandang review niya.

Ang pelikulang tinutukoy namin sa blind item na ito ay isa sa magastos daw na entry ngayong 2025 sa CinePanalo Film Festival dahil sa talent fee ng mga artista ay ubos na ang grant ng Puregold.

Actually, hindi rin namin gets kung bakit mga kilalang artista ang pinagkukuha puwede namang 50-50 ang sikat at hindi sikat.

“Kasi nga naniniwala ‘yung direktor na kapag sikat mga artista papasukin ito ng kanilang fans,” sagot ng isa sa cast ng nasabing pelikula.

Anyway, hanggang March 25 pa ang CinePanalo Film Festival sa Gateway Mall 2 kaya sa mga hindi pa nakakakumpleto ng kanilang festival pass, watch na kayo.

The post Bida sa pelikulang ka-join sa filmfest aminado sa sablay ng direktor appeared first on Bandera.

Keanna Reeves na-hurt sa comment ni John Prats after maghalikan sa PBB

$
0
0
Keanna Reeves na-hurt sa comment ni John Prats after maghalikan sa PBB

John Prats, Keanna Reeves at Boy Abunda

INIYAKAN pala nang malala ng aktres na si Keanna Reeves ang naging pahayag ni John Prats matapos silang maghalikan nang ilang beses sa loob ng Bahay ni Kuya.

Inalala ni Keanna ang naging “past” nila ni John Prats noong magkasama sila sa “Pinoy Big Brother Celebrity Edition” ng ABS-CBN. Siya ang itinanghal noong Big Winner

Sa guesting ni Keanna sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, naibahagi niya ang ilang hindi malilimutang karanasan sa loob ng Bahay ni Kuya.

Kabilang na nga riyan ang mga pinasaluhan nilang happy and intimate moments ni John Prats pati na ang nangyari sa kanila ni BB Gandanghari na noo’y kilala pa bilang si Rustom Padilla.

Inamin ni Keanna kay Tito Boy na na-attract talaga siya noon kay John Prats, “Naging best friend kami tapos may issue issue sa loob.

“Kasi may girlfriend siya noong pagpasok. Tapos noong paglabas parang naghiwalay yata sila,” aniya pa.


Knows naman daw niya na hanggang sa Big Brother house lang ang kanilang sweet moments at hindi naman siya umasa na magiging magdyowa sila.

Pero sey ni Keanna hinding-hindi niya makakalimutan ang masakit na pag-iyak niya sa “PBB” house nang dahil sa sama ng loob kay John.

“Kasi nagki-kiss kami sa lips noon. Tapos nagreklamo siya kay Kuya na baka daw ma-misinterpret iyon sa labas. Tapos siya naman yung lapit nang lapit. Siya naman ‘yung kiss ng kiss,” rebelasyon ni Keanna.

Feeling offended daw ang aktres nang marinig niyang sinabi ni John na para siyang nanay na hinahalikan.

“Kaya umiyak ako. ‘Kung nagrereklamo ka, bakit hindi mo sabihin sa akin? Bakit sinasabi mo pa kay kuya na naiilang ka?'” ani Keanna.

Naayos naman daw nila ni John ang kanilang isyu at nagkapatawaran. Sa katunayan, mas naging close pa nga raw sila sa loob at labas ng “PBB.”

Aside from John Prats, binalikan din ni Keanna ang naranasang heartbreak kay Rustom Padilla, na mas kilala na ngayon ng madlang pipol bilang BB Gandanghari.

“Akala ko Tito Boy, liligawan niya ako. Pinainom kami ng red wine ni Kuya tapos kami lang dalawa parang binigyan kami ng moment.

“Akala ko siyempre excited na ko noon na parang magtatapat siya sa akin na gusto niya ako. Parang alam mo ‘yung in reality hindi pala. Pareho pala kami ng gusto,” ang lang nang laugh na sey ni Keanna.

“Sinabi ko sa kanya paglabas, ‘Sana i-delay mo muna. Tayo muna tapos tsaka ka na magtapat,'” hirit pa niya.

The post Keanna Reeves na-hurt sa comment ni John Prats after maghalikan sa PBB appeared first on Bandera.

