Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44614 articles
Browse latest View live

Alwyn nakakita ng ibon sa hinubad na sapatos; may nais nga bang ipahiwatig sa relasyon nila ni Jennica?

$
0
0

BINIGYAN agad ng kahulugan ng mga netizens ang natagpuang ibon ni Alwyn Uytingco. Feeling nila ay may koneksyon ito sa sitwasyon ngayon ng aktor at ng asawa niyang si Jennica Garcia.

Ang paniwala ng mga ito, may nais ipahiwatig ang birdie sa nagkahiwalay na mag-asawa — baka sign na raw ito na bigyan ng second chance o part 2 ang kanilang love story.

Nag-post ang Kapuso actress sa kanyang Instagram account ng litrato ng ibon na nakita raw sa sapatos ni Alwyn. Sa caption, humingi siya ng tulong sa kanyang followers kung paano niya ito  pakakainin at aalagaan.

“HELP PLEASE!

“We think its a baby maya. Alwyn took the kids earlier. When it was time for him to bring the children back to me, he found a bird inside his shoe!” simulang pahayag ng aktres.

“They waited for another bird to come get him but no other bird came despite the chirping sound that he makes!

“They couldn’t leave the baby bird behind because there are a lot of stray cats in the area. When my kids arrived, may +1 ng ibon! Mori fervently prayed that the bird survive in our care. Na-pressure po ako. Tulong sino may alagang ibon po,” chika pa ni Jennica.

Pagpapatuloy ng celebrity mommy, “Ano po papakain ko? Di siya lumilipad. I don’t think, his wings are damaged sadyang baby pa po ata siya.

“Do I need a syringe to feed him or do I put it in a shallow bowl? What food? Its 9:30PM already, I don’t think a pet shop is still open,” kuwento pa ni Jennica.

Kasunod nito, ipinaalam din niya sa kanyang followers na pinakain na niya ang ibon, “UPDATE AS OF 10:16PM: Availed Grab Pabili Service for syringe and Cerelac. There are no nearby tree in the area from where the baby bird is found.

“It was inside Alwyn’s shoe which is placed before the doorstep. May wide roof din po above the shoe since it is a gated parking area.

“Baby Bird looks very young in age because parts because parts of his stomach and chest does not have feather yet. Praying the he survives under my care.

“Mori and Alessi lost two dogs already last month from old age. Alaga po nila Papa ko kung saan madalas sila Mori. Thank you for your well wishes and prayers! Baby bird, laban tayo.

“Setting my alarm to 3 hours at a time to offer food to baby bird,” sey pa ni Jennica.
Samantala, nagsunud-sunod naman ang comments ng followers ng aktres, narito ang ilan sa mga suggestions nila kay Jennica.

“My husband has a small aviary. Based from how I see him do it sa ganyang ka-young eh ung cerelac na mixed vegetable and soya. But he mixed other stuff as well like malunggay powder and chick booster.”

“If it’s just several days old, feeding is every 4 hours. BUT this is based from the birds we breed na Albs 1 and 2. Not sure if its the same sa maya. I hope this gives you an idea.”

“Check ng trees nearby if may nest baka nahulog sya sa nest.  Happened to us before. We placed it back and the mommy bird came to get it.”

“Hi, this kind of bird must not be fed with dairy products. Give protein rich food or banana but u need to feed. Kng my puller ka kuha ka konting saging dn ilalagay mo talaga inside the mouth. At night they won’t disturb u kc tulog cla sa morning that’s the time ul feed every time hihingi ng food. Mga ganito na age parang 3x a day nalng kakain. Enjoy! ANG cute nyan.”

“To God be the Glory…that’s the sign.. Broken si maya. it’s time to heal po.”

“Don’t you think it’s a sign about sa inyong mag asawa? Di ko alam ilang sentence palang kakabasa ko sa post mo pero nung banggitin mo na sa loob gaking ng shoes ni Alwyn parang there’s something about it. Sign talaga sya. If you have wisdom which im pretty sure you have iba mafefeel mo.”

The post Alwyn nakakita ng ibon sa hinubad na sapatos; may nais nga bang ipahiwatig sa relasyon nila ni Jennica? appeared first on Bandera.


Angel handa nang magka-baby: Hindi naman basketball team, mga isa o dalawa pwede na

$
0
0

MUKHANG matatagalan nga bago uli gumawa ng teleserye o pelikula ang aktres at TV host na si Angel Locsin.

Siniguro ng award-winning Kapamilya star na hinding-hindi niya iiwan at tatalikuran ang entertainment industry pero kailangan daw muna niyang pagtuunan ng pansin ang personal niyang buhay.

Sa ngayon, ibubuhos muna ni Angel ang kanyang panahon at energy sa paghahanda sa kasal nila ni Neil Arce at isasantabi muna ang career niya sa mundo ng showbiz.

Ipinagdiinan din ng aktres na si Neil na talaga ang kanyang “the one” at handang-handa na siyang pasukin ang next level ng buhay niya bilang wifey and eventually bilang mommy.

“Yes, walang duda. Si Neil din naman kasi he’s very supportive talaga. Iba kasi ‘yung partner, iba ‘yung lover. 

“‘Yung partner kasi alam mong hindi ka iiwan sa ere kahit anong mangyari. Napakasarap lang ng pakiramdam ng ganu’n,” pahayag ni Angel sa chikahan nila ni Matteo Guidicelli sa podcast nitong “MattRuns.”

Chika ng fiancée ni Neil, wala pa siyang masasabing kongkretong plano tungkol sa kanyang career bilang artista, ngunit siniguro niya na babalik at babalik siya sa larangan ng pag-arte.

“Ngayon talaga, lie low talaga ako. Hindi ko masabing stop kasi bilang artist, hahanap-hanapin mo rin talaga. Pero sa ngayon, lie low muna ako.

“Gusto ko lang talagang ramdamin at i-absorb kung paano mag-prepare para sa isang married life,” pahayag pa ni Angel.

Super excited na rin ang dalaga sa pagkakaroon ng sariling pamilya at talaga raw pangarap niya noon pa na maging nanay.

“Pero hindi naman basketball team. Mga isa or dalawa. Dati twins ang gusto ko pero nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na may mga anak, parang hindi ko kaya na sabay.

“Kailangan nakatutok ka talaga. Kung mabigyan ako ng blessing ni Lord, go. Feeling ko stage mother ako,” natatawang chika ng aktres kay Matteo.

Nang tanungin kung papayagan ba niyang mag-artista ang magiging anak nila ni Neil, “Well kung gusto nila. Pero siguro sa umpisa commercial lang tapos aral muna.”

Katwiran ni Angel, “Kasi hindi ako graduate eh. Alam ko kung gaano kaimportante ‘yung pag-aaral. Alam kong may mga achievements ako pero iba pa rin talaga ‘yung may diploma ka. Pwede mo iyon dalahin kahit nasaan ka. Hindi ‘yun mananakaw sa iyo.” 

Ten years from now, paano nai-imagine ni Angel ang kanyang buhay? “Sana ma-bless ako ng anak, ng isang simpleng masayang pamilya. 

“Kung ano man ang ginagawa ko sa mga panahon na ‘yun, ako ay masaya, kampante at may takot sa Diyos at malayang nagagawa ang ginagawa ko ng walang pag-aalinlangan,” sabi pa ng tinaguriang real life Darna.

The post Angel handa nang magka-baby: Hindi naman basketball team, mga isa o dalawa pwede na appeared first on Bandera.

‘Grabe si Ken Chan, ikaw na talaga! Nangangamoy best actor na naman!’

$
0
0

GRABE ang mga pasabog na eksena sa bawat episode ng GMA Afternoon Prime series na “Ang Dalawang Ikaw” nina Ken Chan at Rita Daniela.

Talagang walang araw na hindi ka mawiwindang at masa-shock sa twists and turns ng kuwento, lalo na nitong nagdaang linggo kung saan napanood ang pagbabalik ni Nelson (Ken) sa kanyang core persona.

Dito, nalaman na nga na meron siyang dissociative identity disorder (DID) o split personality disorder kaya nagpapalit ang kanyang personalidad.

Pilit na ipinaglalaban ni Mia (Rita) ang pagmamahal niya sa asawang si Nelson at ginagawa ang lahat para hindi na ito bumalik sa alter personality niyang si Tyler na ikinasal naman kay Beatrice (Anna Vicente).

Pero siyempre, hindi rin magpapatalo Beatrice at handa ring itaya ang kanyang buhay para sa kanya mapunta ang asawang si Tyler. Winner na winner ang mga confrontation scene nina Rita at Anna sa serye lalo na ang palitan nila ng mga hugot lines.

Pero ang talagang pinupuri ng viewers ay ang napakagaling na pagganap ni Ken sa hit afternoon series ng GMA. 

Napakahirap daw ng role ng binata pero kering-keri niya itong gampanan nang bonggang-bongga. Wala raw silang maisip na young actor ngayon sa Kapuso network na babagay bilang sina Nelson at Tyler.

Hindi na rin kami magtataka kung manalong best actor sa susunod na awards season si Ken para sa “Ang Dalawang Ikaw” dahil talaga namang pinatunayan niya ang kanyang husay bilang versatile actor.

Dahil nga sa sobrang effective ng pagganap ng aktor sa nasabing serye ay marami na ang natatakot sa kanya lalo na kapag nagagalit na siya at nagpapalit-palit ng persona.  

Reaksyon ng isang adik na adik sa serye, “Grabe si Ken! Ikaw na talaga ang new drama king ng bagong generation. Hirap ng role ni Ken! Kakapagod ang akting niya pero superb ang ganapan. Nangangamoy best actor na naman!”

Napapanood ang Kapuso seryeng “Ang Dalawang Ikaw” mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., pagkatapos ng “Eat Bulaga”. Ito’y mula sa orihinal na konsepto ni Geng Delos Reyes-Delgado at mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

The post ‘Grabe si Ken Chan, ikaw na talaga! Nangangamoy best actor na naman!’ appeared first on Bandera.

Tambalang Isko Moreno at Kris Aquino sa Eleksyon 2022 posible kaya?

$
0
0

BAKIT ba palaging isinasama ang pangalan ni Kris Aquino sa mga napapabalitang kakandidato  sa darating na 2022 elections? 

Porke nawala na ang kuya niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino iniisip ng marami na baka ituloy na ni Kris ang pagtakbo next year? Ganu’n ba yun?

Kahit ilang beses nang sinabi ni Kris na hindi niya papasukin ang polikita dahil sa kanyang health condition at kung anu-ano pang dahilan ay hindi pa rin siya tinatantanan ng netizens na pasukin ang politika.

May mga common friend kami ng Queen of All Media na nagbibigay ng update sa kasalukuyan estado ng kanyang kalusugan at maski  naman si Kris ay nagpo-post din tungkol dito.

Sinasabi niya na hindi siya puwedeng ma-stress dahil dito naglalabasan ang mga pasa at iba pang allergy niya sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaya paano niya papasukin ang politika? Kaya sa paniniwala namin ay wala talaga sa plano ni Kris ang 2022 elections.

Saka mas gusto niya ngayon ng tahimik na buhay at masarap na hangin sa kapaligiran. Kaya nga lagi siyang nasa out of town, di ba?

Anyway, nakakaaliw ang ilang nababasa namin suggestion at reaksyon mula sa ilang netizens.

Anila, maganda raw sanang mag-tandem sina Kris at Manila City Mayor Isko Moreno. Pero ang tanong sa anong posisyon sila magtatambal?

Kung matutuloy si Yorme Isko na kumandidato sa pagka-presidente sa 2022, si Kris ang magiging vice-president niya? 

Hala, e, di lalong nagkapasa-pasa na ang buong katawan niya sa sobrang stress kapag nagkataon. Saka malabong mangyari yun kung kami ang tatanungin.

Hayaan na lang si Yorme sa kandidatura niya sa pagkapresidente kung itutuloy man niya ito at tantanan na ng ilang indibidwal ang pagkaladkad kay Kris sa usaping politika.

Pero kung hindi maiiwasang pasukin ito ni Tetay, puwedeng after 2022 na lang para magaling na magaling na siya at okay sa amin kung ang pagiging congresswoman muna o senator ang tatargetin niya.

The post Tambalang Isko Moreno at Kris Aquino sa Eleksyon 2022 posible kaya? appeared first on Bandera.

‘First Yaya’ director biglang naalala si Wenn Deramas sa viral ‘basura’ comment ni Andoy Ranay

$
0
0

HINDI pa rin humuhupa ang tensyon sa pagitan ng Kapamilya director na si Andoy Ranay at ng ilang mga personalidad na konektado sa Kapuso network.

Pagkatapos maglabas ng saloobin sina Jaclyn Jose, Ai Ai delas Alas, Suzette Doctolero at iba pang mga taga-GMA laban sa “basura” comment ni Direk Andoy ay may patutsada rin sa kanya ang direktor na si L.A. Madridejos.

Matagal nang Kapuso si Direk L.A. at ang huli nga niyang project sa network ay ang katatapos lang na “First Yaya” na pinagbidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Hindi rin nakapagpigil ang direktor na maglabas ng sentimyento patungkol sa naging komento ng kapwa niya direktor si Andoy Ranay na naging kontrobersyal nga dahil s nag-viral niyang “basura” comment tungkol sa ilang teleserye na napapanood sa TV.

Sa kanyang Facebook account, naikuwento ni L.A. ang naging usapan nila noon ng yumaong direktor na si Wenn Deramas. Nagsilbi rin kasi siyang assistant director ni Direk Wenn sa ilang proyektong ginawa nito.

Pumanaw naman si Direk Wenn noong Feb. 29, 2016 dahil sa cardiac arrest.

Minsan daw kasi silang nagkakuwentuhan, tinanong niya si Direk Wenn kung ano ang feeling niya kapag sinasabing “basura” raw ang mga ginagawa niyang pelikula. Kabilang sa mga blockbuster movies ng direktor ay ang “Sisterakas” (2012), “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” (2013), “The Amazing Praybeyt Benjamin” (2014), at “Beauty and the Beastie” (2015).

Ayon kay Direk L.A., “Naalala ko nu’n nabubuhay pa si direk Wenn, maraming nagsasabi na ‘basura’ ang mga pelikulang gawa nya.

“Tinanong ko sya kung anong reaction nya dito. Sabi nya, ang nagsasabi na basura yung gawa nya e yung mga taong hindi makagawa ng gawa nya.

“So ang ending, lalaitin nalang nila. Ang importante daw kay direk Wenn, sigurado syang marami syang viewers na napapasaya… at madalas kumita ng more than 100M ang mga pelikula nya,” lahad ng Kapuso director.

“Sabi pa nya, hindi daw nya kelangan manlait ng gawa ng iba para patunayan na mahusay sya. Lalo na at maliit lang ang industriya namin. Pero marami din syang inokray ng patago. Haha.

“Naalala ko lang. namiss kita direk Wenn. #ProudToBeAKapuso,” sey ni L.A.. na siya ring nagdirek ng “Meant To Be” ni Barbie Forteza at “My Special Tatay” nina Ken Chan at Rita Daniela.

Naging kontrobersyal ang pahayag ni Andoy Ranay sa isang panayam kung saan sinabi nga nito na puro de-kalidad ang ginagawa nilang teleserye sa ABS-CBN kahit wala silang prangkisa.

“Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow! Hahahaha! Grabe! I mean, di ba?