Ruffa dadalawin ni Yilmaz Bektas sa Pinas: Hindi siya makahanap ng tulad ko

$
0
0
Ruffa dadalawin ni Yilmaz Bektas sa Pinas: Hindi siya makahanap ng tulad ko

Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas, Lorin at Venice Bektas

CONFIRMED! Bibisita nga sa Pilipinas ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas para dalawin ang dating asawang si Ruffa Gutierrez at ang kanilang mga anak.

Mismong si Yilmaz ang nagbalita nito sa pamamagitan ng kanyang social media account pagkatapos ngang magkuwento ni Ruffa about their last conversation.

Ayon sa aktres, balak daw ni Yilmaz na magpunta sa Pilipinas para magkita at magkausap sila nang personal at muling makasama ang dalawa nilang anak na sina Lorin at Venice.

Sa Instagram Story ni Yilmaz nitong nagdaang March 16, ibinahagi nga niya ang pagbisita sa bansa pero hindi niya binanggit kung kailan ito mangyayari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“For public opinion: Regarding the news about me that has been published in the media recently, I would like to say, ‘Yes, these news are true. I will be visiting the Philippines soon.’

“Yilmaz Bektas,

“With my best regards (signed).”

Nauna nga rito, nabanggit ni Ruffa na okay na okay ang relasyon nila ngayon ni Yilmaz bilang mga magulang ng kanilang mga anak.

“Well, it’s been two years since they’ve been reconnected with their father and I’m very happy na they’re more at ease. Yung pain na nakita ko sa heart nila for how many years nawala.

“And I’m just so happy with my daughters because they now have a personal relationship with their dad.

“Kami rin ni Yilmaz, okay rin kami. Minsan nagbibiruan kami. Nagpapadala na rin siya ng ano (pera). So happy kaming lahat,” litanya ni Ruffa.

Sa tanong kung bakit “boss” ang tawag sa kanya ng dating asawa, “Kasi ako ang boss niya. Hindi siya makahanap ng isang katulad ko. Hanap siya nang hanap sa buong mundo.

“As a matter of fact, he wanted to propose and get married to me again. And I thought it was a joke. Gusto niya akong yayain mag-train.

“Sabi ko, ‘is this a joke?’ (Sabi niya), ‘No, I want to invite you to be in a train with me.’ So sabi ko, totoo ba ‘to or baka he’s planning my murder on a (train),” natatawang sey ni Ruffa.

“Tapos sabi niya, ‘Okay I’ll visit you nalang there.’ So sabi ko, ‘You’re welcome to visit the Philippines,'” ani Ruffa.

“I don’t say he’s courting me again. At least we’ve come to that decision and that time with our lives that we can joke and be happy with one another,” pahabol pa ng aktres.

The post Ruffa dadalawin ni Yilmaz Bektas sa Pinas: Hindi siya makahanap ng tulad ko appeared first on Bandera.

Rodrigo Duterte miss na miss nang lumafang ng tuyo, munggo, saging

$
0
0
Rodrigo Duterte miss na miss nang lumafang ng tuyo, monggo, saging

Rodrigo Duterte

MISS na miss na raw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan sa mga paborito niyang mga food – ang tuyo at munggo.

Ayon kay former Executive Secretary Salvador Medialdea, mas maayos na raw ang kundisyon ngayon ni Duterte kumpara noong kasagsagan ng pag-aresto sa kanya sa bisa ng arrest warrant na inusyu ng International Criminal Court (ICC).

Nasa kustodiya pa rin ng ICC sa The Hague, Netherlands ang dating presidente kung saan lilitisin ang isinampa sa kanyang kaso na “crimes against humanity.”

Base sa video na inilabas ni Atty. Harry Roque sa social media, nagbigay ng update si Medialdea tungkol sa dating pangulo ng bansa.

“Okay naman siya, he’s very in high spirits. Naiisip niya mga sumusuporta sa kaniya, nagpapasalamat siya sa inyong lahat, ituloy n’yo lang ang dasal,” ang mensahe raw ni Medialdea para sa publiko.

“Isa sa mga nami-miss niya ang kanyang usual na kinakain, yung tuyo, munggo, at higit sa lahat yung piniritong saging. Yun ang nawawala sa kaniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Other than that, he is okay basta’t keep on praying for him. Maraming salamat po,” pahayag pa ng malapit na kaibigan ni Digong.