“Parang mas masarap na lang magtrabaho kahit bawas ang suweldo, kahit hindi laging may trabaho, pero alam mo na yung quality ng trabaho yung maibibigay mo sa audience mo ay ‘In the Service of the Filipino,’ we have responsibility to our audience.

“Kaya iyon ang ibibigay natin, hanggang dulo magkakasama tayo,” aniya pa.

The post ‘First Yaya’ director biglang naalala si Wenn Deramas sa viral ‘basura’ comment ni Andoy Ranay appeared first on Bandera.

Empoy mawawala na nga ba sa teleserye ni Maja sa TV5?

$
0
0

TODO ang pasasalamat ng buong staff and crew pati na ang mga artista sa teleseryeng “Niña Niño” ay dahil alagang-alaga sila ng produksyon sa kanilang lock-in taping.

Dahil magkakaroon nga ng season 2 ang nasabing programa ng TV5 na pinagbibidahan ni Maja Salvador ay muli silang magkakasama-sama kaya naman itinuturing nila itong malaking blessing.

Para sa lahat ng taong involved sa serye, sulit na sulit ang hirap na inaabot nila sa lock-in shoot sa malayong lugar kung saan walang signal.

Sa bloggers mediacon ng “Niña Niño” ay naikuwento ng cast members na sina Empoy Marquez, Lilet, Yayo Aguila, Kat Galang, Aahron Villena, Moi Bien at Noel Comia na walang signal sa location nila.

Kaya kapag tapos na ang shoot at maaga pa ay nagkukuwentuhan sila para magkakilalanlan na rin ang isa’t isa. Ito’y nangyari noong bago-bago palang silang nagte-taping.

Umaabot pala ng isang buwan ang lock-in shoot ng serye at para na rin sa kaligtasan ng lahat ay istrikto nilang sinusunod ang lahat ng safety protocols.

Paliwanag ng direktor ng serye na si Thop Suzara, “Yung safety po ng lahat ng tao ay sobrang priority namin since day one kaya napaka-challenging din for us sa production side to pull off this teleserye kasi  hindi siya pandemic (project), kaya mahigpit po kami sa safety ng bawa’t isa o pagsunod sa health protocols.

“Ang ikinaganda rin po ay nasa malayo kaming lugar kaya po walang signal kasi may pagka isolate.  
“Makakatulong po iyon sa amin kasi malayo kami sa mga tao at walang COVID-19 case po sa Dolores, Quezon and ‘yung support po ng local government to help us keep the bubble safe,” paliwanag ng direktor.

Ang maganda pa sa set ng “Niña Niño” ay gumagawa sila ng paraan para hindi isipin ang signal o anumang makakapagpa-stress sa kanila. 

Dapat ay happy set lang kasi nga ang kuwento ng serye ay naghahatid ng inspirasyon at good vibes sa mga manonood.

Samantala, super adjust daw ngayon ang writers ng serye dahil paalis si Empoy, mawawala siya ng halos three weeks dahil may shooting sila ni Alessandra de Rossi sa Paris, France.

Ito’y para sa pelikula nilang “Walang kaParis” na ididirek ni Sigrid Andrea Bernardo mula sa Spring Films at Viva Films.

Biro nga ni Empoy, “Thankful ako sa writers kasi siyempre gagawan nila ng paraan na manatili ako sa kuwento para may mga susunod pang seasons.”

The post Empoy mawawala na nga ba sa teleserye ni Maja sa TV5? appeared first on Bandera.

Justin Cuyugan hiwalay na raw kay Dawn Chang: Let this be a warning to everyone…

$
0
0

HIWALAY na ba ang celebrity couple na si Justin Cuyugan at dating Girltrends member na si Dawn Chang?

Kaya namin ito naitanong ay dahil nag-post si Justin ng ilang mga gamit sa bahay tulad ng kutson, electric fan, gasul at iba pa na tila nag-alsa balutan, sa kanyang Instagram account.

Ang caption na isinulat ng aktor sa larawang ito ay, “Let this be a warning to everyone. If you give your life to a narcissist, this is all they will leave you while they swim in the riches you help them build.

“This do not happen only in loving relationships. This is also rampant in work situations and much worse if you sink your life in both.

“If you were in this situation? Know that your God was beside you the whole time because if not, you will stay in a narcissistic relationship longer putting you in deeper sh*t.

“REMEMBER: If you come to this, it is your fault because you let them. Be aware, love yourself and save yourself for your family,” mahabang pahayag ni Justin na gumamit pa ng mga hashtag #mentalhealthawareness, #narcissisticabuse, #mentalhealthmatters at #narcissism.

Isang follower ni Justin na may handle name na @drdonney ang nagkomento ng, “Stay strong kuya you will find a much better partner that will not drag you down.”

At halos lahat ng mga nabigay ng mensahe sa IG post ng aktor ay nagtanong ng, “What happened?”

Sinundan pa ito ng isa pang post ng aktor, aniya, “Stay away from narcissists simply by sticking to what is right may it be in work, love, friend and family relationships. Thank you. @awakeningwomensupport.”

Ito ay base sa quote niyang, “What tolerate is teaching them how you want to be treated. Read that again.”

Tsinek naman namin ang IG account ni Dawn at may post siya ngayong tanghali ng isang mannequin display na mukha lang na walang mga mata at bibig at may suot na sumbrerong abaca.

“Note to self: There will come a time that some days will be harder than others. You will be confused and anxious with uncertainties and it would feel that the weight of the world is literally on your shoulders.

“When that day comes, I want you to know that you get to decide what happens next. You get to decide how to react to whatever situation you are in.

“Remember Dawn, you are responsible for whatever is happening within you. So don’t let yourself be miserable.

“The world is not a battlefield like what they all say. It’s your mind, heart and soul that needs healing and you get to decide when to do that. Create a world that is beautiful and healthy in your head. The rest will follow. #Manifestation,” ang caption ng dancer at aktres.

At hindi na rin pala nila pina-follow ang isa’t isa.

Sina Justin at Dawn ay nagkagustuhan ng pareho silang nag-guest sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan gumanap na beki ang aktor na ayon sa dalaga ay nagustuhan niya kaagad dahil may sustansiyang kausap dahil ganu’n daw ang mga tipo niya sa lalaki.

The post Justin Cuyugan hiwalay na raw kay Dawn Chang: Let this be a warning to everyone… appeared first on Bandera.

Francine Diaz nabigyan ng hustisya ang pagiging babaeng maangas at siga

$
0
0

PINURI ng mga nakapanood ng digital film na “Tenement 66” ang Kapamilya youngstar na si Francine Diaz dahil sa ipinakita nitong akting sa pelikula.

Ibang-ibang Francine raw ang nasaksihan nila sa movie kesa sa mga naging role niya noon sa seryeng “Kadenang Ginto” at ngayon nga sa “Huwag Kang Mangamba”.

Aminado naman si Francine na ang karakter niya bilang Lea sa “Tenement 66” na idinirek ni Rae Red ang pinaka-challenging role na nagawa niya mula nang magsimula siya sa showbiz.

“Ang dami kasi nasanay ako kay Cassie na talagang mahiyain siya, tahimik lang tapos yung character ko dito na si Lea maangas siya na may pagkasiga. 

“Yung mga ginawa ko para sa kanya, nanood ako ng mga movies kung saan ako makakakuha ng ugali ng isang character na puwede kong magawa kay Lea.

“Isa yung sa mga challenge sa akin pero nakakatuwa na mabigay sa akin yung ganitong character kasi na-explore ko yung sarili ko and of course sa pag-acting ko. Masasabi ko naman na nabigyan ko ng justice kasi I gave my best,” pahayag ng dalagita.

Ito rin ang first project na ginawa  niya na hindi ka-join ang mga kasama niya sa The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, at Seth Fedelin. Ang kasama niya rito ay sina Francis Magundayao at Noel Comia.