Masayang pahayag pa ni Medialdea,  maganda rin daw ang itsura ngayon ni Duterte dahil nakatulog na ito nang maayos.

Dagdag pa ng dating executive secretary sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, tumagal lamang ng isang oras ang pagbisita niya sa dating pangulo alinsunod sa protocol na ipinatutupad ng ICC.

Nitong nagdaang Sabado, March 15, malungkot na ibinalita ni Sen. Bong Go na hindi umano ibinibigay ng ICC ang gamot ni Duterte kaya mukhang hinang-hina ito nang humarap sa Pre-Trial last March 14.

“Ikuwento ko lang sa inyo ‘yung huli kong balita kay Tatay Digong. Alam n’yo nakausap ko kaninang madaling araw si Atty. Medialdea pagkatapos ng hearing nila saka si Ma’am Honeylet.

“Kaya siya (Duterte) ganu’n magsalita (sa ICC Pre-Trial hearing), dalawang dahilan – maaaring nag-a-adjust siya sa oras at ang pinakamasakit sa lahat ‘yong sinabi sa akin ni Atty. Medialdea na hindi binibigay sa kanya ‘yung gamot niya.

“Alam n’yo ba, ni hindi nga niya alam kung ano ‘yong gamot na iniinom niya, binibigay sa kaniya ng nurse niya.

“Anong gustong gawin nila kay Tatay Digong? Kung kaya nilang ipadala si Tatay Digong doon, gawan n’yo ng paraan kung paano siya ibalik dito,” litanya ng senador.

The post Rodrigo Duterte miss na miss nang lumafang ng tuyo, munggo, saging appeared first on Bandera.

Ivana Alawi, Dustin Yu kinakiligan, may chance kaya sa outside world?

$
0
0

Ivana Alawi, Dustin Yu kinakiligan, may chance kaya sa outside world?

MARAMI sa mga netizens ang nalungkot matapos ang tuluyang pag-exit ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab” edition.

Nitong Sabado, March 15, tuluyan nang nilisan ng dalaga ang Bahay Ni Kuya dahil tapos na ang kanyang pagiging house guest.

Kasabay ng pag-alis ni Ivana at pagbalik sa outside world ay ang pagkalungkot ng mga netizens lalo na ang mga nag-aabang sa kulitan nila ng Kapuso artist na si Dustin Yu.

Marami kasi sa mga tagasubaybay ng bagong edisyon ng “Pinoy Big Brother” ang nakitaan ng chemistry ang dalawa dahil simpleng interaksyon nila ay talagang nakakakilig.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi pinagsabihan si Charlie Fleming, matigas raw ang ulo?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Habang nasa loob si Ivana ay madalas silang mag-asaran ni Dustin kaya maging ang mga housemates ay pinagtatambal sila.

Sa huling araw ng Kapamilya actress ay makikitang pinagsayaw sila para sa PBB theme song kung saan may parte na nagyakap ang dalawa.

Makikitang ngiting-ngiti sina Ivana at Dustin at maging ang mga kapwa housemates ay kilig na kilig sa dalawa.

Kasunod nito ay ang pagsagot ng Kapamilya star kung sino ang mga jojowain at totropahin niya sa boy housemates.

Inamin ni Ivana na jojowain niya si Dustin.

Maging ang yakap ng dalawa bago ang tuluyang paglabas ng aktres ay kinakiligan ng netizens.

Hindi naman nakaligtas sa mga netizens ang pag-follow ni Ivana kay Dustin nang makalabas ito.

“I think mas mag click silang dalawa in a real life,” saad ng isang netizen.

Comment ng isa, “Trust me may plot twist dito sa bahay ni kuya e balik c Ivana nyan. Hopefully.”

“Can’t wait to see you both outside grow!” sey naman ng isa.

May chance nga kayang mauwi sa pagiging mag-dyowa ang kulitan at closeness nina Ivana at Dustin? Abangan natin!

The post Ivana Alawi, Dustin Yu kinakiligan, may chance kaya sa outside world? appeared first on Bandera.