“Yes ito yung first time na meron akong project na hindi ko kasama yung tatlo. Ganu’n pa rin kahit meron kaming mga solo projects siyempre squad pa rin naman kami. 

“Dito at first nakakapanibago pero habang tumatagal nakakatuwa kasi nagkaroon ako ng bagong friends and of course bagong environment din yung set, yung staff, lahat,” kuwento ni Francine.

In fairness, hindi pa man ipinalalabas sa iWantTFC ang “Tenement 66” ay napili na ito bilang isa sa mga entry para sa Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN), under the Bucheon Choice category.

“Sobra akong kinabahan nu’n na tuwang-tuwa na kinukurot ko pa yung sarili ko kasi baka nananaginip ako. Never kong in-expect na mapapasama kami sa isang film festival tapos sa Korea pa.
 
“Hindi ako makapaniwala nu’ng una kasi baka mamaya nananaginip ako or pina-prank ako, ganyan. Tapos nu’ng mismong yung manager ko na nagsabi na kasali kami tapos Korea, sabi ko totoo nga siya. 

“Du’n ko naramdaman yung kaba. Nauna naman yung excitement. Malaking blessing ito sa aming lahat,” aniya pa.

Kung wala nga raw pandemya ay nakapunta sana si Francine sa Korea para um-attend sa nasabing film festival na ginanap mula July 8 hanggang 21.

“Siyempre naman. Kung walang pandemic ngayon nagko-Korean Korean na ako sa ibang bansa!  Nakakatuwa siguro kung wala talaga yung COVID ngayon, mas naririnig ko yung dami ng tao, yung cheer nila and of course yung mga Filipino supporters natin,” lahad pa ni Francine.

The post Francine Diaz nabigyan ng hustisya ang pagiging babaeng maangas at siga appeared first on Bandera.


Bakit na-challenge si 2021 Bb. Pilipinas International Hannah Arnold sa swimsuit competition?

$
0
0

NA-CHALLENGE at na-pressure pala nang bonggang-bongga si 2021 Binibining Pilipinas International Hannah Arnold sa swimsuit competition ng nabanggit na national pageant.

Inamin ng Pinay beautuy queen na isang napakalaking hamon para sa kanya ang magsuot ng skimpy swimwear on national television na mapapanood ng napakaraming tao.

Sa pakikipagchikahan ni Hannah kay G3 San Diego sa latest YouTube vlog nito ay natanong ang dalaga kung paano niya ia-assess ang naging performance niya sa grand coronation night ng 2021 Binibining Pilipinas pageant na nagbigay sa kanya ng korona at titulong Bb. Pilipinas International. 

“In my rehearsals, in my trainings, there were times where I would stumble. But my trainer, he really taught me that you just have to keep on going. Don’t let it show in your face.

“I think I was able to continue smiling. I was like, ‘It’s okay, maybe the judges are just looking at the gown. They won’t notice that,’” pahayag ni Hannah.

“Actually a lot of people told me that in the moment, they didn’t notice the little stumble but then, because I mentioned it and they rewatched it, that’s when they saw it. 

“I have seen comments where they said, ‘Oh you obviously did not practice it enough.’ But that’s the thing. You never know in the moment how exactly it will come out. But I am just so happy, I am so glad everyone loves the gown,” pag-amin pa niya.

At tungkol nga sa pagrampa niya sa swimsuit competition, “I think if you will look at my social media, I honestly don’t really post many swimsuit pictures. 

“I think I was always quite conservative growing up. Not that it was bawal or anything. I just didn’t want to expose too much,” paliwanag ng dalaga.

Happy din daw siya sa naging sagot niya sa Q&A portion, ikinumpara pa nga niya ito sa naging performance niya noong sumali siya sa Bb. Pilipinas 2019 kung saan umabot lang siya sa pagiging isa sa mga finalist.

“During that time, I was so nervous. With the audience, sometimes they can be a little unforgiving. So I was worried that they weren’t going to like my answer. 

“So in the moment in 2019, I did laugh at myself to save the pain of maybe the audience laughing at me. Unfortunately, it changed the mood of my answer that it didn’t sound so serious. I was just so nervous,” chika ng dalaga.

“I am so grateful that the question I was given, we have discussed freedom of speech and how important it is in our democratic country. That just came to my mind right away. 

“However, when you’re there in the moment, 30 seconds, it is so hard to think of a punchline. So I just pushed and kept on going and I just hoped that I had given some sort of message,” aniya pa.

Hindi man daw saktung-sakto sa tanong ng judge na si Pinky Webb ang naging sagot niya, natutuwa na rin siya na nagustuhan ng veteran broadcast journalist ang answer niya.

“I heard from Tito Boy (Abunda) and Pinky Webb they liked my answer so I am grateful for that, that I was able to give a call for action in some way,” sey ni Hannah.

Bilang 2021 Bb. Pilipinas International rarampa si Hannah bilang representative ng bansa sa Miss International pageant na gaganapin sa Japan sa darating na November.

Naniniwala naman ang dalaga na may sapat pang panahon para paghandaan ang kanyang laban, “I am hoping that one of the reasons I was given this title is my personality. I am hoping that I won’t need to change too much. I will just need to focus on pasarela, preparing the outfits and preparing an amazing speech if I am lucky enough to be one of the finalists to present that.

“I think we have enough time. Ate Sam Bernardo, earlier this year when she competed in Miss Grand International, she prepared in two weeks. So I think we can do it,” lahad pa ni Hannah.

May anim na Miss International crown na ang Pilipinas, ang huling nakapag-uwi ng titulo ay si Kylie Verzosa noong 2016.

The post Bakit na-challenge si 2021 Bb. Pilipinas International Hannah Arnold sa swimsuit competition? appeared first on Bandera.

Miriam Quiambao may pinagtugtog na album habang nanganganak: I was both excited and anxious…

$
0
0

“ROLLER coaster of emotions.” Ganyan inilarawan ni Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao ang naging karanasan niya sa pagbubuntis at panganganak sa edad 46.

Inalala ng dating beauty queen at TV host ang kanyang birthing experience ilang araw matapos isilang ang “miracle baby” at second child nila ng asawang si Ardy Roberto.

Abot-langit ang pasasalamat ni Miriam dahil sa kabila ng mga challenges na hinarap niya habang nagbubuntis lalo na ngayong panahon ng pandemya ay maayos pa rin niyang naisilang si Ezekial Isaiah Roberto, o Baby Ziki.

Ibinahagi nga ng TV host at aktres sa kanyang Instagram page ang ilang detalye nang ipanganak niya si Baby Ziki.

“It’s been a week since I gave birth via scheduled cesarean section to my miracle baby Ezekial Isaiah ‘Baby Ziki’ Roberto, and what a week it has been!

“It was a roller coaster of emotions as memories of my first CS came to mind. I was both excited and anxious at the same time. Some fears dared to creep at the back of my mind.

“I’m so grateful to God’s never-ending grace whose presence never left my side,” simulang pahayag ni Miriam.

Nag-share rin siya ng ilang mga kaganapan noong nasa operating room siya bago ang kanyang cesarean section, “Listening to the ‘Childbirth In The Glory’ album from Spotify helped me be grounded in His word and gave me the faith, the strength, and the mindset as I prayed and believed God for a supernatural birth.

“The doctors were kind enough to allow me to play the album inside the OR and whenever I felt anxious, a timely verse came out from the speakers which gave me renewed faith and strength to face the ordeal ahead.

“Barely 4 hours of intermittent sleep per night, the pain of engorgement and my C-section, adjustments in the household are just some of the challenges to contend with,” kuwento pa ng dating beauty queen.

Nagpasalamat din siya sa kanyang asawa dahil talagang sinuportahan at inalagaan siya nito nang bonggang-bongga.