‘Englishera halata’ girl sa bashers: I didn’t do anything wrong

$
0
0

'Englishera halata' girl sa bashers: I didn't do anything wrong

NAGLABAS ng saloobin ang viral “Englishera halata girl” o si Aly Alindayu hinggil sa kanyang pagkaka-viral sa social media.

Matatandaang mabilis na nag-trending ang video niya na kuha sa online match-making program na “Pusuan o Laruan” ni Marion Aunor kung saan isa siya sa mga girl participants.

Sa pamamagitan ng Instagram post ay naglabas ang tinaguriang “Englishera halata girl” ng pahayag ang dalaga hinggil sa pagkaka-viral.

Baka Bet Mo: Bride na ‘nanggayuma’ nagsalita na, pinilit lang ng groom magpakasal?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Aly, ito na raw ang unang beses na magsasalita siya hinggil sa isyu matapos ma-bash at mahisgahan nang bongga sa social media.

“I didn’t do anything wrong and yet I got hate DMs, was made into memes, a sound bite, death threats and more.

“The hate wasn’t even from a few hundred, it was from tens of thousands of people. People who I don’t even know made assumptions and defined my character,” bahagi ng pahayag ni Aly.

Giit pa niya, naging friends rin sila ng boy participant at sinabi nitong hindi naman siya na-offend sa kanyang mga nasabi.

“He was not offended by the things I said. What I said to him and what you guys [saw] was a preference, not a deal breaker and I was not looking down on him or anyone,” depensa ni Aly.

Bagama’t hindi American accent ang kanyang pagsasalita ay sinabi niyang English ang kanyang first language.

“I may not have the typical American accent that you’re expecting but English is my first language. I spoke Taglish because it’s a Filipino show and I was adjusting. I hope you can see that I was trying,” sey pa ni Aly.

Chika pa niya, gusto niyang gamitin ang naranasan para maging advocate laban sa bullying lalo na sa online world.

“If you guys know where I can start, I am all ears. Maybe a podcast! I want to help other people because I do not wish this at all,” dagdag pa ni Aly.

Marami rin sa mga nag-participate sa naturang online match-making show gaya na lang rin ng kasama niyang si “Moon” na na-misinterpret naman ang ibig sabihin ng salitang “family-oriented”.

The post ‘Englishera halata’ girl sa bashers: I didn’t do anything wrong appeared first on Bandera.


Gwapong bodyguard ni VP Sara pinagpiyestahan ng mga beki: Oppa yarn!

$
0
0
Close-in security ni VP Sara pinagpiyestahan ng mga beki: Oppa!

Raven Snapper at Sara Duterte (Photos from Facebook)

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga netizens, lalo na ng sangkabadingan ang close-in security ni Vice President Sara Duterte.

Habang mainit na pinag-uusapan ang pagkakaaresto at pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands, agaw-eksena naman sa social media si Lt. Raven Snapper.

In fairness, naging instant online star ang 30-anyos na si Lt. Raven matapos mag-trending ang kanyang mga litrato at video kung saan palagi nga niyang kasama si VP Sara as one of her bodyguard.

Base sa mga nakuhang information ng mga netizens, si Lt. Raven ay isang Philippine Navy officer mula sa Cordillera Administrative Region, Luzon at second cousin umano ni VP Sara.

He graduated top of his class sa Philippine Military Academy (PMA) Sinaglahi Batch 2015.

Napansin ng mga netizens, lalo na ng mga beki ang kaguwapuhan ng military officer dahil siya nga ang palaging nakikitang kasama ni VP Sara sa mga interview nito, lalo na sa pagtungo ng bise presidente sa Netherlands.


Nasa Netherlands ngayon si VP Sara para suportahan ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa custody ngayon ng International Criminal Court o ICC para sa paglilitis ng isinampa sa kanyang kasong “crimes against humanity.”

Base sa mga nabasa naming comments ng netizens, kinikilig daw sila kapag nakikita si Lt. Raven Snapper na kung ilarawan nila ay isang certified “oppa.”

In fairness, hindi imposibleng maging celebrity rin ang close-in security ni VP Sara ngayong sikat na sikat na rin siya sa social media.

May mga nagsasabing kahawig daw siya ni David Licauco pero may nagkomento naman na mas kamukha niya si Joshua Garcia. “Super yummy” naman daw ng bodyguard ni VP Sara ang comment ng mga beki.

Samantala, nauna rito, nagbigay din siya ng update tungkol sa sitwasyon ng kanyang ama sa isang press briefing after ng ICC hearing

“I visited President Duterte. He is in the hospital wing of the detention center. And he is in good spirit. He is well taken care of.

“Nag-comment lang siya na he really misses Filipino food. Yun lang. But very recently sa meal nila, meron nang rice. So, that was a good development.

“And then we discussed about his legal team, and we discussed about the family, and we discussed about the country,” sabi pa ng bise presidente.

The post Gwapong bodyguard ni VP Sara pinagpiyestahan ng mga beki: Oppa yarn! appeared first on Bandera.

Kim Chiu nakatanggap ng flowers, letter mula sa local bakeshop na ini-endorse

$
0
0

Kim Chiu nakatanggap ng flowers, letter mula sa local bakeshop na ini-endorse

IBINANDERA ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu ang mga natanggap na letter at flowers mula sa iniendorsong bakeshop.

Ito ay matapos mag-viral ang video ng isang lalaki na tinatapalan ang mukha niya sa tarpaulin sa isang branch sa Davao.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ni Kim ang handwritten letter na mula sa iniendorso.

“Congratulations in advance on the success of your new movie,” panimulang mensahe kay Kim.

Tiniyak naman ng naturang bakeshop na mananagot ang sinuman ang may kagagawan sa nangyaring pagtatakip ng kanyang mukha at nangangako rin ito na patuloy nilang susuportahan ang dalaga.

Baka Bet Mo: Kim Chiu tinakpan ang mukha sa tarpaulin ng isang bakeshop, anyare?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Just read the letter… they gave me flowers and lettercwhich ai just read today. Thank you fam! What a great way to start the week,” saad ni Kim sa caption.

Pagpapatuloy pa niya, “Thank you fam! No worries [emoji] It’s a grest day today mga ka-freshness!!! Love you all!”

Gumamit pa nga si Kim ng “#accountabikity”.

Matatandaang nagsimula ang lahat nang intrigahin ng ilang netizens at tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang opening spiels ng dalaga sa noontime program na “It’s Showtime”.

Parte ng lines ni Kim angbsalitang “dasurv” na iniugnay sa pagkakaaresto ng International Criminal Court sa dating pangulo.

Agad namang pinabulaaanan ni Kim ang mga akusasyon ng madlang netizens at nagpaalala sa mga kumakalat na fake news.

Dahil rito ay marami rin ang nagsabing ibo-boycott ang kanyang upcoming film na “My Love Will Make You Disappear”.

Sa katunayan, napaiyak pa si Kim sa kanilang mall show sa Cebu dahil sa pangyayari.

The post Kim Chiu nakatanggap ng flowers, letter mula sa local bakeshop na ini-endorse appeared first on Bandera.

Ara Mina atras muna sa pagbubuntis; Sarah Discaya tuloy ang laban

$
0
0
Ara Mina atras muna sa pagbubuntis; Sarah Discaya tuloy ang laban

Ara Mina, Dave Almarinez at Sarah Discaya

IDI-DELAY muna ng actress-singer na si Ara Mina at ng kanyang asawang si Dave Almarinez ang plano nilang pagbubuntis ngayong 2025.

Ito ang rebelasyon ni Ara nang humarap siya sa ilang miyembro ng entertainment media kamakalawa, March 17, kung saan ibinandera nga niya ang pagtakbong konsehal sa District 2 ng Pasig City.

Kasama niyang nakipagchikahan sa press ang kanyang katiket na ang negosyanteng si Sara Discaya na tumatakbo namang Mayor sa Pasig City.

Kuwento ni Ara, nagulat nga raw ang kanyang asawa sa kanyang desisyon na ipagpaliban muna ang plano nilang mag-baby.

Hindi raw kasi in-expect ni Dave na sasabak na ngayong 2025 elections ang asawa. Ngunit suportado naman nito ng 100 percent ang pagpasok ni Ara sa public service.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ara Mina Almarinez (@therealaramina)


Katwiran ni Ara, puwede naman daw siyang magbuntis sa kalagitnaan ng kanyang political career sakaling manalo sa tatakbuhing posisyon.