“I am grateful to my husband @ardyroberto for journeying with me from the beginning till the end: staying with me in the hospital, caring for me and the baby. And now our journey as new parents is just beginning again.

“Thank you to the medical team headed by OB/Gyne Extraordinaire @dr.beckysingson who made sure that I get the utmost medical care,” sabi pa ng celebrity nanay.

Bukod sa panganay niyang si Elijah at kay Baby Ziki, may stepson din si Miriam na nagngangalang Joshua.

The post Miriam Quiambao may pinagtugtog na album habang nanganganak: I was both excited and anxious… appeared first on Bandera.

Mariel ‘binanatan’ nang bonggang-bongga si Robin matapos magpa-interview kay Ogie Diaz

$
0
0

TAWANG-TAWA kami sa naging reaksyon ni Mariel Rodriguez nang mapanood ang panayam ni Ogie Diaz sa asawa niyang si Robin Padilla sa YouTube channel nito.

Tungkol sa manugang ni Robin na si Aljur Abrenica ang topic dahil sa umano’y may third party sa part ng aktor na naging dahilan daw ng hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.

Hindi naman ipinagtanggol ni Binoe ang manugang pero aniya, “Di ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso.”

E, napanood ito ni Mariel kaya umuusok ang tenga at ilong ng wifey ni Robin kaya pinaglalabas niya ang mga gamit na pang-sparring ng asawa tulad ng headgear, sparring gloves, chest protector, pang-arnis na gawa sa kamagong at marami pang iba.

Binidyo ni Mariel ang gagawin nila ng asawa na in-upload niya nitong Miyerkules ng gabi sa kanyang YouTube channel.

Kinatok ni Mariel si Robin sa kuwarto nito at niyayang mag-sparring sila na ikinagulat naman ng huli, “Parang ganadung-ganado ka ah,” bati ng aktor sa asawa.

“Oo pina-disinfect ko pa ang mga ‘to,” sagot naman ni Mariel.

“Ang tagal natulog ng mga ito, 10 taon,” hirit ni Binoe.

Si Robin lang ang magsusuot ng mga gear dahil sabi ni Mariel ay sasanggain lang nito ang mga tira niya kaya hindi na siya nagsuot ng pang-proteksyon.

Hayun at sinimulan nang hatawin ni Mariel si Robin na panay naman ang sangga at hindi sinasadyang natamaan niya sa pribadong parte ng katawan kaya humingi ng break ang aktor.

“Ay, tinamaan kita, di ba kasama do’n,” sabi ni Mariel.

“Oo kasama pero wala akong gear do’n,” ganting sagot ni Binoe.

Nagpahinga muna sila sabay upo at dito na sinimulang tanungin ng sunud-sunod ni Mariel ang asawa.

“Babe marami akong gustong itanong sa ‘yo.  Mag-11 years na tayo ngayong August, di ba? So, meron akong gustong itanong na never ko pang natanong sa ‘yo,” sabi ng nanay nina Isabella at Gabriella.

“First question, siyempre Babe marami kaming nakapanood ng interview mo kay Ogie Diaz, (habang sinasabi ito ni Mariel ay idinadapo niya ang panghampas sa asawa sa ulo, balikat, dibdib at binti).  In five years anong plano mo (sa pamilya nila)?”

“Sana buhay pa ako.  E, ako naman ang plano ko ay matahimik na buhay, ayaw ko ng magulong buhay,” paliwanag ng aktor.

Sabi pa nito, “It’s not gonna happen. Ang gusto ko magkaroon ng tahimik na buhay ang mga anak ko.  Ang pangarap ko nga sa abroad (mag-aral) din. ‘Yun ang pangarap ko talaga.”

Say naman ni Mariel, “So in five years, Isabella will be 10 (years old), si Gabz will be 7.  So ano ang nakikita mo sa atin no’n? Tahimik na ang buhay natin?”

“Sana magkaroon tayo ng blessings na mangyari, sa ngayon kasi imposibe ‘yun. Siguro kung ibebenta ko na ‘yung Museo (De Padilla, ang ancestral house na pina-renovate ni Robin na ngayo’y pinapaupahang events place).

“O, ibebenta mo ‘tong bahay mo? Ha-hahaha!” tanong ni Binoe sa asawa na napangiti lang.  “Makakapag-abroad tayo,” sabi ni Robin.

“Ah ganu’n? Na-allergy ako bigla. Ha-hahaha!” natawang sagot ni Mariel habang nagkakamot. “So, what about in 10 years? Anong plano?”

“E, sana nga nakasalalay lahat ‘yan kung ano ang blessings sa atin (sabay tingin sa asawa) kasi kung ganito (may pandemya), nandito lang tayo sa Pilipinas. Wala tayong tsansang makalayo,” seryosong paliwanag ng aktor.

“So, close to a miracle na ba ang kailangan o hindi pa naman?” balik-tanong ni Mariel sa asawa.

“Hindi naman, ang dami nating ibebenta. Tanong ko nga sa ‘yo kung ano ang uunahin natin, ito bang bahay mo o ang Museo? E, kung mag-a-abroad tayo, hindi naman natin dala ‘to, di ba? Hindi naman natin dala ang Museo.  Hindi naman milagro ang hinihintay natin, depende sa lockdown.

“Kasi hindi naman tayo puwedeng puro pangarap tapos lockdown naman ‘yung mga gusto nating puntahan,” pahayag pa.

“Saan ba natin gustong pumunta?” tanong ni Mariel.

“E, baka masyado nang mahirap sa Europa. Hindi na natin kaya ang euro. Ha-hahaha,” tumawang katwiran ni Binoe na seryoso naman ang naging tugon ng asawa, “Ganu’n?”

Tanong ulit ni Mariel, “Kapag nai-imagine mo ang ganu’n, ano sa tingin mo ang magiging trabaho natin?”

“Ha, mag-aalaga lang tayo ng bata.  Palalakihin natin ang mga anak natin. Kaya nga tayo pupunta ro’n (para mag-aral mga anak). Kaya nga tayo magbebenta para maging relax lang,” paliwanag ng aktor.

At ang huling hirit ni Mariel, “May isa pa akong tanong tungkol sa tukso na sa panahon ngayon na hindi ka naniniwala lalo na ang mga artistang lalaki na hindi nakaka-resist sa tukso.”

“E, ako nagsasalita tungkol sa aking experience. Experience ‘yun noong ako ay nasa tugatog ng aking kasikatan,” diing paliwanag ni Robin.

Ayon kay Mariel, “So masasabing it’s in the past? Mabuti na ‘yung klaro.”

Say naman ni Binoe ay hindi ipinagyayabang ang pagiging loyal at dapat ito ay ginagawa na lamang. Sabay hirit ni Mariel ng, “At dahil 11 years na tayo, meron bang instance sa relasyon natin na natukso ka?”

“Aba pinapayagan mo naman ako kapag nasa abroad na tumingin-tingin, ah?” paalala ni Robin sa asawa.

“Hindi ako pumapayag! Never akong pumayag, hello?” seryosong sabi nito.

Tawang-tawa naman si Robin sa reaksyon ng asawa, “Pag nagsa-shopping ka?”

“Kaya nga nabibitin ako kapag nagsa-shopping ako. Ang pinag-uusapan natin ‘yung sa Russia? So nag-shopping ako nang sobrang bilis. Sabi niya, ‘o tapos ka na?’

“Ang daming magagandang babae sa (paligid). Lahat pala ng magagandang babae sa mundo nandito sa Russia. Natapos ‘yung shopping nawalan ako nang gana!” nakangiti pero halatang nairita ang asawa ng aktor.

The post Mariel ‘binanatan’ nang bonggang-bongga si Robin matapos magpa-interview kay Ogie Diaz appeared first on Bandera.

Julia tagaluto ni Coco sa Pola, Mindoro: Mas bet nila ang gulay lang at sariwang isda

$
0
0

ANG sipag ng CocoJuls4ever supporters nina Coco Martin at Julia Montes dahil since day 1 ng rumored couple sa Pola, Mindoro ay palagi na silang nagpo-post ng mga ganap tungkol sa mga ito.

Nasa Pola sina Coco at Julia para sa shooting ng kanilang indie movie na idinidirek ni Brillante Mendoza at halos araw-araw nga ay nagbibigay ng updates ang grupo ng kanilang fans para makita rin ng iba pa nilang kasamahan ang kanilang mga idolo.

Pati ang pamamasyal nina Coco at Julia sa dalampasigan na tila rest day nila ay ibinalita rin ng kanilang mga supporters with matching pictures pa.

Sa unang larawan ay parehong naka-shorts ang dalawa habang nakaangkas ang aktres sakay ng ATV motorcycle at may caption na, “Panibagong ayuda (picture) grabe na ito!”

E, pati pala ang mayor ng Pola na si Jennifer Cruz ay panay din ang click ng kanyang camera kina Coco at Julia habang nasa dalampasigan at muntik nang mag-holding hands.

Ginrab naman ng cocojuls4ever ang mga larawan at nilagyan ng mensaheng, “Eh muntik na mag-holding hands. Sana maganda gabi nyo at makatulog kayo ng mahimbing!”

May kuha rin si Mayor Cruz na habang nasa dalampasigan ang dalawa ay umiinom ng fresh buko juice with Raymart Santiago.

Ang caption ni Mayora, “Beach ba na nakaka-in-love? Try n’yo Lambanog sa Misong Pola. ‘Yan po ang pinuntahan namin nina Coco Martin, Julia Montes at Raymart Santiago. Try n’yo po ‘yan at ang KI Long Beach kung saan na-enjoy namin ang pag ATV.”

Say naman ng cocojuls4ever, “Good morning! Buko kayo dyan. Isang ayuda na naman from our Buko couple na gusto na yatang ‘magpabuko’ char!”

“Si Julia talaga, mahilig sa COCOnut! FYI. Di po yan fake. Mahiya naman po ‘yung nga nagsasabing hindi sila magkakasama ngayon sa Pola.”

Tsika pa ang supporters ng dalawang Kapamilya stars, “Si Julia po ang taga luto minsan ng ulam nila ni Coco and simple lang po ang gusto nilang pagkain. Mas bet nila ang gulay lang at sariwang isda.”

May bonus pa para sa lahat ng supporters nina Coco at Julia dahil may Twitter party sila bukas, Hulyo 23, 8 p.m..

“Hola mga chikadorang busog sa ayuda! Join us in our upcoming Twitter party this Friday, July 23, 8:00PM Our official tagline is:
COCOJUL IS BACK!
“Reminders lang:
– no numbers
– no emojis
– minimum of 3 words per tweet

“May 1 day pa para mag-prepare ng iti-tweet at mag-save ng drafts. If may mga katanungan regarding sa twitter party, just message @cocojulxx.”

The post Julia tagaluto ni Coco sa Pola, Mindoro: Mas bet nila ang gulay lang at sariwang isda appeared first on Bandera.

Alden sa mga Kapuso fans: Kayo po ang bumubuhay sa amin

$
0
0

TIYAK na mas mae-excite gumising ang fans ni Alden Richards sa regions ngayong Biyernes dahil ang Asia’s Multimedia Star ang makaka-bonding nila sa “Kapuso Fans Day on TV” handog ng GMA Regional TV.

Si Alden, miss na rin daw ang pagbiyahe para makasama ang kanyang fans sa regions. Ganuon pa man, thankful pa rin ang Kapuso actor dahil patuloy ang mainit na suporta ng viewers sa kanya.

“Kahit pandemic at hindi ko kayo personal na nakikita, nandiyan pa rin kayo and it means a lot to me,” say ng aktor na ngayon ay gabi-gabing napapanood sa primetime series na “The World Between Us” at kapag Linggo naman ay nagpapasaya sa “All Out Sundays.”

“Kayo po ang bumubuhay sa amin, your love and support for us. Salamat at mahal ko kayong lahat,” dagdag na mensahe pa ni Alden sa kanyang supporters.

Ang “Kapuso Fans Day on TV” ay napapanood tuwing Biyernes, 8 a.m., sa morning shows na umeere sa local channels ng GMA RTV: “Mornings with GMA Regional TV” sa North Central Luzon, “GMA Regional TV Live!” sa Central and Eastern Visayas, “GMA Regional TV Early Edition” sa Western Visayas, at “At Home with GMA Regional TV” sa Mindanao. 

* * *

Nakaisip ng paraan ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para kahit paano’y mabawasan ang lungkot at pagkabagot ng kanilang mga anak.

Ayon sa Kapuso Ultimate Star,  talagang sinusulit daw niya ang bawat araw na magkasama sila ng anak na si Alex Jazz lalo’t next month ay teenager na ito.

“Ang bilis ng panahon kaya masasabi ko talaga sa mommies ‘yung habang baby at habang maliliit pa sila, i-enjoy na talaga nila ‘yung moment kasi ang bilis nilang lumaki,” ang chika ni Jennylyn sa panayam ng GMA.

Kuwento ni Jen, hangga’t bata pa ang anak ay talagang sinasamantala niya ang bawat pagkakataon na makapag-bonding sila. Kamakailan nga lang ay nakapag-hiking sila sa Tanay kasama si Dennis pati na ang anak nitong si Calix.

“Nine hours ‘yung hiking namin kahapon at umuulan, walang tigil ang ulan kaya medyo nahirapan kami at medyo natagalan, kasi ‘yung buong bahay namin talagang nag-hike,” pagbabahagi pa ni Jen.

Para sa aktres, kailangan din daw ng mga bata ngayon ang mga ganitong uri ng activity para mabawasan ang kanilang nararamdamang anxiety o pag-aalala.

Basta siguruhin lang daw na nasusunod pa rin ang safety at health protocols na ipinatutupad ng gobyerno kontra-COVID-19.

“Para naman maiba kasi kung tayo nga, nahihirapan na lagi lang nakakulong sa bahay, ang dami nang nagkakaroon ng anxiety or depression. Ito ‘yung way namin kung paano ibe-break ‘yon,” sey pa ni Jennylyn.

The post Alden sa mga Kapuso fans: Kayo po ang bumubuhay sa amin appeared first on Bandera.

Robin umatras sa pagtakbong governor: Hindi ko po kaya ang P150-M na gastos sa kampanya

$
0
0

TINULDUKAN na ni Robin Padilla ang usapin tungkol sa posibleng pagpasok niya sa mundo ng politika.

Ipinagdiinan ng aktor na wala siyang kaplanu-planong tumakbo sa kahit anong posisyon sa darating na Halalan 2022.

Sabi ni Binoe hindi raw niya kaya ang P150 million na panggastos para sa kampanya kung tatakabo siya bilang gobernador ng Camarines Norte sa Bicol Region.

Bukod sa pagiging gobernador ay lumutang din ang pangalan ni Robin na isa sa possible candidates na kasama sa PDP-Laban kung saan magiging katiket din daw niya sina Willie Revillame at Raffy Tulfo na inaawitan din ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Anyway, sa pagpapatuloy ng tsikahan ng mag-asawang Robin at Mariel Rodriguez sa part 1 ng vlog ng huli na uploaded sa kanyang YouTube channel ay napag-usapan din nila ang politika.

Dito nabanggit nga ng aktor na may pangako siya sa mga kababayan niya sa Bikol, pero nang malaman niya ang laki ng halagang magagastos ay umatras na siya.

Ang tanong ni Mariel, “Maraming may gustong mag-politics ka, what is stopping you?”