Feeling ng premyadong aktres, ito na ang calling at destiny niya lalo pa’t nasa dugo naman talaga niya ang pagseserbisyo sa publiko dahil ang kanyang lolo at biological father na sina Mel Mathay at Chuck Mathay respectively ay nagsilbi bilang public servants sa Quezon City.

In fairness naman kay Ara, isa talaga siya sa mga celebrities na tumutulong sa mga nangangailangan, kabilang na riyan ang mga taga-showbiz at mga miyembro ng media.

Hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin niya ang veteran actress na si Deborah Sun na pinatira niya nang libre sa isa niyang condo unit kasama ang pamilya nito. Bukod pa iyan sa ibinibigay niyang assistance para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

Ngunit sey ni Ara, hindi sapat ang kanyang pinansiyal na kakayahan para matulungan ang lahat na may pangangailangan. Sumusulat pa raw siya sa mga kilala niyang nasa gobyerno para  makapag-abot ng tulong.

Naniniwala ang aktres na kapag nagkaroon siya ng posisyon sa gobyerno ay mas marami pa siyang matutulungan.

Samantala, ipinakilala nga ni Ara sa entertainment press si Sarah Discaya na aniya’y malaki ang maitutulong sa kanyang mga adbokasiya at plano para sa kanilang distrito. Si Sarah na mas kilala sa Pasig bilang si Ate Sarah ang may-ari ng St. Gerrad Construction.

Nagkakilala sina Ara at Sarah sa isang medical mission ng St. Gerrard Construction Charity Foundation na pinamumunuan ng tumatakbong alkalde. Si Sarah raw ang humikayat kay Ara na pasukin na ang politika.

“Hindi naman ako um-oo agad. Alam ni Ate Sarah ‘yun. Kasi sabi ko magdadasal pa ako. Asking for a sign. Kakausapin ko pa ang pamilya ko, so, mga three months akong nagdasal bago ako nakabalik sa kanya (Sarah) para mag-decide to run.”

Ano naman ang masasabi ni Sarah sa makakalaban niya sa pagka-mayor ng Pasig na si Vico Sotto? “Alam ko po pader ang babanggain natin pero kung mas maganda po ang hangarin para sa taong bayan, may gabay po tayo diyan.”

Isa raw sa mga pangarap niya ay mabigyan ng magandang health services ang mga taga-Pasig. Sa ngayon, nagpapatayo na siya ng isang first class hospital na magiging libre para sa mga mahihirap na mamamayan.

“Kung ako po ay nakatulong, wala pa po ‘yun sa kalahati ng mga naitulong ni Ate Sarah sa ibang tao,” aniya pa.

By the way, nabanggit ni Ara na nangako na ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes na tutulong sa kanyang kampanya pati na ang kaibigan niyang si Piolo Pascual.

The post Ara Mina atras muna sa pagbubuntis; Sarah Discaya tuloy ang laban appeared first on Bandera.

Ivana miss na miss na ang housemates: Ihahanda ko na ang luto ko para sa inyo

$
0
0
Ivana miss na miss na ang housemates: Ihahanda ko na ang luto ko para sa inyo

Ivana Alawi

TODO-TODO ang pasasalamat ni Ivana Alawi sa ABS-CBN dahil natupad na nga ang matagal na niyang pangarap na maging “Pinoy Big Brother” housemate.

Habangbuhay daw niyang ite-treasure ang naging experience niya bilang guest celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” na napapanood na rin ngayon sa Kapuso Network.

Ayon kay Ivana, napakarami niyang natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya kahit ilang araw lamang siyang namalagi roon at isa nga ito sa katuparan ng matagal na niyang pinapangarap.

Nitong weekend, natapos na ang kanyang journey bilang “boarder” ni Big Brother at sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagbigay siya ng mensahe sa lahat ng kanyang fans and social media followers.

“Isa sa mga pangarap ko ang maging housemate sa bahay ni Kuya. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa PBB dahil naexperience ko maging housemate kahit bilang house guest lang.

“Salamat din sa ABS CBN for making it happen,” ang mensahe ng sexy actress at vlogger.