“Ang nangyari naman ngayong darating na 2022, kinonsider ko ‘yan alam mo ‘yan nu’ng nag-usap tayo, gusto ko nga sa Bikol.

“Kasi ang nasa isip ko 10 million o 20 million (magagastos), siguro kaya naman kitang utangan no’n?  Kasi meron ka namang naitago, eh.  Hindi naman ako naniniwala na ginastos mo lahat (sa pagsa-shopping) sa bag,” nakangiting sabi ng aktor.

Hirit ni Mariel, “Yes and para i-clear natin sa kanila (publiko), ‘yung pera ko, pera ko, ‘yung pera mo, pera mo.  Pero siya ang nagbibigay ‘yung para sa amin dito sa bahay (bills, pasuweldo sa mga kasama sa bahay at pagkain).

“Pero ‘yung mga luho ko, mga damit na binibili kong mamahalin para sa mga anak ko basta anything luxury, anything out of the necessity sa akin ‘yun galing.

“Kasi sinasabi nila (publiko) inuubos ko raw ‘yung pera mo!  ‘Yung mga kalokohan ko akin ‘yun ‘no, hello!” diin ni Mariel.

Sinang-ayunan naman ni Robin ang mga pahayag ng asawa na hindi nito ginagalaw o inuubos ang pera niya.

Sabi pa ni Mariel, “Masipag po ako!” 

Oo naman, matagal na naming alam lahat ng mga ginagawa ni Mariel para kumita ng pera at dalaga palang siya ay marami na siyang investments.

Say naman ni Robin, “Saka hindi kalokohan ‘yun, investment ang mga ‘yun.”

Napahiyaw si Mariel, “Thank you investment ‘yun!”

“Kasi nu’ng minsang nagbenta ka ng mga bag at sapatos, naanggihan pa ako ng 20 thousand. ‘O babe kumita ako!’ Gulat na gulat ako binigyan ako ng beinte mil!” masayang kuwento ng aktor at producer.

“Kasi para ma-feel din naman niya na siya rin nakakatanggap kasi lagi na lang siyang out-out para ma-feel din niyang meron ding in,” paliwanag ni Mrs. Robin Padilla.

At nang bumalik na sa usapang politika, “Ang sabi sa akin 150 million! Sabi ko, ‘Ha? For local government, governor?’ At ‘yun pa raw ang pinakamaliit (na gastos).

“Sabi ko, e, teka muna. Kung magbebenta kami ng ari-arian para pondohan ‘yung pagkandidato na ‘yun at sabihin na nating nanalo ka…”

Hirit kaagad ni Mariel, “Ganito, ako na ang magsasabi mapipilitan ka talagang maging corrupt (kasi) babawiin mo ‘yung bahay mo, eh (tawa nang tawa si Robin).

“Alangang pumayag na lang ako na ibinenta mo ang mga ari-arian natin tapos nawala na lahat dahil ikinampanya natin siyempre kailangan bumalik ‘yun at doon papasok ang corruption!”

At ang final say ni Binoe, “Kaya nagdesisyon talaga ako na hindi talaga (papasok sa pulitika). Kaya ‘yung mga kababayan po natin sa Camarines Norte, patawarin n’yo po ako, hindi na po kaya. Gusto kong magdala ng pagbabago sa inyo dapat umpisa palang. Pagpasok ko palang, pagbabago na kaagad hindi ‘yung mangangako ako na ganito-ganyan kasi bola na ‘yan.”

Habang sinusulat din namin ang balitang ito ay tinanong namin si Mariel kung anon a ang final decision ng asawa niya sa mga humihimok sa kanya sa politika.

“Hindi siya tatakbo,” sagot sa amin ng wifey ni Binoe.

The post Robin umatras sa pagtakbong governor: Hindi ko po kaya ang P150-M na gastos sa kampanya appeared first on Bandera.

Alex Gonzaga patuloy ang pagrereyna sa YouTube

$
0
0

TULOY-TULOY ang blessings na natatanggap ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang pagiging YouTuber.

Patuloy kasi ang pag-arangkada ng bilang ng subscribers sa kanyang YouTube channel na sinimulan niya noong July, 2017.
“Netizens, we are now 11M and we have 1 Billion views na overall! What a way to celebrate our anniversary. Salamat sa inyo! To God be the glory,” pagbabahagi nito sa kanyang YouTube community.

Nito nga lang Pebrero nang ianunsyo ng aktres ang kanyang 10 million subscribers kung saan nakatanggap siya ng Diamond Play Button mula sa YouTube.
Marami naman ang agad nag-congratulate sa bagong milestone ng aktres.
“Nice one sis congrats,” comment ng kanyang brother-in-law na si Direk Paul Soriano.

“Congratulations Catherine!!!! Soooooo proud of you beyond words!!! You deserve it ALL!!!!!” comment naman ni Mariel Rodriguez-Padilla.

“Congratulations My Alsy Balsy (red heart emoji) Yes Yes Yes Amen,” comment naman ng isa sa kanyang mga showbiz bestfriend na so Melai Cantiveros-Francisco.

Hindi naman papahuli ang mga supporters ng aktres sa pagbati. Sa isang IG post, pinaabot ng mga ito ang kung gaano sila ka-saya at ka-proud sa nararating ng kanilang iniidolo.

“RISE AND SHINE NETIZENS!!! HOORAY TO 11 MILLION STRONG YOUTUBE SUBSCRIBERS OF THE ONE AND ONLY QUEEN VLOGGER, ALEX GONZAGA!!! Wohooo what a great way to celebrate your 4th anniversary by the end of this month! It’s a double celebration!!

“You are truly deserving of every milestone that you unlocked! Keep on doing such amazing videos that we always have so much fun watching.
“We appreciate each video that you do to keep us sane specially this pandemic when we all need to have a good laugh and fun times. You are vivacious, funny and crazy relatable person that’s why we’re totally hooked with your vlogs.
“You are one of the most beloved YouTube personalities – that is one of the reasons why your channel has managed to gather more than 11 million sunscribers. You are loved across all social media platforms too.
“Congratulations on this yet another achievement! You deserve 11m subs and more!! May you always bring good vibes and positivity and we pray that what you always give will come back to you in ten folds. Thank you for being our happy pill. We love you!!!” mensahe ng alexsquad fan group.

Ilan rin sa mga sikat na personalidad ang nakatanggap na ng Diamond Play Button gaya nina Ivana Alawi, Zeinab Harake, Ranz and Niana at Raffy Tulfo.

The post Alex Gonzaga patuloy ang pagrereyna sa YouTube appeared first on Bandera.


Julie Anne star na star sa New York Times Square billboard

$
0
0

DREAM come true para sa Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang pagkaka-feature sa New York Times Square billboard para sa EQUAL campaign ng Spotify.

Proud na inanunsyo ng singer-songwriter ang balitang ito sa kanyang Instagram account.

“TIMES SQUARE, NEW YORK BABYYYY!!! Just.. SURREAL. Big thank you @spotify! This is a dream come true!

“@gmanetwork @universalrecordsph fam, friends and my loving supporters, we made it! Praise God!” pagbabahagi ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Ang EQUAL campaign ay inilunsad ng Spotify bilang pagsuporta sa mga female creators sa buong mundo at naglalayon na i-promote ang gender equality sa music industry.

Marami ang naging masaya at nag-congratulate para sa bagong achievement ng dalaga.

Ilan na nga rito sina Edgar Allan Guzman, Ai Ai delas Alas, Gabbi Garcia at Bianca Umali.

Pati na rin ang Universal Records PH ay nag-congratulate rin sa kanya.

Cover photo ang singer ng Spotify’s EQUAL Philippines Playlist ngayong buwan ng Hulyo.

Featured din ang kanyang latest single “Free” sa EQUAL Global Playlist kasama ang mga kanta nila Ariana Grande, David Guetta, at iba pa.