Miss na miss na rin daw niya ang mga nakasama niyang celebrity housemates, “Andami kong realizations sa loob, andami kong natutunan, at babaunin ko lahat yun ngayon sa outside world.

“Hindi lang experience ang na-gain ko sa bahay ni Kuya kundi ay isang Pamilya. Ngayon pa lang sobra ko na silang miss. Ihahanda ko na ang luto ko para sa inyo,” dagdag pa ni Ivana.

In fairness, pak na pak naman talaga ang special appearance ni Ivana sa pinakabagong edisyon ng “PBB” dahil sa mga nakakalokang eksena niya sa loob.

Ate-ate ang peg ni Ivana sa Big Brother house pero pansin na pansin ng mga manonood ang kakaibang tingin at pakikipag-usap sa kanya ng mga male housemates.

Pati nga ang pagbibigay ng tubig ng isa sa mga host ng “PBB” na pinapasok din ni Kuya sa loob ng kanyang bahay na si Mavy Legaspi kay Ivana ay binigyan ng malisya ng mga netizens.

At ito pa nga, napagalitan pa ang sexy actress at na-buzzer pa dahil naligo siya sa garden ng PBB house gamit ang pangdilig ng mga halaman.

“Eto na po, ayoko na, sige na,” ang maririnig na dialogue ni Ivana nang malamang bawal ang kanyang ginawa.

The post Ivana miss na miss na ang housemates: Ihahanda ko na ang luto ko para sa inyo appeared first on Bandera.

Kathleen Hermosa na-scam, inorder na Thai sausage hindi dumating

$
0
0
Kathleen Hermosa na-scam, inorder na Thai sausage hindi dumating

Kathleen Hermosa

DISMAYADO ang Kapamilya actress na si Kathleen Hermosa matapos mabiktima ng umano’y scammer na online seller.

Naglabas ng sama ng loob si Kathleen sa pamamagitan ng kanyang Facebook account kung saan ikinuwento nga niya kung paano siya naloko ng naturang online seller.

Ayon sa kapatid ni Kristine Hermosa, halos P2,000 daw ang nakuha sa kanya ng scammer matapos mag-purchase sa isang Facebook Marketplace.

Ayon kay Kathleen, bumili siya ng trending Thailand sausage sa naturang FB Marketplace sa site ng manlolokong online seller. Nagbayad na raw siya in advance dahil mukhang legit naman ang nasabing site.

Pero ang ending, nganga! Walang dumating na Thailand sausage sa kanilang bahay. Feeling ng aktres, talagang professional scammer ang nambiktima sa kanya dahil kapani-paniwala ang account nito sa FB.

“That person who scammed me and didnt send my order is just a pro. In Marketplace, you cannot demand to pay once item is delivered because maybe for seller’s protection too.


“Well, they can do COD also. But for most, they do not allow. I did my research, they looked legit to me. Well other than the fact that I was rushing so it can reach here in Cebu on time for our Mukbang shoot.

“Its this thailand sausage trending in tiktok. For a sausage, hindi sya mura ha? Paid 1,900+ for it. Magaling sila and their modus.

“Complete product details. And the attitude when conversing is a legit seller too. I searched now for the name, some concerned friends searched for the seller too and I strongly believe I got scammed,” ang pahayag ng aktres.

Patuloy pa niya, “Solution on my part, I prayed for the scammer. I hope the money fed you and your family.
I also prayed that you try to find a dignified job because all the money you guys scammed it from — are all hard earned money. Ilang live sell din yan, ilang hustle din yan.

“Ilang items sold din yan for a slim comm. Yet we choose to do what honors God kasi whats important is where we are going after our lives here on earth so if you are reading this (pangalan ng seller)—GoTyme account name we transferred our payment to, may you stop doing what you are doing.

“Or if Im wrong, please send me my orders,” aniya pa.

Maraming nagkomento sa post ni Kathleen at halos lahat ay nagsabing sana raw ay maparusahan ang nang-scam sa kanya at maibalik ang kanyang pera.

The post Kathleen Hermosa na-scam, inorder na Thai sausage hindi dumating appeared first on Bandera.

Viewing all 44603 articles
Browse latest View live


Latest Images