The post Julie Anne star na star sa New York Times Square billboard appeared first on Bandera.

Sanya Lopez inaming ‘ideal man’ si Daniel Padilla

$
0
0

HANGANG-HANGA ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

“Ang lakas nga ng dating niya. Si Daniel, ano siya, pangjowa siya,” pagbabahagi ng dalaga.

Isa kasi si Daniel Padilla sa listahan ng mga actor kung saan pipili si Sanya kung jojowain ba niya ito o totropahin.

Bumilib kasi ang Kapuso star sa pagiging sweet nito sa kasintahan na si Kathryn Bernando.

“Parang pag naging girlfriend ka niya, aalagaan ka niya nang sobra-sobra,” dagdag pa ni Sanya.

Ibinahagi rin ng dalaga ang mga pangyayari noong una niyang makita ang aktor.

“Nakita ko yan si Daniel one time sa isang mall, grabe siya kung paano sa mga tao talaga. Doon ko nakita na nasabi ko, ‘Ah, kaya siya Daniel Padilla’ it’s because kung paano siya makitungo sa talagang sumusuporta sa kanya,” kwento niya.

Minsan daw ay may nakita siyang isang matangkad na lalaki na may malakas na dating. Naka-cap lang at naglalakad galing sa sinehan.

Naging palaisipan sa dalaga kung sino ito hanggang sa may sumigaw ng pangalan nito at nakumpirma niyang si Daniel ang guy.

Pinagkaguluhan nga raw ang aktor ng mga fans kaya may mga guard na lumapit upang pigilan ang mga ito.
Ngunit sinabi raw ng aktor na hayaan lang ang mga fans at siya pa nga mismo ang kumuha ng cellphone para makipag-selfie sa mga supporters.

“Walang kaere-ere. Ito ‘yung mga nagugustuhan ko sa isang artista,” pag-amin ng dalaga.

Ilan pa sa mga aktor na napasama sa mga “jojowain” ng aktres ay sina Joshua Garcia, Marco Gumabao, James Reid, Gul Cuerva, Ivan Dorschner, Kokoy de Santos, at Atom Araullo.

The post Sanya Lopez inaming ‘ideal man’ si Daniel Padilla appeared first on Bandera.

Xian host muna ng 2021 Miss World bago sumabak sa lock-in taping para sa serye nila ni Jennylyn

$
0
0

MULING mapapanood si Xian Lim sa Kapuso network bilang isa sa mga host ng Miss World Philippines 2021 beauty pageant.

Gaganapin ang grand coronation night sa Okada Manila ngayong Linggo, July 25. Makakasama ng aktor bilang co-host si Reina Hispanoamericana 2017 Wynwyn Marquez.

Makakasama rin nila rito sina RJ Ledesma at mga beauty queens na sina Alyssa Muhlach and Cynthia Thomalla.

Unti-unti na nga ring nagiging suki si Xian sa pagiging beauty pageant host matapos ang mga stint nito sa Binibining Pilipinas at Miss Grand International.

Samantala, mukhang tuloy na tuloy na mga ang napapabalitang teleserye project ng hunk actor sa GMA 7 kasama si Jennylyn Mercado.

Matapos nga ang Miss World Philippines 2021 hosting stint ng actor, balitang sasabak na rin ang binata sa lock in taping para sa bago niyang teleserye sa Kapuso network sa darating na Agosto.

Wala pang pormal na anunsyo ang aktor sa kanyang paglipat sa GMA pero maugong na ang balita na siya na ang susunod na Kapamilya star na mag-oober da bakod sa Kapuso network.

Tila wala namang problema sa desisyon niya na lumipat sa GMA dahil full support naman sa kanya ang girlfriend na Kim Chiu pati na ang kanilang mga loyal supporters.

Abangan na lang natin ang magiging official statement ng GMA tungkol sa paglipat ni Xian Lim.

The post Xian host muna ng 2021 Miss World bago sumabak sa lock-in taping para sa serye nila ni Jennylyn appeared first on Bandera.

Lucy Torres nagdesisyon nang tumakbong senador sa 2022

$
0
0

KASAMA sa initial senatorial line-up ng National People’s Coalition na inilabas ni Senate President Tito Sotto si Lucy Torres-Gomez.

Napabalitang tatakbo si Sen. Tito Sotto sa pagkapresidente kasama si Sen. Panfilo Lacson na tatakbo rin bilang bise-presidente.

Ilan pa sa mga kandidato ay sina Chiz Escudero, JV Ejercito, at Loren Legarda na pawang may mga koneksyon sa entertainment industry ang kasama ni Lucy sa line up.

Ngayong taon na ang huling termino ni Lucy bilang House Representative ng Fourth District ng Leyte.

Matatandaan na nabalita rin noon na kinukonsidera ni Pangulong Duterte at ng partido nito na kunin siya bilang senatorial candidate sa 2022 elections.

“Kasi hindi siya talaga yung, like, I was saying earlier, hindi siya talaga grand plan.

“Kasi kung pangarap lang, back in 2016 pa lang, I was already asked to run, e.

“So in 2019, I was also asked again to run for the Senate. But it was never an ambition or a dream.

“Ang sa akin lang, if maybe I’m given the opportunity, it’s one of those things that only time can tell,” panayam noon ni Lucy nang siya’y tanungin kung tatakbo ba ito o hindi.

Ngunit ayon kay Sen. Sotto, tuloy na tuloy na ang pagtakbo nito.

“I just got the go signal, Cong. Lucy will be in our line up,” pagbabahagi nito.

Usap-usapan rin na may balak tumakbo kapalit niya ang asawa nitong si Richard Gomez na kasalukuyang mayor ng Ormoc.

Wala pa rin naman itong kumpirmasyon dahil sa ngayon ay abala pa ito sa pagpapagaling.

Kamakailan lang nang mapabalita na nag-positibo sa COVID-19 ang actor-politician.

The post Lucy Torres nagdesisyon nang tumakbong senador sa 2022 appeared first on Bandera.

‘Wansapanataym’ singer Michelle Ayalde humingi ng tulong para sa kanyang operasyon

$
0
0

NANANAWAGAN ng tulong pinansyal at dasal ang singer na si Michelle Ayalde upang masustentuhan ang kanyang gastusin para sa nalalapit na operasyon sa pancreas.

Sa isang Facebook post ng singer noong Sabado, July 17, kailangan niyang makalikom ng halos tatlong daang libong piso para sa kanyang nalalapit na operasyon.

“Needed 300k more or less for my surgery… (estimated only not included hospital room medications and laboratories) my pancreas are still inflamed… that’s why we cannot do the operation yet… by monday the surgeon will decide which procedure will be done …

“Was referred to an additional doctors. Neuro surgeon due to my AVMal. Cardiologist. Anesthesiologist for severe pain na hndi ako makatulog simula kahapon.

“If it’s not too much to ask i badly needed your prayers and financial assistance. God bless everyone.

“Gcash 09151074658 Joshua Braganza.”

Isa naman sa mga kaibigan sa industriya na si Brenan Espartinez ang nag-share ng post ng dalaga.

Anito, “Asking for prayers and help for a friend. Kindly share this on your timeline so we may get as much help as we can.”

Sa isa pang Facebook post nitong July 22, hindi pa rin naooperahan si Michelle at naiiyak na dahil sa laki ng bill sa hospital.

Dagdag pa nito, 97,000 na agad ang gastos sa professional fee pa lang.

Si Michelle ay nakilala sa kanyang pag-awit sa theme song ng “Wansapanataym” at sa ginawang nitong Tagalog version ng “Ni Yao De Ai”, isa sa mga kanta sa hit series na “Meteor Garden”.

The post ‘Wansapanataym’ singer Michelle Ayalde humingi ng tulong para sa kanyang operasyon appeared first on Bandera.

Viewing all 44614 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>